CHAPTER 1
Sa araw na ito, nais ipagdiwang ng pamilya Orsos ang kaarawan ng kanilang anak na si Maria Theresa, ngunit dahil sa taglay nitong pag-uugali, walang naganap na selebrasyon. Normal naman siya! Walang kaming nakikitang kaibahan sa ibang bata.
Simula nang may nakitang Bibliya sa basement, hindi na niya binitawan, at doon nagsimula ang pagbabago niya. Mas gusto niya na magkaroon ng simpleng kainan para sa hapunan. Halos hindi na rin sila nagreklamo sa kagustuhan ng anak nila, dahil kilala nila ang kanilang anak. Mas gusto niyang magbasa ng Bibliya kaysa sa mga bagay-bagay na walang kabuluhan.
"Ruben, bakit ganyan ang anak natin?" Araw-araw ko siyang nakikita na may hawak na Bibliya; baka maging madre yan! tanong niya sa asawa.
“Wala din akong ideya, mahal ko, kung bakit yan ang kinahihiligan niya kumpara sa mga gusto nating dalawa?” tugon nito.
“Mas okay na yan kaysa maging pasaway na bata, pero moment niya ngayon kung kailan siya magse-celebrate ng ka pitong kaarawan niya, ayaw niyang may magaganap.”
“Na party,” sabi niya sa asawa.
“Mahal ko, huwag nating isipin ang ating anak. Tara na sa kusina para mabigyan mo sila ng ideya kung ano ang lulutuin ng ating kasambahay. Gusto ko ng inihaw na isda at pork chop, mahal ko. Huwag mong kalimutan ang paborito ng anak natin.”
“Sure, mahal,” habang patungo sila sa kusina, nagtataka siya kung bakit ganun ang kinikilos ng anak niya. Bakit ganun na lang ang gusto nitong magbasa ng Bibliya sa edad niya?
“Sa pamilya namin, walang nakahiligan na magbasa ng Bibliya, at ganun din kay Ruben,” pinilig nilang ang kanyang ulo para mawala sa isip niya ang kagustuhan ng anak nila.
Habang inaayos niya ang hapunan nila kasama ang kasambahay, natapos din nila ang pag-aayos. Parang amoy pagkain ang kanyang katawan, kaya tinawag niya si Manang para maligo muna siya bago sila kumain lahat.
“Okay po, Dony Elizabeth,” tugon ng kasambahay.
Kaya dali-dali siyang umakyat para maligo. After 20 minutes, natapos din siya, saka siya bumaba para kumain.
“Manang, paki tawag na po ang mag-ama!” wika niya.
“Opo, Donya Elisabeth,” tugon niya.
“Diyan na pala kayo! Kain na tayo, guys!” yaya niya sa mag-ama niya.
“Wow, sarap naman ang nakahain sa hapag-kainan natin! Atsaka, ang ganda ng cake ng unica hija ko,” saad ni Don Ruben.
“Salamat, mahal ko. Kain na tayo! Bago ang lahat, happy birthday, anak ko!” bati niya sa anak.
“Salamat po, Mommy, Daddy, sa lahat. Alam ko po, nahihiwagaan kayo sa akin dahil sa hilig ko. ‘Yon po kasi ang nais ko. Saka po, hihilingin ko rin po sana sa inyo na gusto ko po sa kumbento tumira at doon na rin po mag-aral, kung pwede po ba?” tanong niya sa magulang.
Halos hindi makapagsalita ang mag-asawa. "Yan ba talaga ang nais mo, anak?” tanong nito sa anak.
“Yes, Mommy. Can I stay there po?” tanong pa niya sa ina.
“Sure, anak. Kung yan ang gusto ng anak namin, bakit hindi namin pagbibigyan?” saad ni Don Ruben sa anak.
“Salamat po, Daddy. Magdasal na po tayo bago kumain.”
“Amen,” ang sabay nilang winika.
Halos wala nang narinig na salita sa anak nila, ewan nito, at masyado siyang matalinghaga kung susuriin. Nang sulyapan niya naman ang kanyang kabiyak, ganun din ito; masyadong busy sa pagkain.
