Narinig lahat ni Zion ang pinag-usapan namin ni Saskia kaya naman nakiusap ako sakaniya na kung ano man ang nalaman namin ay sa'min na lang muna 'yon at dapat naming 'di pangunahan ang magiging decision ni Saskia na 'wag na muna ipaalam kay Chloe. "Kung sabagay, pansin ko nga dito kay Chloe, mapride talaga." Kumbinsadong sagot sa'kin ni Zion. "Kaya nga. Baka mamaya pag nalaman niyang galing kay Saskia 'yung tulong, bigla niyang tanggihan. Mahirap na. Kaya hayaan na lang natin silang dalawa ang mag-ayos ng problema nila pero sa tamang oras." Natigil sa paglalakad si Zion bago ako hinarap. "Pero Tiri, magkamukha talaga kayo ni Saskia." Inirapan ko siya at inuhan na sa paglalakad. Bwiset na lalaki na 'to. Kung kani-kanino pa 'ko kinukumpara! "Uy, sandali lang naman." Hay nakakainis, naab

