"Zion!" Tawag ko sa lalaking matagal-tagal ko na ring hindi nakita. Gulat siyang napatingin sa'kin at mukhang hindi niya expected na makikita ako ngayon.
"Tiri?" Tulala niya akong nilapitan at napakurap-kurap pa ng nasa harapan ko na siya.
"Hoy!" Pagpapatunog ko pa sa daliri ko. Napatingin siya agad sa'kin bago ngumiti.
"Hindi ko expected na makita ka ngayon at 'di ko rin expected na ikaw ang unang mamamansin." Nanlaki ang mata ko habang napangisi siya.
"Big deal? Sa matagal na kitang 'di nakikita e."
"Miss mo na rin ako 'no?" Paghagikgik niya pa.
"Rin? So ikaw pala ang nakaka-miss sa'kin."
"Oo, miss na kita." Tipid pa siyang ngumiti. Napaiwas naman ako ng tingin. Ang pranka niya. Pero sus, if I know, playboy lang 'to!
"Alam mo Tiri, mainit dito sa palengke. Tara sa tambayan?" Hindi naman na ako nag-inarte at agad na pumayag sa alok niya.
*~*~*~*
"Kumusta ka na?" Tanong niya sa'kin nang hindi ako tinitignan. Nilapag niya pa ang bayong sa tabi.
"May tinitirahan na ako. May trabaho na rin." Pinagpag niya ang damit bago umayos ng upo sa tabi ko.
"Talaga? Paano? Saan?" Napangiti ako habang inaalala ang kabutihan ni God sa'kin.
"May naging kaibigan ako tapos ulila, mag-isa na lang siya do'n sa bahay niya kaya inalok niya akong do'n na tumira. Bonus pa kasi pinasok niya ako do'n sa trabaho niya, dishwasher do'n sa may kabilang kanto." Nawala ang ngiti ko nang makitang 'di siya masaya sa binalita ko.
"Magkakalayo na talaga kami." Wala sa sarili niyang sabi.
"Ha?" Nabalik ang tingin niya sa'kin bago umiling.
"Ibig kong sabihin, malayo ba kako 'yung bahay na tinitirahan mo ngayon?" Kamot niya pa sa batok niya.
"Hindi 'no."
"Good." Ngiti pa niya.
"Eh ikaw, musta?" Nawala ang ngiti niya at napakagat ng labi.
"May mayamang matanda na kumupkop sa'min ng pamilya ko." Gulat man ay hindi mawala ang ngiti ko sa ibinalita niya dahil sa wakas, magiging maayos na rin ang buhay nila.
"Grabe, akalain mo 'yun? Ang bait talaga ni Lord 'no? Hindi niya talaga tayo pinababayaan." Pinanliitan naman niya ako ng mata atsaka ngumiti.
Wew, ang cute niya!
Ay shet? Charot lang syempre.
"Kaya pala bayong-bayong ka na kung mamalengke ngayon." Pagtango-tango ko pa.
"Alam mo nung una, nagalit ako sa pamilya ko nang malaman kong buntis sila do'n sa bunso kong kapatid na si Ashley. Sino naman kasing makakaalam na siya pala ang mag-aahon sa'min sa kahirapan di'ba?" Malayo ang tingin niya habang naka-ngiti pa rin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Yung matanda. Napili niya kami kasi naawa siya sa'min lalo na kay Ashley. Naalala niya raw 'yung nawala niyang anak dati sa kapatid ko kaya ayun." Kibit-balikat pa niya.
"Everything happens for a reason nga talaga." Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko.
"Teka lang? Saan na kayo ngayon nakatira?" Napayuko siya at sandaling natahimik.
"Sa kabilang barangay." Nanlaki naman ang mata ko bago natawa.
"Seryoso? Eh bakit dito ka pa namamalengke?" Inangat niya ang tingin sa'kin habang nangangamatis ang mukha.
"Ah, eh, d-dito na kasi ako nasanay? Oo, tama. Dito na ako nasanay." Pinanliitan ko siya ng mata habang nagpipigil pa rin ng tawa.
"Do'n na ang bago mong tirahan kaya dapat sanayin mo na 'yung sarili mo. Hindi 'yung dadayo ka pa dito. Pinapagod mo lang sarili mo." Iiling-iling ko pa na pangaral.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba akong ayaw mong napapagod ako o maiinis kasi parang ayaw mo na akong makita." Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko sa kadramahan ng isang 'to.
"Drama friend ha!" Pagkurot ko pa sa namumula niyang pisngi.
Nakita ko namang napalunok siya at mas natriple ang pamumula ng mukha niya bago muling nag-iwas ng tingin at patagong napangiti.