Chapter 19

616 Words
"Chloe kumain ka na." Pagpilit ni Sharmaine sa bestfriend. Parang wala naman 'tong narinig at patuloy pa rin sa paghikbi. "Bumababa 'yung platelets ni papa dahil laging puyat sa trabaho. Trabaho. Trabaho. Trabaho. Para saan? Para lang sa lahat ng kaluhuan at kaartehan ko!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Sharmaine atsaka napayuko. Mukhang namumulat na nga sa realidad ang babaeng kaharap namin. "Pero ano 'tong sinusukli ko sakanila? Puro kamalditahan. Ni minsan, never pa 'kong nagpasalamat sa mga ginagawa at binibigay nila sa'kin. Puro demand pa, puro paghahanap pa ng mga wala 'yung iniintindi ko. Tapos para saan? Para lang magawa kong makipag-sabayan sa mundo!" Hindi na niya napigilan ang mapa-hagulgol sa bisig ni Sharmaine. "All this time, nabubuhay na ako sa mundong gusto nila para sa'kin. Nakalimutan ko na 'yung totoong ako. Si Saskia? Puro siya na lang inisip ko. Dapat malamangan ko siya. Dapat angat ako sakaniya. Hanggang sa nakalimutan ko na dapat wala lang siya. Ni hindi ko siya kadugo!" Binato niya pa ang unang nasa tabi niya sa sobrang galit. "Parang ninakaw niya na ang buong buhay ko. Tangina talaga niya!" At ngayon, sinabutan niya na ang sarili. Pilit naman siyang inawat ni Sharmaine. "Chloe, tama na. Atsaka 'wag mo sanang isisi lahat kay Saskia kasi c-choice mo ang magpa-apekto sa mga kilos at salita niya. Decision mo ang makinig sa mga sinasabi sa'yo ng ibang tao. Pinili natin 'tong magpanggap at makipag-sabayan sakanila." Galit na tinitigan ni Chloe ang kaibigan. "So ngayon mas kinakampihan mo na 'yang si Saskia kaysa sa'kin?" Hinawakan ni Sharmaine ang magkabilang braso ng kaibigan atsaka kinausap nang malumanay. "Chloe, matagal na kitang best friend at matagal na rin sana kitang pinigilan. Dapat hindi kita kinunsinte una palang, sorry nagkamali ako. Pero bes, it's not too late. We can make things right. We still have chance to r-restart." Naluluhang pakiusap ni Sharmaine. "Huli na ang lahat. Malala na ang kondisyon ni papa tapos hindi pa sapat 'yung pera namin pampagamot sakaniya. Kasalanan ko 'to lahat. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko." "Auhm, mawalang galang na pero Chloe, nahinga pa ang papa mo. May pag-asa pa. Lahat naman tayo may chance na makapag-simula ulit, na magbago di'ba? Walang mangyayari kung iiyak ka na lang diyan, gawin mo na ang dapat mong gawin ngayon. 'Wag ka ng magsayang pa ng oras." Natigilan silang dalawa sa sinabi ko at nag-iwas naman ng tingin si Chloe. "Atsaka nga pala, may chapel diyan sa labas. Try mo, baka dasal lang ang kulang."   Ako ang iniwan nila sa tatay niyang mahimbing ngayon na natutulog. Buti na lang talaga at nakinig sila sa'kin na magsimba, sana nga talaga ay mahimasmasan na siya pagkatapos. Habang si Aling Zetty naman ay nagbabantay ngayon sa bakery, sayang nga naman din kasi ang kita. Makalipas ang 30 minutes ay bumalik na rin silang dalawa. Mukhang okay na ngayon si Chloe at nakaka-ngiti na rin. "Thank you, Tiri." Naka-ngiti niyang iniabot sa'kin ang isang Mango juice. "No problem!" Pag-tapik ko pa sa balikat niya. *~*~*~* Ilang araw na ang nakalipas nang magdaan ang mabibigat na events sa buhay ng mga kakilala ko. Gano'n pa man, hindi ko pa rin maiwasang mapangiti dahil kung wala 'yung mga pagsubok na dumating sakanila baka hanggang ngayon ay hindi pa rin nila narerealize ang tunay na meaning ng buhay. "Tiri!!!" Matinis na sigaw ni Maudie ang bumungad sa umaga ko. "Grabe ang tagal nating 'di nagkita." Dugtong pa niya. "Ilang araw lang e." Ngumuso naman siya sa sagot ko. "Eh kahit na. Wait, saan ka ba nanggaling?" Napakamot ako ng batok dahil parang ayoko naman ng ikuwento 'yung mga nangyari. "Tara na nga. Merienda tayo sa bahay!" Mabilis niyang hinigit ang braso ko bago niya hinawakan nang mahigpit. Palihim naman akong napailing dahil ibang iba siya sa Maudie na una kong nakilala.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD