"Tiri, okay ka lang ba talaga?" Bungad sa'kin ni Maudie paglabas ko ng kwarto. Tumango lang naman ako atsaka naghilamos sa lababo. "Ano ba nangyari?" Sunod niya pa sa'kin. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa paghihilamos. "Tara, Maudie. Kain na tayo." Alok ko sakaniya nang matapos akong mag-ayos. Tinanguan naman niya ako at nag-ayos na rin ng mga plato at baso. Nahalata ko namang nagpapakiramdaman lang kami. Walang kumikibo sa'min habang kumakain hanggang sa sabay kaming nagkatinginan at hindi na namin napigilan ang mga sarili na matawa. "Girl naman kasi! Anong nangyari?" Pag basag niya sa awkwardness. Napabuntong hininga ako at napapikit. "Paano ko ba sisimulan?" "Kaya mo 'yan!" "Kasi Maudie," Napaiwas ako ng tingin. "tama ka." Mahina kong sabi pero for sure ay narin

