Chapter 18

674 Words
"Papasok na muna 'ko sa loob ha?" Paalam sa'kin ni Aling Zetty bago pumasok sa kwarto ng asawa niya. Napabuntong hininga ako atsaka umayos ng upo. Tahimik ko lang na pinagmasdan ang mga tao pati 'yung mga nurses at doctor na abalang abala. May mga nagdadaang masaya, paniguradong napagtagumpayan ang buhay ng kaanak nila at syempre meron 'ding mga hindi na pinalad pa. "Tiri, si mama?" Napaangat ako nang tingin sa kararating lang na si Chloe, nasa likod naman niya si Sharmaine. "Nasa loob." Hindi na niya ako pinansin at dire-diretsong pumasok. Kailan kaya babait ang isang 'yon? "Alam mo girl, ako na humihingi ng sorry sa kamalditahan ng bestfriend ko." Malumanay na sabi ni Sharmaine bago tumabi sa inuupuan ko. "Bilib din ako sa'yo e, natyatyaga mo 'yun?" Napangiti naman siya. "Alam mo hindi naman ganiyan 'yan dati. Taga-Batangas talaga sila kaya lang nung nag-high school na siya, dito na sila tumira sa Manila. First day palang naging close agad kami, okay kasi siya. Hindi ka maniniwala pero mabait, humble, at masunurin talaga siyang anak. Nagbago lang lahat nung mag-college kami. Culture shock ba? Hindi naman inexpect na gano'n pala kayayaman mga kaklase namin kaya ayun, nagkaroon kami ng peer pressure." Hindi ako naka-imik sa kwento niya kaya nagpatuloy na lang ulit siya. "Naging kaklase namin 'yung demonyitang Saskia na 'yon nung first year college kami. Pinahiya niya ng sobra si Chloe dahil sa Batangueño accent na meron 'yung kaibigan ko. Tinawag-tawag niya pang baduy 'yung pananamit ni Chloe, simple lang kasi dati manamit 'yon e. Sobrang minaliit ni Saskia 'yung pagkatao niya kaya start no'n, nagpapadala na lagi si Chloe sa sinasabi ng iba. Gustong gusto na niyang nakukuha 'yung attention ng lahat kahit madalas, nagpapanggap na lang siya. Syempre napansin 'yon ni Saskia kaya pinahiya ulit siya, do'n na nagsimula 'yung pagpapanggap niya na nasa ibang bansa na 'yung nanay niya kaya gano'n na lang nagbago 'yung porma at pananamit niya." Napa-iling ako habang inaalala si Saskia. Ibang klase naman pala talaga siya. "Una kong nakita si Saskia kasama niya 'yung magulang niya, kagagaling lang ng simbahan. Akala ko no'n, anghel na bumaba sa lupa." Natawa naman si Sharmaine sa sinabi ko. "You mean devil in disguise?" "Hindi kaya may dahilan din siya kung bakit ganiyan ang ugali niya?" Kibit-balikat akong sinagot ni Sharmaine. "Dahilan? Bukod sa pagiging bratinella at matapobre niya, wala na akong nakikitang iba." Napakunot ang noo ko at sa hindi malamang dahilan parang mas gusto ko pang makilala si Saskia. "Pwede bang magkwento ka pa ng tungkol kay Saskia? Sorry, alam kong hate na hate mo siya pero kasi, ewan? Nakakacurious." Napa-irap siya kaya akala ko ayaw niya pero nagulat ako dahil nagsimula na naman siyang magkwento. "Kilalang kilala siya sa College department. Kaming mga schoolmates niya, either kaaway niya o sinasamba siya. Ayun nga lang kahit marami siyang 'fans' syempre hindi naman sa'yo susunod 'yung mga 'yon kung walang kapalit. Kaya karamihan, ginagamit lang siya. 'Yung mga babae, kinakaibigan siya para sa pera at 'yung mga lalaki? Alam mo na. Nang una, tuwang tuwa siya sa attention na nakukuha niya pero nung narealize niyang ginagago lang pala siya ng halos karamihan, mas lalo siyang naging bitchesa sa lahat." Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa kalagayan niya. Ayan nga talaga ang madalas na problema nilang mayayaman. Nakakalungkot din sa side ng parents niya dahil sila ang titignang isang malaking reflection ng mga tao kahit pa 'yung totoo, e mukhang mababait naman sila. "Pero syempre kahit anong sama mo, may weakness ka pa rin. At sa situation ni Saskia? 'Yung weakness niya 'yung best friend niyang si Ryle. Relationship wrecker din 'yung lalaki na 'yon, ayun nga siguro 'yung reason kung bakit sila nag-click. Walang tumanggap sakanilang dalawa kaya jinowa na lang nila ang isa't isa." Sabay kaming natawa sa kwento niya. "Hindi ba nalalaman ng magulang niya 'yung pinanggawa niya?" "Nako, suking suki siya sa PoD. Nakakaawa na nga magulang niya. Lalo na 'yung kumalat 'yung chismis na hindi niya totoong nanay 'yung kinikilala niya. Sabi nila, bata palang daw si Saskia nang iwan siya ng totoo niyang nanay. Hindi raw kinaya ang pagiging demonyita!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD