Chapter 23

938 Words
"Good morning, Tiri." Bati sa'kin ni Chloe nang makarating ako sa room ng papa niya. "Sayang hindi mo naabutan si mama. Umuwi na rin siya agad para magtinda ng tinapay." Paliwanag niya pa. "Ayos lang, dumaan lang naman ako dito para iabot 'tong mga prutas. May pasok na rin ako mamaya." Nakangiti naman niyang tinanggap ang mga prutas na dala ko. "Gano'n ba? I'm so happy may trabaho ka na. May bahay ka pa." "Oo nga e. Hayaan niyo babawi ako sainyo pag nakapag-ipon-ipon na 'ko." "Asus, 'di na kailangan. And kung nasa'n ka man ngayon, deserve mo 'yan." Parehas kaming napangiti sa sinabi niya. "Thank you, Chloe." "Thank you so much rin." Natigil kami sa pag-uusap nang mag-ring ang cellphone niya. "Ma, napatawag ka. Ha? Opo. Bakit po? Talaga? E sino pong nagbayad?" Sunod-sunod niyang sagot sa kausap niya bago nagpaalam. "Tiri, dito ka lang muna please? Tatawag muna ako ng doctor." Naiwan naman akong tulala sa loob ng kwarto. Ano ba kasing nangyayari? Hindi ko na naorasan kung gaano siya katagal nawala pero nang bumalik siya ay para siyang naiiyak. "Tiri, mapapatuloy na ang pagpapagamot namin kay papa." Bungad niya sa'kin. Napakurap naman ako dahil hindi ko magets kung anong nangyayari. "Ah kasi balak naming idischarge na si papa bukas o sa makalawa. Hindi na kasi talaga namin kayang magbayad ng bills. Tapos ngayon, may anonymous na willing magbayad kahit magkano mapagaling lang si papa. Grabe, pinakinggan ni God lahat ng dasal ko." Pinunasan ko naman ang luha niya. At hindi rin maiwasang hindi mapangiti dahil sa kabutihan ni God. "He will make a way when there seems to be no way." Pagkanta ko pa na nagpangiti lalo sakaniya. *~*~*~* Pagkatapos ng usapan namin ni Chloe ay nagmamadali na akong umalis ng ospital dahil ayoko namang malate sa trabaho, kabago-bago ko! Hingal na hingal kong narating ang lugar na pagtatrabuhan ko. Sarado pa ang eatery pero mukhang nagluluto na sila dahil naamoy ko na ang mababangong ulam. Saglit akong tumigil sa labas bago sinuklay ang nabuhaghag ko na atang buhok. "Tiri pala ang pangalan mo." Nakangiting bungad sa'kin ng magiging amo ko. Napangiti rin ako at napatingin sa gawi ni Maudie na nagbabalat ng patatas. "Opo. Nice to meet you po!" Sagot ko sakaniya. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Nagtatakang tanong niya sa'kin. Nanliit ang mata ko at pinilit na inalala kung sino nga ba siya at kung saan kami nagkita. "Nako, e ate Cha, sa dami ng taong nakakasalamuha niyan ni Tiri, mukhang malabo na ngang matandaan ka niya." Singit ni Maudie sa usapan kaya natawa ang amo naming 'Cha' pala ang pangalan. "Kung sabagay. Pero wala naman, ako lang 'yung dating nagbenta sa'yo ng mga notebooks." Pagpapakilala niya pa na nagpangiti sa'kin. Ayos ah, halos nawala na sa isipan ko 'yun! "Nakakatuwa naman po, may eatery po pala kayo." "Nagpapasalamat nga ako dito kay Maudie e, ikaw ang nirefer dito. Mukhang masipag ka pa naman at maasahan talaga." Natawa naman ako sa impression niya sa'kin. Kung alam lang niya! "First time ko pong magtatrabaho kaya hindi ko po kayo bibiguin." Sabay-sabay naman kaming tatlo na napangiti. Promise po talaga, hindi ako magbabasag ng pinggan. *~*~*~* "Ikaw kabago-bago mo rito, nagdala ka na agad ng swerte!" Natigilan ako sa paghuhugas ng mga kaldero dahil sa puna ni ate Cha. "Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Pinaghugas niya ako ng kamay atsaka pinalabas para tignan kung ano ang tinutukoy niya. "Ayiee ang gwapo ha." Panunukso ni Maudie bago tinusok pa ang tagiliran ko. "Hindi kaya." Mahina kong kontra bago napakurap. Maayos ang pagkakahawi niya ng kulot niyang buhok. Naka-white shirt lang siya at khaki pero... "Hindi raw. Pero malapit ng matunaw si kuyang pogi." Nabalik ang tingin ko kay Maudie na ngayon ay ngiting ngiti. "Ang linis lang niya tignan ngayon." Muli ulit akong napatingin kay Zion at sa hindi na naman malamang dahilan, napangiti ako. "Asus. Pero sige na nga, sabi mo e." Kinurot niya pa ulit ang tagiliran ko bago tumawa ng malakas. Napaangat tuloy ang tingin sa'min ni ni Zion. "Ehem! Maudie back to work." Puno ng panunukso ni ate Cha. Kumindat naman si Maudie sakaniya bago tuluyang pumasok sa loob. "Miss, isa pa nga ulit order ng diniguan." Utos niya sa'kin habang walang reaction ang mukha. Tinalikuran ko lang siya bago dumiretso sa kusina at do'n kumuha ng dinuguan. "Bakit kumukuha ka diyan? Nasa labas ang pangtinda ha?" Sunod sa'kin ni Ate Cha. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. Bakit nga ba dito ako kumuha ng order? "Ah okay. Iisipin ko na lang na nahihiya ka do'n kay kuyang nasa labas." Nagkunyari pa siyang nag-iisip. Napailing na lang ako atsaka inayos ang order sa platito. Napalunok ako nang marealize na kailangan ko ng ihain sakaniya ang order niya. Gusto ko man iutos kay ate Cha dahil hindi ko rin naman talaga 'to trabaho ay hindi pa rin pwede dahil amo ko pa rin siya. "Thank you, miss." Simple niyang pa-thank you sa'kin habang naka-focus pa rin ang mata sa pagkain. Pumamewang naman ako atsaka nagtaas ng kilay. Ano na naman bang drama nito? "Tiri?" Amaze niyang sabi. "Ikaw pala 'yan. Grabe, 'di kita nakilala." Maarte niya pang tinakpan ang bunganga niya. Napairap naman ako. "Kahit kelan talaga ang corny mo." Nawala ang mapanukso niyang ngiti. "Hay, ang sama talaga. Pero uy? Ang sarap ng dinuguan niyo dito ah." Sumubo ulit siya at naka-pikit pang nilasap ang pagkain. "Ano na naman? 'Di naman ako ang nagluto niyan." Natigilan siya at muntik pang mabulunan kaya dire-diretso niyang ininom ang tubig niya. "Sinabi ko bang ikaw? Nako ha, napapansin na talaga kita." Ngiti-ngiti niya pang-asar. Kunot noo ko lang naman siyang tinitigan. "Ano na naman?" Halos hindi na ata maipinta ang mukha ko dahil sa pagka-bwiset sa lalaki na 'to. Bakit gano'n? Mukhang maaga akong malolosyang pag kasama ko siya. "Wala. Wala." Kung todo iling pa siya habang halos mapunit na ang mukha niya sa pag ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD