Mabilis kong inayos ang sarili atsaka humugot ng hininga.
Kaya mo 'yan, Tiri!
"S-saskia?" Natigil ang maarte niyang paglalakad atsaka eleganteng bumaling ng tingin sa'kin.
"Yes?" Malambing ang tono ng boses niya na ikinagulat ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Napakurap siya bago tuluyan akong hinarap.
"Excuse me? But who are you ba? I mean napapadalas ang kita ko sa'yo here sa campus." Napalunok ako at medyo nakaramdam ng hiya dahil maging ako ay napapansin niya pala.
"A-ako si Tiri. Sa totoo lang, 'di ko alam kung saan magsisimula pero tungkol 'to kay Chloe." Napataas ang kilay niya atsaka pumamewang.
"What? No way!" Napapikit ako dahil sa matinding kabang nararamdaman ko ngayon. Gustong gusto ko ng tumakbo palayo sakaniya kaso sayang naman.
"Saskia please? Kahit pakinggan mo lang ako ngayon tapos kahit 'wag mo na akong pansinin kahit kailan. Ikaw na lang bahala kung anong magiging decision mo sa sasabihin ko." Maarte siyang napahawak sa noo niya atsaka bumuntong hininga.
"Okay, fine." Tinalikuran niya agad ako at dire-diretsong lumakad. Nakangiti ko naman siyang sinundan.
Ilang minuto ang nakalipas bago namin narating 'tong likod ng College building. Malawak rin pala hanggang dito. At ang astig lang dahil mukha 'tong resort dahil maraming puno at may kapansin-pansin na tatlong malalaking pool, ginagamit ata nila for swimming class.
Tinabihan ko naman si Saskia sa wooden bench na inupuan niya.
"What now?" Nabaling ang tingin ko sakaniya.
"Yung papa ni Chloe m-may Leukemia." Napairap siya bago maarteng nagpunas ng pawis.
"Come on! Anong pake ko?"
"Nabanggit na nila lahat ng nangyayari sainyo. At sobrang naapektuhan siya no'n pero kahit gano'n, hindi kita hinuhusgahan. Oo, aamin kong nakakabwiset ka sa mga naririnig ko pero anong malay ko sa totoong dahilan mo?" Muli na naman siyang umirap.
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Gusto na niyang magbago. Gusto na niyang magpakatotoo. Kaya sana pwede bang?" Nakikita kong malapit ng umusok ang ilong ng babaeng kaharap ko.
"Maging mabait ako sakaniya? No. Freaking. Way."
"Hindi lang naman para sakaniya 'to e, sa'yo rin para mabawasan naman 'yang kung ano mang dinadala mo."
"At sino ka para umarteng kilalang kilala mo 'ko? How sure are you na may mabigat akong dinadala?"
"Siguro kasi malalaman mo kung sino at kung anong klase talaga ng tao 'yung kaharap mo base sa actions at mga pananalita niya?" Napa-iwas siya ng tingin.
"Kung negative ang nasa loob mo, magre-reflect 'yan sa panlabas kahit anong gawin mong pagtatago." Dugtong ko pa.
"Shut up!" Naluluha niyang pagpipigil sa'kin.
"Ayokong mauwi pa sa kung anong usapin 'to, Saskia. Nagbabaka sakali lang naman ako. Desisyon mo pa rin 'yan." Agad na akong tumayo pero natigilan din nang marealize kong 'di pa 'ko nagpapaalam.
"Una na ako. Salamat."
"Sige, pag-iisipan ko." Mahina niyang pahabol dahilan para tuluyan akong mapangiti.
*~*~*~*
"Sigurado ka na ba, hija?" Malungkot na tanong sa'kin ni kuya Benjamin. Binibenta ko na kasi sakaniya 'tong kariton ko.
"Opo, nakakalungkot nga e. Pero mas okay naman na po 'tong trabaho ko ngayon di'ba?"
"Oo naman. Mas malaki na ang kikitain mo diyan, sure ka na may sweldo ka araw-araw." Pang-sang-ayon pa niya.
Bukas na kasi magsisimula ang pagiging dishwasher ko kasama si Maudie.
Nakita ko si Nico na nagmamadaling tumakbo papalapit sa'kin.
"Ate, miss na miss na kita." Yumakap pa siya nang mahigpit.
"I miss you too, Nico."
"Bakit hindi na muna kayo pumasok sa loob ng bahay? Nando'n ang lola Flora niyo pati si Iverson." Suggest pa sa'min ni kuya Benjamin na agad naman naming sinunod.
"Basta ate, dadalaw ako do'n sa bahay ni ate Maudie pag may time ah." Pangungulit niya pa sa'kin.
"Kuya Iverson, papayagan mo 'ko ha?" Tinignan naman niya ngayon ang kuya niya. Nagkatinginan naman kami nila lola Flora at sabay-sabay na natawa.
"Oo naman." Malambing na sagot ni Iverson sakaniya bago ginulo-gulo ang buhok nito.
"Salamat, kuya!"