Magmula nang magkita kaming muli ni Amadeus ay palagi na akong nakatatanggap ng pagkain at bulaklak mula rito. Kung noon siguro, baka kiligin pa ako nang sobra sa mga gestures nito. Dati nga kahit isang piraso ng dilaw na bulaklal galing dito, labis na ang katuwaan ko kahit alam kong wala namang ibig sabihin 'yon! But now, I know that he's only doing that to make up for the mistakes that he had done. At sa tingin ba nito basta na lang akong madadala sa mga pabulaklak nito? Crap that! Because right now sisiguraduhin kong sasayaw ito sa tugtog na ako mismo ang pumili. At hindi ako titigil hangga't ito ang unang sumusuko! "Miss Nat..." Nag-angat ako ng ulo mula sa dokumentong binabasa ko ng marinig ko ang boses ni Marsha. "Yes, Marsha?" "May ipinadala po ulit na pagkain si Mister Le Pi

