PAGLISAN SA KUMBENTO Dinig na dinig ko ang mga bulungan nila, parang bang nasa palengke. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Pagmulat ko, saka naman ako lumuha' simula nag nagka-isip ako; ngayon lang ako lumuha. Kahit sa amin, ayaw akong makita ng magulang ko na umiiyak. Kaya lahat ng gusto ko, binibigay nila kahit mahirap ibigay; gagawaan nila ng paraan, especially kay Daddy Ruben. At ngayon, nalaman ko ang nangyari sa kanila. Parang biglang akong sinaksak sa puso. Napakasakit ng nangyari sa amin, at ang sabi ni Kuya, hanggang ngayon, walang balita. Kaya kung pwedeng umuwi ako, para akong nagdisisyon kung hihinto ang paghahanap namin. Kaya isang desisyon ang gagawin ko! Pero kailangan ko magpaalam sa kanila para payagan nila ako. Sa tingin ko naman na papayagan nila ako.

