Nakakagulat man pero dinala ako sa Pizza parlor ni Zion at libre pa raw niya! Grabe, ano kayang nakain ng isang 'to? "May gusto ka pa ba bukod sa Hawaiian pizza at baked mac?" Napanganga ako sa tanong niya. Wala pa naman kasi akong sinasabi na kahit ano sakaniya. "P-paano mo nalamang–" "Ah hindi. Ano kasi, favorite ko 'yon k-kaya inassume ko lang na ayun na rin orderin ko para sa'yo." Namumutla niyang paliwanag. Naweweirduhan man ay 'di ko na masyadong inisip ang mga pinaggagagawa niya. Nanlaki ang mata ko nang ihatid na ng waitress ang mga orders. Grabe, sobrang natakam agad ako dahil sa tagal ko ng 'di nakakain ng mga 'to. Hindi lang basta Lasagna at pizza ang inorder niya. May mga chicken wings din at mashed potatoes! "Kumain ka na." Napaangat ako ng tingin kay Zion na ngayon ay