Naunang tumayo ang kanilang anak. Tulad ng inaasahan niya, nasa library na naman siya at nagbabasa ng Bibliya.
Kaya isang desisyon ang dapat nitong gawin. Kaya agad niyang kinausap ang kanyang asawa para pag-usapan nila ang kagustuhan ng kanilang anak at para din makahanap ng kumbento.
Nakita niya ito sa may veranda, at sa palagay nito, katulad niya rin ang iniisip nito. Kaya nilapitan niya ito para pag-usapan ang nais ng Unica hija.
“Ano ang desisyon mo?” ang simula niyang wika.
"Wala na tayong magagawa; siya ang may gusto na sa kumbento mamalagi.”
“Kaya nga, ‘yan din siguro ang kalooban ng Taas. May nakita ka na bang kumbento?”
“Meron na akong nahanap, mahal ko, sa Cavite. Noong isang araw pa, nakausap ko na rin sila doon at pumayag naman sila. Marahil dahil kilala ko ang pari doon. Ano, payag ka ba?” tanong niya sa kabi.
kabiyak.
“Kung yan ang gusto ng anak natin, why not?”
Kaya agad nila itong pinuntahan sa library para kausapin tungkol sa desisyon nila.
“Maria Theresa…” tawag ko sa kanya, saka siya lumingon naman sa amin.
"Yes, Mommy,” ang tugon niya.
“‘Yon na ba talaga?… Ang hiling mo sa kaarawan mo?” tanong nila.
“Yes po, hindi na po magbabago ang aking pasya," tugon niya.
“Hmmmm... okay, actually anak, may nahanap na kaming kumbento. Bukas na bukas, pwede ka naming ihatid.” malungkot na saad nito.
“Really, Mommy? Salamat po ng sobra, tinupad niyo ang hiling ko sa birthday ko.”
“Welcome, anak. Kung ‘yan ang magpapasaya sa'yo, sino ba kami para hindi ibigay ang kaligayahan mo?” wika ng ina.
“Wag mo kaming lagi isipin. Magpapadala ako lagi ng liham sa'yo para kahit sa ganung paraan, kasama natin ang bawat isa. Saka magpakabuti ka doon, anak. Isipin mo kung bakit ka narito.” dagdag pa niya.
“Promise, Mommy,” kanyang tugon.
Ang saya niya sa nakikita ko sa mga mata niya. Ruben, ang kanyang mata nagniningning.
Ang saya niya sa nakikita ko sa mga mata niya. Ruben, ang kanyang mata ay nagniningning sa kaligayahan. Kaya nga eh! Mahal ko, baka magbabago pa rin siya kapag nag-matured ang kanyang isip.” Tugon niya sa asawa.
“Siya! Matulog na tayo para maaga rin tayong makapunta sa kumbento,” wika ni Mommy Elizabeth.
“Goodnight po, Mommy, Daddy. I love you po.” At yumakap ito sa kanila.
“I love you too, anak,” tugon nila sa anak.
“Mahal na mahal kita, anak ko. Ikaw lang ang baby ng Mommy,” wika nito.
“Umakyat na rin tayo, Mahal, para makapagpahinga. Napagod siguro ako ngayong araw dahil ako ang nagluto,” wika niya sa asawa.
“Sipag naman ng aking kabiyak,” tugon niya dito saka hinalikan sa kanyang noo.
Humiga na si Donya Elizabeth, pero iniisip pa rin niya ang desisyon ng anak. Pero masaya siya nang malaman na simula bukas ay sa kumbento na ito titira. Kahit naman busy ang mag-asawa sa kanilang negosyo, ay hindi rin naman sila nagkulang sa pag-aaruga sa kanya. Kaya hindi niya maunawaan.
Bakit iyon ang gusto ng kanilang nag-iisang anak?
“Dahil magulang ako, susuportahan ko ang nais niyang gawin sa kanyang buhay,” wika ng kanyang isipan. Kaya dahan-dahan nitong ipinikit ang kanyang mga mata para makatulog na.
Kinabukasan…
Maaga silang nagising, pero nagulat ang mag-asawa dahil nasa sala na ang kanilang anak at excited na siya. Pati ang kanyang mga gamit ay naroon na agad. Dalawang punong maleta ang dala niya.
