Nakaraos na ang ilang linggong pagta-trabaho ko dito sa eatery ni ate Cha. At masasabi kong okay naman at masaya kahit pa sabihing taga-hugas lang ako ng plato, nae-enjoy ko pa rin naman ang bagay na 'yon. Itong paghuhugas ko ng mga plato ngayon ang bagong bumubuhay sa'kin kaya dapat i-appreciate ko 'to atsaka ano namang masama sa trabahong ganito di'ba? Maswerte pa rin talaga ako at may trabaho ako.
Start ng magtrabaho ako dito ay hindi na talaga ako tinigilan ni Zion. Dito siya kumakain ng almusal pati tanghalian. Naweweirduhan lang ako kung bakit kailangan niya pang dumayo dito at pagurin ang sarili niya.
"Hindi ka ba pinapakain sainyo?" Napalakas naman ang tawa niya sa tanong ko.
"Pinapakain."
"Eh bakit ka laging dumadayo pa dito?"
"Trip ko lang." Kibit-balikat niya pa. Napa-'ows' naman ako sa sagot niya.
"Di'ba nagta-trabaho ka do'n? Baka magalit 'yung amo mo."
"Nako, si Señor? Napaka-bait non." Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang na-gets naman niya agad. "Hoy, hindi ko siya inaabuso ha."
"Kaya nga dito 'ko kumakain e, ayokong samantalahin 'yung mga pagkain do'n." Tawa niya pa.
"Eh kumusta naman ang buhay mo do'n? Atsaka anong trabaho mo?" Napangiti siya lalo sa tanong ko. Umiwas naman ako ng tingin dahil naiinis na ako sa pagiging smiling face niya.
Eh bakit, Tiri? Di'ba gusto mo nga laging naka-ngiti 'yung mga tao?!
"Masaya. Alam mo 'yun? Hindi pinaparamdam sa'min ni Señor na katulong lang kami do'n. Tinuturing niya talaga kaming parang pamilya na. Kaya 'yung mga ginagawa namin do'n sa loob ng mansion niya, kapalit na lang 'yon ng pagtulong niya sa'min." Napapikit naman ako sa kung anong bagay na naalala ko.
Mga masasayang memories pero sobrang sakit ding alalahanin.
"Señor? Mansion? Eh nasa'n ang totoong pamilya niya?" Nanliit ang mata niya at sandaling natahimik.
"Hindi kasi malinaw 'yung kwento niya. Basta ang natatandaan ko lang, wala na 'yung asawa niya tapos nawawala naman 'yung unica hija nila. Hanggang ngayon nga raw, pinaghahanap niya pa rin 'yon." Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa kwento niya. Bumilis ang t***k ng puso ko at feeling ko, kumawala lahat ng dugo sa katawan ko.
"Bakit ka namumutla? Okay ka lang ba?" Nagpa-panic niyang tanong. Umiling naman agad ako.
"Wala, may naalala lang." Mukha naman siyang nabunutan ng tinik atsaka muling umayos ng upo.
"Pero alam mo, sa mansion ka na pala nakatira atsaka maayos na 'yang buhay mo. Tignan mo nga o! Ang linis mo na tignan!" Dagdag ko pa. Nagulat naman ako nang mapakagat siya ng labi bago nag-iwas ng tingin. Parang tanga? "Pero bakit mas trip mo pa rin dito sa lansangan?"
"Syempre naman. Marunong akong bumalik sa pinanggalingan ko 'no. Dito kaya ako lumaki. Atsaka nandito 'yung kaibigan ko." Pang-asar siyang tumingin sa'kin. Napangiti naman ako dahil in fairness, nakakatouch 'yon!
"Ows? Baka kamo crush mo si Maudie." Pailalim niya 'kong tinignan atsaka umiling.
"Si Maudie talaga?" Ngiwi pa niya.
"Ay hindi ba? Sino pala? Si ate Cha?" Nanatili naman ang pagka-poker face niya.
"Ikaw talaga, Tiri. I mean, manahimik ka na nga lang. Corny mo e." Kumamot pa siya sa batok niya. Sandali pa kaming natahimik bago nagkatinginan atsaka sabay na natawa.
"Auhm nga pala, simba sana tayo sa Sunday." Dire-diretso niyang pag-alok bago mabilis na nag-iwas ng tingin. Nag-smile naman ako bago pinisil ang magkabila niyang pisngi.
*~*~*~*
"Ang pag-ibig ay pasensosyo. Hindi mo ito dapat madaliin at 'wag na 'wag mong hahanapin dahil ito'y kusang ipagkakaloob sa'yo ng Diyos sa tamang panahon." Panghuling sermon ng pari bago siya bumalik sa upuan niya. Naalis naman ang tingin ko sa altar nang makitang nakatitig sa'kin si Zion.
"Matunaw ako niyan." Mahina kong sita. Nakita ko naman ang pag-iling niya habang naka-ngiti.
"Pinagkaloob na niya." Bulong niya pa. Hindi ko naman na inintindi pa ang kung anong kaweirduhan nitong lalaking kasama ko.
"Maraming salamat talaga, Lord." Dugtong niya ulit.
Nagmamadali niya akong hinila patayo nang mapagtanto niyang offering na. Inutusan kasi siya ng señor na mag-offer ng Mompo (Grape Wine) dahil nakasanayan na nito ang ganitong gawain. Habang ako naman, inoffer ko ang ten percent ng naging sweldo ko para sa thighs.
"Alam mo, nababanggit kita kay señor, at natutuwa siya sa'yo. Gusto ka nga niyang makita." Kwento niya sa'kin pag labas namin ng simbahan.
"Ako rin, curious ako diyan sa señor niyo pati na rin sa mansion na tinitirahan niyo ngayon." Tinapik niya ang balikat ko atsaka ngumiti.
"Hayaan mo, dadalhin kita do'n. Soon."