THIRD PERSON POV Hanggang ngayon, ramdam ko ang sakit na dala ni Maya. Hindi ko na siya pinilit na mag-stay sa penthouse ko ng gabing nakita ko siya sa bar. Wala akong magawa, baka marinig ko pa ang hinanakit niya sa akin at sa pamilya ko. Pero ang lahat ng sakripisyo niya at ang mas nasaktan ay ako. Hindi niya lang alam, araw-araw akong pinapatay ng desisyon na hindi ko gustong gawin. Ano ba ang magagawa ko kung hindi ko pa kayang tumayo sa sariling paa? Kailangan ko ng gabay noong panahon na iyon; bilang isang anak, kailangan ko itong gawin para maging isang matagumpay. Paano ba kami ngayon ng mga magulang ko, kahit malaki ang tungkulin ko sa bansa kung saan ako nagmula? Napagtanto ko kung gaano kawalang-galang ang tinanggap ko dahil lang sa gusto ko ng pagmamahal. Hinayaan ko sil