“Good morning, anak,” bati nila dito at hindi ipinahalata na nagulat sila.
“Good morning too, Mommy, Daddy,” bati niya sa mga magulang niya at hinalikan ang mga ito sa pisngi.
“Parang hindi ka excited, anak, ha?” biro nila.
“Mommy naman eh, alam niyo naman, ito talaga ang gusto ko. May problema po ba sa ginagawa ko?” tanong niya.
“ Nope, anak. Masaya kami kung ‘yan talaga ang mapapaligaya sa iyo. Tandaan mo lagi, nandito kami nakasuporta sa lahat ng gusto mo at mahal na mahal ka namin,” tugon niya sa anak.
“Salamat, Mommy. Ako din po, mahal na mahal ko kayo ni Dad.
"Lagi ninyo akong sulatan para updated ako sa nangyayari sa inyo dito sa labas. Pwede po ba 'yon?” tanong niya.
“My pleasure, anak. Sure. Palagi kaming magpapadala ng sulat sa iyo,” wika nito.
“Excuse me, guys, tapos na ba kayo, Mag-ina? Kailangan na nating umalis at baka abutan tayo ng traffic,” singit ni Ruben sa kanyang mag-ina.
“Yes, hon, pwede na tayong umalis,” tugon nito sa asawa.
“Ready ka na ba, my little Maria?” tanong niya sa anak.
“Yes, Daddy, I'm ready.”
Habang binabagtas nila ang daan patungo sa kumbento, pinagmamasdan nila ang anak. Naisip ni Donya Elizabeth kung bakit ito ang tinatahak niyang landas sa murang edad niya.
“Hon, kung ano man ang iniisip mo, ganun din sa akin, pero wala na tayong magagawa dahil nagpasya siya. Maging masaya na lang tayo para sa kanya,” tugon ni Donya Elisabeth sa kabiyak.
“Okay, hindi ko lang maiwasang isipin,” saad niya sa kabiyak.
Nakalipas ang ilang oras, nakarating sila sa kumbento sa Cavite. Sinalubong sila ni Father Jojo at Mother Thesa.
“Mabuti at nakarating kayo ng maaga, Don Ruben. Maligaya ang pagdating sa kumbento,” saad nila sa mag-asawa.
“Salamat po, Father Jojo and Mother Thesa. Ito pala ang Unica hija ko, ‘yong sinasabi ko sa inyo na mahilig siyang magbasa ng Bibliya. Gusto niya po na sa loob ng kumbento tumira at mag-aral kung meron kayong paaralan dito sa kumbento niyo,” wika ng Don.
“Aba, napakagaling naman na bata kung ganun. Anyway, meron naman dito na school, mula Elementary hanggang College, pero ibang mga needs nila ay hindi na saklaw ng kumbento,” tugon ni Father Jojo sa kanila.
“Wala pong problema, Father Jojo. Sagot namin ang mga kailangan niya at magdodonate din kami. Asahan niyo iyan. Pwede niyo rin ipaalam sa akin kung magkano lahat hanggang sa kolehiyo niya,” tugon pa nito.
“Kung ganun, wala na tayong pag-uusapan pa. Pero sang-ayon ba kayo sa mga rules namin dito pagdating sa kung paano namin gabayan ang anak niyo? Hindi rin sila pwedeng lumabas ng kumbento habang kami ang kanilang tagasubaybay.”
“At dito matuto silang magtrabaho sa lahat ng bagay at marami pa,” wika niya sa mag-asawa.
“Wala pong problema, sang-ayon po kami, Father Jojo,” tugon nito.
“Kung ganun, pasok na tayo sa loob. Isa pa pala, may makasama ka sa magiging room mo. Ayos lang ba 'yon, Maria Theresa?” tanong ng pari sa kanya.
“Wala pong problema, Father Jojo. Hindi po ako maarte. Makakaasa po kayo sa akin na magiging mabuting tao habang nasa poder ninyo ako,” tugon ni Maria sa kanila.
