Story By Kadawat Queen
author-avatar

Kadawat Queen

ABOUTquote
Hello bago pala ako s larangan ng pagsusulat sana magustuhan ninyo ang aking gagawin novela.
bc
MY DESIRE IN THE REAL HEIR
Updated at Nov 9, 2025, 22:10
Hindi nila anak ang bata na inalagaan nila simula nang siya ay sanggol. Sino siya at paano kami naging mga magulang niya? Masasabi ba nila sa anak na tinuring nila na prinsesa sa pamilya nila na ang tunay nilang anak ay ang napulot nila sa daan? Masasabi ba nila sa mga bata ang katotohanan? Paano kung malaman ng dalawa ang katotohanan kung sino ang tunay na tagapagmana? Paano kung malaman ng mga magulang nila ang kanilang bawal na pagnanasa sa isa't isa? Mangingibabaw ba ang pagmamahal ng magulang sa anak, o magiging hudyat ito ng pagwasak ng pamilya?
like
bc
FINDING LIGHT IN THE DARKNESS
Updated at Oct 2, 2025, 08:06
Sa makulay at masalimuot na mundo ng mga imbestigador, si Savvy Svyatoslav ay isang AGENT na kilala hindi lamang sa kanyang bansa kundi sa buong mundo. Sa kanyang matalas na isip at dedikasyon, nakamit niya ang tagumpay laban sa malalaking sindikato ng droga at terorismo. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay, may mga pasaning tahimik na bumabalot sa kanyang puso—ang pag-alis ng kanyang pamilya at ang pagiging estranghero sa sariling tahanan.Sa isang misyon sa Davao, nakilala niya si Maegelle, isang masiglang aktibista na may pusong puno ng pangarap. Sa paglipas ng panahon, ang kanilang koneksyon ay nagbigay liwanag sa madilim na mundo ni Savvy. Ngunit habang lumalapit ang panganib mula sa isang malupit na sindikato, nahaharap siya sa isang mahigpit na desisyon: ang kanyang katapatan sa tungkulin o ang pag-ibig kay Maegelle. Sa gitna ng mga pagsubok, matutuklasan ni Savvy ang tunay na kahulugan ng pamilya, pag-ibig, at sakripisyo.
like
bc
MY HUSBAND IS MY TWIN SISTER'S HUSBAND (SPG)
Updated at Sep 29, 2025, 07:21
Rhazalyn Fuentebella, isang masayahing dalaga at palaban sa buhay, ay kabaligtaran ng kanyang kambal na si Zharalyn, na sakitin kaya lahat ng atensyon ng magulang nila ay ibinuhos sa kanya.Hindi siya naghanap ng atensyon mula sa kanyang mga magulang. Bagkus, ang kanyang kambal ang nagparamdam ng pagmamahal na nais niya. Ang pagsuporta sa mga pangarap niya sa buhay ay kaagapay niya. Hanggang sa pinakasal ang kambal niya sa isang lalaki na hindi niya kilala.Habang tumatagal ang pagsasama ng kanyang kambal, doon nalaman na may taning ang buhay ng ate Zharalyn. Isang araw, habang nasa ospital sila, hiniling ni Zharalyn sa kanyang asawa na pakasalan siya sa loob ng ospital. Dahil sa kalagayan niya, pumayag kami.Ngunit binawi ng langit ang kambal niya. Siya ang sinisi ng lahat, kahit ng kanyang asawa.May pag-asa bang maramdaman ni Rhazalyn ang nais na pagmamahal sa pamilya at asawa? Paano niya ipagmamalaki sa lahat ang kanyang asawa kung hindi siya tinuring na asawa? Ang asawa niya ay asawa ng kanyang kambal na kapatid. May kaligayahan bang naghihintay sa tulad niyang sabik sa pagmamahal. May pag-asa bang maramdaman ni Rhazalyn ang nais na pagmamahal sa pamilya? Paano niya ipaglalandakan sa lahat ang asawa niya kung hindi siya tinuring na asawa? Ang asawa niya ay asawa ng kanyang kambal na kapatid. May halaga pa bang pag-ibig na sumibol kung ipamukha sa iyo araw-araw na ang kanyang mahal ay iyong kambal? Hanggang kailan ka magdudusa sa kasalanan na hindi mo ginawa? Hanggang kailan mo panghahawakan ang papel na magbubuklod sa inyo bilang mag-asawa? May kaligayahan pa bang naghihintay sa isang tulad niya na uhaw sa pagmamahal?
like
bc
TWO WIVES, ONE HUSBAND
Updated at Sep 29, 2025, 07:14
Ang sabi ni Tucker: "Mahal niya ang kapatid ko! Bakit siya pumayag na makasal sa akin?""Si Zharalyn, ang mahal ko. Ang asawa ko. Wala akong ibang ituturing na asawa kundi siya lang at wala nang iba pa.Ipaglalaban ko pa ba ang kakarampot na papel para lang manatili na asawa niya ako?Paano kung siya ang nagtulak para lang lumayo ako? Kasama ang mga magulang ko. Anong laban niya kung tinakwil siya ng sarili niyang pamilya?May pag-asa bang siyang lumigaya at maramdaman ang pagmamahal na pinagdamot ng pamilya at asawa? Paano kung may isang inosenteng bata na naghahanap ng pagmamahal galing sa ama? O mauulit-ulit ang nakaraan mo sa anak mo?
