PROLOGUE
Sa isang maulap na hapon, isang hindi inaasahang trahedya ang bumagsak sa buhay nina Diyosa Maligaya at Ris Manalo. Ang kanilang lihim na pagmamahalan, na akala nila’y sapat upang labanan ang mundo, ay natuklasan ng mga taong may pinakamalakas na hawak sa kanilang kapalaran—ang mga magulang ni Diyosa.
Nagsimula ang araw na iyon nang tawagin si Ris ng ilang tauhan ng mga Maligaya. Noong una, inakala niyang isa lang ito sa mga karaniwang utos na kanyang sinusunod bilang hardinero. Ngunit iba ang naging kilos ng mga tauhan sa kanya sa pagkakataong ito—mahigpit, malamig, at puno ng pang-aalipusta.
“Where are you taking me?” tanong ni Ris, bakas ang kaba sa kanyang boses. Ngunit hindi siya sinagot, at sa halip, marahas siyang hinatak palabas ng hardin, patungo sa isang bakanteng espasyo na malayo sa mansyon.
Pagkarating doon, walang pasabing hinila siya sa lupa at sinimulang bugbugin. Isa-isang tumama ang malalakas na kamao sa kanyang katawan—sa mukha, sa tiyan, sa dibdib. Hindi makapaniwala si Ris sa bigat ng bawat hampas; bawat galos ay parang pamamarusa dahil sa pagmamahal na ang tanging kasalanan ay dahil sa pag-ibig niya kay Diyosa.
"Why are you doing this?" habol-hiningang tanong ni Ris, nangangatog at duguan na. Walang awa siyang pinagpatuloy na saktan, ang kanyang mga tanong at hinaing ay naiwang walang sagot.
"Stop it, please! I didn’t do anything wrong!" Nanatiling walang sagot ang kanyang mga tanong, ang tanging sagot lamang ay ang pamilyar na malamig na boses ni Señorito Edgardo Maligaya, ang ama ni Diyosa. Sa di kalayuan, nakita niyang lumapit ito at tumitig sa kanya nang may matinding galit.
“You dared to touch my daughter, a Maligaya!” matalim ang tinig ni Señorito Edgardo, bawat salita’y tumatagos na parang kutsilyo sa puso ni Ris. “You’re nothing but a worker—a servant!”
Pakiramdam ni Ris ay pinunit ang kanyang puso, hindi lamang dahil sa sakit ng bawat suntok kundi dahil sa bigat ng bawat salitang binitiwan ng ama ng babaeng pinakamamahal niya.
“Leave! And don’t you ever come near Diyosa again!” galit na utos ni Señorito Edgardo, sabay senyas sa kanyang mga tauhan na itapon siya sa labas ng kanilang lupain.
Sa puntong iyon, wala nang natirang lakas kay Ris. Duguan at sugatan, iniwan siyang nag-iisa sa gilid ng daan, habang naririnig pa niya ang mapang-alipustang mga salita ng mga tauhan. Halos mawalan na siya ng malay nang maalala niya ang mga huling salita ni Diyosa sa kanya noong nakaraang gabi: “Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan, Ris.”
Ngunit paano pa niya maipaglalaban ang kanilang pagmamahalan kung ganoon ang trato sa kanya? Paano niya maipapakita kay Diyosa na kaya niyang panindigan ang pagmamahal nito?
Habang pinipilit niyang bumangon, narinig niya ang mga bulung-bulungan ng mga kapitbahay sa paligid. Alam niyang naging usap-usapan ang nangyari sa kanila ni Diyosa, at ramdam niya ang paghusga ng kanilang mga mata.
Samantala, si Diyosa ay walang kamalay-malay sa nangyayari kay Ris. Pagdating sa kanyang kwarto, nandoon na ang kanyang mga magulang—si Señorito Edgardo at Señorita Lea Maligaya.
“Anak, we have a surprise for you,” malumanay na sabi ng kanyang ina. Ngunit kahit sa kabaitan ng tinig, naramdaman ni Diyosa ang kakaibang pag-aalinlangan. Nang tinawag ng kanyang ina si Felix, nakita niyang pumasok ang binatang matagal nang nais ipakasal sa kanya ng kanyang mga magulang. Ngumiti ito nang malamig, ngunit bakas sa mga mata ang kakaibang kasiyahan.
“Surprise?” tanong ni Diyosa, pilit itinatago ang kaba.
“Tomorrow, you’re leaving for France, together with Felix. Your wedding is in two months,” sabi ng kanyang ama nang walang alinlangan.
“W-what?” Nanginginig si Diyosa sa narinig. “I can’t... I can’t marry him. I love someone else!”
“I have no time for your childish notions, Diyosa. You will marry Felix, and that’s final!” matigas na tugon ng kanyang ama. Tumayo ito at iniwan siya sa kwarto, kasama ang walang pakiusap na si Felix.
Tumayo si Diyosa, nagmamadaling tumakbo palabas, ngunit agad siyang hinarang ng kanyang ina. “Diyosa, huwag ka nang magpakasutil. This is for the best. Your father has already taken care of… certain things,” anang kanyang ina, na para bang may laman ang bawat salita nito.
Lumipas ang ilang oras at iniwan ang sugatang si Ris na nangangarap lamang na muli silang magkikita ni Diyosa. Hindi niya alam kung paano niya matutulungan ang babaeng pinakamamahal niya, ngunit isang bagay ang malinaw sa kanya—hindi siya susuko. Habang nangingibabaw ang takot sa mga pagbabanta ng mga magulang ni Diyosa, ipinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat upang balang araw ay makasama muli si Diyosa.
Sa kanyang isipan, narinig niya ang boses ni Diyosa na bumubulong, “I’m sorry, Ris… I’m so sorry…”