“Paano 'yan, Anak? Maiwan ka na namin. Mag-iingat ka dito. Alam ko, mapapabuti ka dito, kaya asahan mo, lagi ka naming padalhan ng sulat. Mahal na mahal ka namin, anak,” saad ni Donya Elisabeth sa anak.
“I love you po, salamat po sa suporta ninyo ni Daddy.” Nagyakapan ang mga ito sa isa't-isa ng mahigpit, parang sa pagkakataong ito ay huling yakap na nito sa kanyang mga magulang.
Hawak-kamay silang mag-asawa na lumabas ng kumbento. Pinatigas nila ang kanilang mga dibdib para huwag lang lingunin ang kanilang anak.
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad, hindi na napigilan ng Ginang ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Yumakap ito sa kanyang asawa at doon niya ibinuhos ang mga luha na kahapon pa niya pinipigilan.
“Tama na ‘yang iyak mo, hindi naman nawala ang anak natin, eh. Makikita pa rin naman natin kung gugustuhin. Kaya tama na 'yan. Tingnan mo ang langit, parang uulan pa at dadamayan ka sa pag-iyak mo,” saad ni Ruben sa kabiyak.
“Hindi ko mapigilan ang pagluha ko!” tugon nito sabay hagulgol.
“Basta, tama na 'yan, ikaw lang ang mahihirapan,” wika niya sa asawa.
Habang binabagtas nila ang kahabaan ng Cavite pauwi sa Maynila, bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagkidlat. Isang maliwanag na kidlat ang tumama sa isang waiting shed. Namataan ng Ginang ang isang bata na nakaupo dito at parang ito ay nanginginig sa lamig.
“Hon, tingnan mo, may bata,” sabi niya sa kabiyak.
“Tingnan natin at kausapin dahil anong oras na ngayon at bakit siya lamang ang nandoon na nag-iisa,” tugon nito.
Kaya dali-daling huminto sila sa gilid ng kalsada para kausapin o tingnan ang bata. Hindi man lang nagbago ang pwesto nito kahit na tuloy-tuloy ang pag-ulan at may kasamang kidlat.
“B-bata,” tawag ko sa kanya. “Bakit ka narito at nag-iisa ka pa? Delikado para sa’yo ang manatili dito,” wika ng Donya.
Nag-tinginan ang mag-asawa nang biglang tumingin sa kanila ang bata, at pareho silang nagulat nang makita ang hitsura nito.
Pinagmamasdan nilang mabuti ang bata, biglang nagsalita si Don Ruben.
“Hon, bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Ang lakas ng t***k ng puso ko,” tanong niya kay Ruben.
Ganoon din ang nararamdaman ng Ginang, subalit hindi na nito sinabi pa sa kanya.
“Wala na po kasi akong magulang. Tumakas lang po ako sa kapatid ng nanay ko kasi po hindi ko na kaya ang pangbubugbog nila sa akin,” naluluhang wika ng bata sa mag-asawa na kaharap niya.
“Siya, halika na, sa amin ka na sumama. Simula ngayon, kami na ang magulang mo. Gusto mo ba 'yon?” wika ni Donya Elisabeth.
“Talaga po? Gustong-gusto po,” tugon nito.
Sumakay na sila sa kanilang sasakyan at halos nakita ng Don ang kaligayahan sa mukha ni Donya Elisabeth. Siya din naman ay may nararamdaman sa batang ito, pero nakakapagtaka lang at hindi pa niya maunawaan sa ngayon kung bakit ganito na lamang ang bilis ng t***k ng puso niya para sa bata.
“Hon, payag ka naman, diba? Ampunin na lang natin siya, please!” tanong niya kay Ruben.
“Kung ‘yan ang gusto mo, pumapayag na ako.”
“Salamat, Hon.”
“Hijo, ano pala ang pangalan mo?” tanong ng Donya sa bata.
“Carding Francisco po,” tugon niya.
“Gusto mo bang palitan natin ang pangalan mo? At simula ngayon ay tawagin mo na akong Mommy. Elizabeth ang pangalan ko at siya naman ang Daddy mo, Ruben. May kapatid ka at babae ito. Kaya lang ay nasa kumbento at kakahatid lang din namin sa kanya kanina, kaya sa aming pag-uwi ay iyon naman ang pagkakita namin sa iyo.”
