"Alam mo narealize kong may multo sa bahay na 'to." Panimula ni Maudie bago inilpag ang plato ng nilupak sa lamesa.
"Para ka namang baliw. Hapon na hapon, nanakot ka!" Natawa naman siya bago umiling.
"Seryoso kasi. I mean, bahay 'to ng parents ko. Lumaki ako ditong kasama sila." Napatango naman ako sa paliwanag niya.
"Minumulto ka ng memories?"
"Sobra. At ang lungkot-lungkot non, Tiri." Kunot noo ko siyang tinignan dahil mukhang hindi naman malungkot ang tono ng boses niya.
"Anong ibig mong sabihin? Lilipat ka na ng bahay?"
"Hindi 'no, never. What I mean is..." Sinadya niyang putulin ang sasabihin niya bago tumitig sa'kin. Ang weird niya ngayon ha!
"Gusto kong dito ka na tumira." Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Kasi kung oo, hindi talaga ako magpapabebe!
"Seryoso ka ba?"
"Joke lang! Naniwala ka naman agad." Napairap ako sa sagot niya. Bwiset, akala ko pa naman.
Sunod-sunod ang pagsubo ko sa Nilupak dahil sa pagkadismaya, napansin ko naman ang pananahimik niya hanggang sa unti-unting lumakas ang tawa niya.
"De seryoso nga, dito ka na tumira." Nanliit ang mata ko at pasimpleng ngumisi.
"Ayoko nga." Nanlaki ang mata niya at parang 'di makapaniwala na tatanggihan ko ang alok niya.
"Bakit?"
"Pilitin mo muna ako." Pang-asar kong sagot dahilan para mapapikit siya bago tuluyang tumawa.
"Hindi ko talaga tatanggihan 'to, Maudie. Hindi biro ang walang bahay. Hayaan mo maghahanap ako ng mas okay na trabaho para makabawi ako sa'yo."
"Nako 'wag mong isipin 'yang bawi-bawi. Ang akin lang naman kasi, oo nga may bahay nga ako pero 'di naman ako masaya. Atsaka masyadong malaki 'to para sarilinin lang. Pwede ko namang ishare kay Tiri di'ba?" Pang-asar na naman niya akong tinignan kaya mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Nga pala? Anong trabaho mo?" Natigilan siya atsaka sumeryoso ang mukha.
"Simula ng namatay ang parents ko, tita ko na ang nagbibigay ng tulong sa'kin. Ayun nga lang pangkain at pambayad lang ng bills, hindi nila ako kayang pag-aralin. Kaso lately, puro panunumbat na naririnig ko kaya naisip kong magtrabaho na para sa sarili ko since hindi na rin naman ako bata. Sakto naman kailangan ng dishwasher diyan sa eatery sa kabilang kanto, ayun kasisimula ko lang last week."
"Nakakainis naman. Bakit hindi ko naisipang pumasok sa ganiyan?" Pagmamaktol ko pa. Natawa naman siya atsaka napailing.
"Don't worry, hiring pa rin sila. Kaya nga balak ko na talagang sabihin sa'yo e. Atsaka ako rin naman, hindi ko naman maiisip na tumayo na sarili kong mga paa kung hindi kita nakilala e."
"Ako? Bakit naman?"
"Alam mo namang naging sarado 'tong utak ko di'ba? Tapos nakilala kita, pinarealize mo sa'kin 'yung mga bagay-bagay hanggang sa na-inspire na 'ko sa pagiging independent mo." Ngiting ngiti niyang paliwanag. Para naman akong naputulan ng dila dahil masyado na akong pinapakilig nitong si Maudie.
"Thank you talaga, Tiri."
"Mas maraming thank you sa'yo, Maudie." Sagot ko bago kami tuluyang nagyakap.
*~*~*~*
"Hello, Tiri!" Kaway sa'kin ni Flinch pagkalabas niya sa College building.
"Anong ginagawa mo here?" Tanong niya pa.
"Eh kasi balak ko sanang kausapin si Saskia." Nanlaki ang mata niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Excuse me? Saskia? You mean that b***h? But why? And besides, sure ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong. Napatawa naman ako nang mahina.
"Oo, sure na sure."
"But why? Ingat ka, baka mag-regret ka." Paalala niya pa sa'kin. Nag-thumbs up naman ako.
"Kailangan niya ng magbago." Natigilan naman si Flinch sa sinabi ko.
"Hindi na 'yon magbabago." May halong pait sa boses niya dahilan para titigan ko siya nang mabuti.
"Wag mo sabihing may nagawa rin sa'yong 'di maganda si Saskia?" Napairap naman siya.
"Best friend lang naman niya– I mean, boyfriend niya 'yung lalaking sumira sa'min ni Iverson!" Napatakip ako ng bibig.
"Auhm, Tiri? I need to go." Nagmamadali niyang paalam. Sinundan ko naman ang tingin niya at do'n ko nakita si Saskia na papalapit na sa pwesto namin.