"Ganun ba, anak Ezekiel? Tinupad mo ang usapan natin. Salamat, anak, napakabuti mo talaga. Manang-mana ka sa Lola at Lolo mo," tugon ni Donya Elisabeth. "Normal lang 'yon, Mommy. Isa pa, mabait naman si Maria Theresa, lagi niya sinusunod ang aking mga sinasabi," sabay lunok ng aking laway habang nakatingin sa nobya na nakayuko. "Ganito na ganito siya kahit noon pa, Ezekiel. Sanay siya na walang kaibigan, sanay siya na mag-isa lang at gagawin niya lang magbasa ng Bibliya." Ngumiti lang si Maria Theresa habang nagsasalita ang Mommy niya, at sulyap niya ang Daddy, para may iniisip na hindi mawari. Kaya tinawag niya, "Daddy, ayos lang ba? Baka gusto niyo munang magpahinga para manumbalik ang lakas niyo," sabay lapit at niyakap ko si Daddy. "Ayos lang ako, anak. May inisip lang ako, pero h

