"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong sa akin ni Milagros. Prente itong nakaupo sa pang-isahang sofa, panay ang himas sa tiyan nitong may kalakihan na rin. After all these years of sadness, God already gave her a precious gift. The gift of life na noon pa nito ipinagdarasal. Ilang buwan na rin itong tumigil sa pagtratrabaho para maalagaan nito ang ipinagbubuntis. Naging maselan kasi ang kalagayan nito kaya kinailangan nitong mamahinga at manatili na lang sa bahay. Isa rin ito sa naging dahilan kung bakit hindi ko mapahindian ang trabahong ipinapakiusap ni Tito Roman sa akin. Matanda na ito at si Tita Rosie para siyang personal na mag-asikaso. Hands on ang mga ito sa mga negosyo at alam kong magpapabalik-balik ang mga ito sa Pilipinas saka babalik ng Canada lalo na ngayon na nagdadala

