Nagpaalam ako sandali kay Zion para mag-cr. Pumayag naman siya at naghintay sa may pintuan ng adoration chapel.
Tinignan ko ang reflection ng sarili sa malaking salamin sa comfort room at hindi ko mapigilang mapangiti sa mga magagandang nangyayari sa bawat buhay namin ngayon.
Kung may hihilingin lang talaga ako ngayon, 'yun ang sana maka-recover ng tuluyan ang asawa ni aling Zetty.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay atsaka ako humugot ng hininga.
Magiging okay din ang lahat.
*~*~*~*
"Excuse me? Ikaw 'yung boyfriend ni Tiri, right?" Napahakbang ako pabalik nang marinig ko ang tanong ni Saskia kay Zion. Pasimple akong nagtago sa malaking santo at hinintay ang magiging sagot niya.
"H-hindi e. Magkaibigan lang kami." Nauutal niyang sagot bago napatingin sa direksyon ko. Kaya naman napatingin na rin si Saskia.
"Tiri!" Nakakagulat man pero nginitian niya ako.
Gusto ko pa sanang barahin ang kabaitan niya kaya lang naisip kong 'wag na lang lalo pa't parehas kaming kagagaling lang sa simbahan.
"Can we talk?" Nakita kong humigpit ang hawak niya sa hand bag na dala-dala.
"Tara sa waiting shed."
*~*~*~*
"After our conversation, I had to admit that I was dumbfounded and somewhat lost. Hindi ko alam, Tiri. Wala akong kaalam-alam na iba na pala ang impact ng mga pinaggagawa ko kay Chloe. Sobra na pala siyang naapektuhan nang mga sarili kong problema. All I thought was about myself, akala ko sa'kin lang lagi tumatakbo ang buhay. I was so fuckin' selfish!" Wala siyang tigil sa pagpunas ng tissue sa luha niyang umaagos. Medyo kumalat pa nga ang mascara niya.
"Pagkatapos kong mahimasmasan, inisip kong mabuti kung ano bang maling nagawa sa'kin ni Chloe and that very moment, mas lalo kong kinagalitan 'tong sarili ko dahil wala. Wala siyang ginagawang masama sa'kin. I just simply hated her or maybe because the truth is, I was insecure with her. So much." Bitter siyang tumawa bago umirap.
Natural nga talaga sakaniya ang pagiging maldita!
"Funny, isn't? Nakikita niyong lahat na nasa akin na halos lahat ng bagay. Abundant life. Expensive garments. Signature bags. And even fame. That's what almost people want. They're blinded with these things, pero ni minsan 'di nila naisip na mas mahalaga pa rin 'yung mga bagay na libre dito sa mundo, k-katulad ng pagmamahal at pamilya...na meron si Chloe. That's why I really hated her for taking advantage of her mom." Hindi naman ako makatanggi sa sinabi niya. In fairness naman sakaniya, aware naman pala siya sa tunay na meaning ng buhay.
"Sinasabi mo bang kulang ka sa aruga at pagmamahal ng pamilya? Hindi ba, mayaman ka na rin naman diyan?" Kunot noo kong tanong nang marealize ang huli niyang sinabi. Bumuntong hininga siya atsaka dahan-dahan na umiling.
"My mom right now is just my stepmother. My real mom hated me big time. Bunga lang ako ng pagkakamali nila ni Daddy." Napalunok ako dahil ngayon alam ko na ang totoong dahilan kung bakit ayaw sakaniya ng totoo niyang nanay at 'di dahil sa masama ang ugali niya. Hay nako, chismis nga naman!
"Nasa'n na ang totoo mong nanay? Nagalit ka ba sakaniya?"
"Of course. Ang daming tanong na naipon sa'kin lalo na 'yung question na, anak niya rin naman ako and I was so innocent pero bakit? But that was before. Thanks to my dad's best friend. She helped us to heal. She's giving us the love and support that we need. Pinaramdam niya sa'kin na tunay niya akong anak but then again, natural talaga sa'tin ang 'di makuntento. I am still longing for my real mother's love. I always dream to receive her affection pero impossible na 'yon." Naluluha na naman niyang paliwanag.
"I just found out last week that she's dead, a long time ago." Pagkatapos no'n ay naki-usap siya sa'kin na 'wag ng pag-usapan pa ang nanay niya dahil masyado pa rin daw masakit isipin.
"The moment na nalaman kong may Leukemia 'yung dad ni Chloe, naisip ko na kaagad ito na 'yung tamang pagkakataon para itama lahat ng pagkakamali ko. I was thinking of asking some financial support to my parents but I realized that I had these luxurious things inside my bedroom na 'di naman talaga kailangan so pikit mata ko silang binenta. Yes, nawalan ako ng pride pero ano naman 'yung value no'n sa buhay ng dad ni Chloe? Good thing that my parents were full support when I did this thing because they value life that much for it's indeed priceless."
Napangiti ako dahil pinatunayan niyang hindi materyal na bagay ang dapat nating mas bigyang pansin kundi ang mismong buhay. At isa rin siya sa patunay na kahit ang pinakamasamang tao sa paningin ng karamihan ay may pag-asa pa rin talagang magbago.