KINABUKASAN Maaga kaming nagising lahat dahil sa pagtawag ni Daddy ng meeting na kasama ang media. Kung ako lang ang masusunod, hindi ko na kailangan ang media. Sapagkat minsan sila ang nagpapakalat ng hindi katotohanan. Halos pareho kami ng suot ni Daddy, na tuxedo. "SHAWL LAPEL TUXEDO SUIT" galing pa sa France, pina-order ko simula nang dumating sila. "Pogi na ba tayo, Anak Ezekiel?" tanong ni Ruben. "Yes Daddy, selfie tayo Daddy para may remembrance tayo habang naka-suot tayo ng ganito." "Anak, parang sinabi mo na mamatay na ako," biro ni Ruben. "Hala Daddy, kung ano-ano na lang pumapasok sa bibig mo." "Biro lang, Anak ko. Tara na, hintayin natin sila sa baba," yaya niya. "Mommy! Mommy, okay lang ba ang suot ko? Parang nakakahiya, Mommy. Mag-jeans na lang ako please." "No, no,

