Ilang minuto rin akong nanatili sa loob ng CR ng mga babae upang pakalmahin ang sarili ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko na mapigilan ang aking mga luha. Ang puso ko, sobrang sakit na pati paghinga para bang napakahirap. Humigpit ang kapit ko sa lavatory upang doon kumuha ng lakas. Kahit may ibang pumasok sa loob at nakita akong umiiyak, wala akong pakialam. I was hurt that I don't even care what they think about me! Napatingala ako saka marahang pinahid ang aking mga luha na animo nagkakarerahan sa pag-unahang makapatak mula sa mga mata ko hanggang sa aking pisngi. Bakit ba ang bilis bumukal ng aking mga luha? Hindi ba pwedeng kapag nasasaktan ay masakit lang pero walang iyak? Palagi bang kasunod ng lungkot at sakit ang pagluha na puno nang pagdadalamhati? Binuksan ko