“Simula ngayon, ang pangalan mo ay Ezekiel Hudson Orsos. Nagustuhan mo ba, anak?”
“Opo Mommy, ang ganda ng pangalan ko, para lang sa TV na pinapanood namin. Salamat po,” masayang tugon niya.
“Narito na tayo. Welcome home, anak. Simula ngayon, ito na ang magiging tahanan mo, at bukas ay lalakarin ko lahat ng papel mo para isa ka nang ganap naming kapamilya at mag-aaral ka din,” saad niya.
“Talaga po, Daddy? Salamat po! Gagawin ko ang lahat para hindi kayo magsisi sa pag-ampon sa akin,” masaya nitong saad at niyakap nito ng mahigpit ang kanyang bagong mga magulang.
“Hon, ikaw na bahala kay Ezekiel. Paki-dala mo na siya sa kanyang magiging kwarto. Bukas na tayo mamili ng mga damit niya at magpahain ako ng pagkain natin kay Manang para makilala na din siya,” mahabang wika niya kay Ruben.
“Okay,” tugon nito sa asawa.
Pagdating nila sa ikalawang palapag ng bahay, inihatid ni Don Ruben ang anak sa kanyang magiging kwarto.
“‘Yan ang kwarto mo simula ngayon, anak. Ang kabilang kwartong iyan ay sa kapatid mo. Ang nasa dulo ay sa amin ng Mommy mo. Sa ibaba naman ay para sa mga guest natin,” saad niya sa anak.
“Wow, ganda naman po, Daddy! Salamat po ng marami,” wika niya habang nakayakap at umiiyak.
Halos hindi nito mahigitan ang kanyang paghinga sa pagkayakap sa kanya ng anak. Hindi nito alam kung ano ang kanyang kakaibang nararamdaman para sa bata. Luksong dugo ba ito o dahil sa pagkaawa sa bata dahil sa sinapit nitong kalupitan sa kanyang totoong pamilya, dahilan upang umabot ito sa kalunos-lunos nitong kalagayan nang kanilang makita? Niyakap na niya rin ito.
“Wag ka na umiiyak, kalimutan mo ang nakaraan. Gagawa tayo ng bagong memories na kasama mo kami.”
“Siya, maligo ka na para makakain na tayo. Sigurado ako na gutom ka na,” nakangiti nitong wika sa anak.
“Sige po, Daddy,” sagot nito.
Pagpasok nito sa banyo, nagulat siya. Napakalawak nito at maayos ang pagkaka-organisa. Ang swerte nito dahil sila ang nakakita sa kanya. “Sayang, hindi ko man lang nakita ang anak nilang babae. Bakit kaya siya tumira sa kumbento? Ang yaman-yaman nila,” tanong niya sa sarili.
“Aba! Sabay pa kayong bumaba, mag-ama,” saad ni Elisabeth sa dalawang lalaking pababa ng hagdan.
"Gwapo kami, Hon! Syempre anak ko siya, kaya gwapo kami pareho," tugon ni Ruben sa kabiyak.
"Ezekiel!" tawag ko. "Humawak ka ng mabuti, malakas ang hangin! Baka madala ka," biro ko.
"Nakahawak na po, Mommy," tugon niya sa biro sa bago niyang Mommy.
"Ganun pala, ha!" Kaya kiniliti niya si Ezekiel at napuno ng halakhakan ang kusina.
Tinignan niya lang ang mag-ama. Bakit iba ang nararamdaman niya sa batang ito? Bakit ang bilis nilang nakagaanan ng loob, na ngayon lang nila nakasama? Kung titingnan, parang silang mag-ama. Pero alam namin na anak si Maria Theresa, kahit ‘yong unang pinagbuntis nito ay wala na!
Dahil walang buhay ang kanyang iniluwal.
“Hindi naman pwedeng mabuhay ang patay pitong taon na nakalipas,” saad niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawa. May nakakapa siyang hiwaga sa kanyang puso at kaligayahan na hindi niya maunawaan kung bakit.