like
bc
Hinagpis Ng Isang Api (SSPG)
Updated at Jun 5, 2025, 06:54
Uryhia Delos Reyes, namumuhay ng payak  kasama ang kanyang ina, sinubok ng panahon ang kanyang  katatagan at paninindigan sa buhay.Nagkaroon siya ng malaki  problema para sa kanyang  ina. Kailangan  niyang  ang malaki halaga para dagdagan ang buhay ng kanyang ina, pero saan siya kumuha ng ganun kalaki? Wala siyang  alam malapitan.Lumapit siya sa kanyang kaibigan, pero ang kapalit  ay pakikipagtalik sa lalaki walang puso.Sham Houston Nashville, Isang aroganteng   walang  puso, ang tumulong sa kanya para isalba ang kanyang Ina’y kapalit ang kanyang dangal.Nagsama sila pero hirap at sakit ang dinanas niya...Lumayo siya at nagtago.. Paano kung mag tagpo  muli ang landas   nila ni Sham, may pangalawang pagkakataon masasabi ba niya na kay Sham, ang lahat na pasakit na binigay niya sa buhay ko. O matagpuan nila ang tunay na pag ibig
like
bc
HAGOD (SSPG)
Updated at Feb 16, 2025, 21:03
Kuya, saan na tayo pupunta? Naliligaw na tayo," ani Sean Andrei, hawak-hawak ang kamay ng kakambal niyang si Shayne Alaric habang naglalakad sa kalsada."Hanapin natin si Mommy. Huwag kang matakot," sagot ni Shayne, pilit na pinapakalma ang sarili.Habang naglalakad, napansin ni Adre Montefalco ang dalawang bata. Biglang bumagal ang tibok ng kanyang puso nang makita ang pamilyar na anyo ng mga bata—parang nakikita niya ang kanyang sarili noong bata pa siya."Mga bata, okay lang ba kayo? Nasaan ang Mommy ninyo?" tanong ni Adre, lumuhod sa harapan nila."Mommy? Nawala po kami..." mahinang sagot ni Sean, nagpipigil ng iyak."Kuya, sino po kayo?" tanong ni Shayne, nakakunot ang noo.Ngumiti si Adre, pilit na kumakalma. "Ako si Adre. Baka matulungan ko kayong makauwi. Pero... bakit parang kamukha ko kayo?"Nagkatinginan ang kambal. "Ikaw din po ang kamukha namin," sabay sagot ng dalawa.
like
bc
My Hot Benefactor
Updated at Jan 8, 2025, 10:02
Rachell ken Miller isang ulilang lubos, puno ng pag asa buhay, kabilang pag iisa, sinisikap  niyang maka pag tapos pag aaral. kasabay  ng kanyang pagtatapos ng pag suporta  ng kanyang benefactor.Kapalit ng kanyang katawan, sa  lahat  suporta binigay ng kanyang benefactor.Paano kung malaman niya ang kanyang “ My hot benefactor”,ay isang  mayaman na tao sa pilipinas, kaya lang  nagtatago   maging isang mekaniko, at may ari ng isang vulcanized shop kung saan malapit lugar. Lewis Matthew Tria,anu gagawin para ipaunawa  Rachell ken kung bakit kailangan niya itago ang kanyang pagkatao, malalaman pa ba  Rachell ken,  siya ang dalagita bumuhay sa pagkalalaki  nakalipas ng limang taon. Huli na ba para malaman?, paano kung muli sila pinagtagpo  hindi bilang isang estudyante kundi bilang isang newscaster ng pilipinas.
like
bc
Ungol ng Heredera (SSPG)
Updated at Dec 14, 2024, 05:54
Si Diyosa Maligaya, isang magandang heredera mula sa Batangas, ay nahulog ang loob sa kanilang gwapong hardinero na si Ris Manalo. Sa likod ng mga ngiti, may lihim silang pag-iibigan na pinagtibay ng kanilang mga pagnanasang itinago sa mundo. Ngunit nang matuklasan ito ng mga magulang ni Diyosa, ginawa nila ang lahat upang mapigilan ang kanilang pag-iibigan—pinalayas si Ris at pilit na ipinakasal si Diyosa sa ibang lalaki.Sa kabila ng pagkakahiwalay, hindi matitinag ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan, at sa pagsilang ng kanilang kambal, bumangon ang kanilang pag-asa. Sa isang mapait ngunit makapangyarihang balikan ng tadhana, si Ris at Diyosa ay nagtagpo muli upang buuin ang pamilyang minsang ipinagkait sa kanila. Ngunit sapat ba ang kanilang pagmamahal para magtagumpay laban sa mga naghihintay na pagsubok?
like