"Alam mo ba 'yung kasabihan na pag unang punta mo palang sa simbahan, dapat mag-wish ka? Kasi sure raw na matutupad!" Excited na kwento sa'kin ni Zion pagtapak namin sa simbahan na hindi rin kalayuan mula sa Járdin de Esperanza. "Oo nga raw." Kaya lang hindi ito ang unang beses kong punta rito. Napatingin ako sakaniya na ngayon ay diretso lang ang tingin sa altar at may ngiti sa mga mata niya. Walang masyadong tao kahit pa Linggo ngayon. Ginagawa na nga ata ng mga tao na normal na araw na lang ang araw ng Linggo. O sadyang, late na lang talaga kami ng punta at wala ng schedule na misa sa mga oras na 'to. Gano'n pa man, nakakalungkot pa rin. Marahan kaming naglakad ni Zion papunta sa sulatan ng mga petition messages. Tahimik siyang nagsulat sa tabi ko at aksidente kong nabasa ang sinusu

