Ang takot ko nang nalaglag ako sa hagdan; masakit pa talaga, nahiwa ang aking tuhod. Kaya hindi ko napigilan na hindi mapasigaw sa sakit. Ang lahat ng tao ay dali-daling tumakbo para i-check ako. Pati si kuya Eze, Diyos ko, nakakahiya talaga. Kaya nang sermunan niya ako ng bonggang-bongga, hindi ko napigilan na humikbi at yumakap sa kanya. Unang pagkakataon, ngayon lang nangyari sa akin ang ganito. Buti na lang malakas si kuya; nabuhat niya ako patungo sa silid ko. Siya na rin ang nagpalit ng pajama ko. Hindi ko mapigilan na hindi kagatin ang aking labi; iba ang nararamdaman ko habang binaba niya ang aking pajama, pero mas nangingibabaw ang sakit at kirot na nararamdaman ko. Unang lalaking nakakita ng aking katawan. Isa pa, ang doktor, may trauma talaga ako. Kaya umiiyak ako na pinipigi

