"Ang dami niyan ngayon Tiri ah?" Bati ni Kuya Benjamin sa'kin.
"Oo nga po e. May malaking bahay do'n sa may labasan, ang daming binenta e. Mukhang maglilipat bahay na." Napangiti lang si Kuya Benjamin bago tumulong na rin sa paglalabas ng mga kalakal galing sa kariton ko.
"Auhm, nasa'n po si Iverson?" Nagpunas pa muna ng pawis si kuya.
"Kasama si Nico-liit. Namasyal." Ngiting ngiti niya pang sabi.
"Kuya Benjamin? Salamat po ah." Kumunot ang noo niya.
"Para saan naman?"
"Sa pagtanggap po kay Nico. I mean, siguro sa pagpapalaki na rin kay Iverson? Kasi kung wala kayo ngayon, hindi ko alam kung paano na magiging buhay ni Nico." Tinapik niya ang balikat ko.
"Wala 'yon, hija. E, ikaw ba? Paano ka na, kuntento ka na ba sa ganito?" Nagulat ako sa tanong niya dahil sa totoo lang, kuntento na nga ba ako?
"Wag niyo na po muna ako isipin, kaya ko naman po ang sarili ko. For sure naman makakabangon din ako, hindi ko palang oras ngayon."
*~*~*~*
"Buti po dumating ka, ate!" Excited na tumabi sa'kin si Nico. Mag-isa siya ngayon sa park.
"Akala ko ba kasama mo ang kuya mo?"
"Opo kaso may tumawag sakaniya na babae e kaya ayun, nagpaalam muna siya na dito na lang muna ako, kailangan daw kasi nilang mag-usap." Nanliit ang mata ko bago iginala sa paligid. Wala naman akong makitang bakas ni anino ng dalawa.
"Sinong babae?"
"Si pink hair, ate!" May pagtaas pa ng tono sa boses niya, mukhang ngayon lang niya natandaan.
"Pink hair? Si Flinch." Bulong ko.
"Kilala mo na siya ate?"
"Basta." Natahimik siya sandali bago ngumuso sa likuran ko.
"Tiri!" Masayang yakap sa'kin ni Flinch. Nakita ko naman si Iverson na nasa likuran ni Nico, pasorpresa niya 'tong binuhat.
"Flinch, 'wag mo sabihin sa'king itong lalaki na 'to ang tinutukoy mo?" Ngiting ngiti naman niya akong tinignan. Hay nako, hindi ko na kailangan ang sagot niya.
"Hoy ikaw na lalaki ka! Kaloka ka rin e 'no? Ang dami mong connections." Pang-asar ko pa kay Iverson, nahihiya lang naman niya akong tinawanan atsaka nagpaalam na itutuloy na raw nila ni Nico ang naudlot na paggala nila.
"So kayo na ulit?" Harap ko kay Flinch.
"Hindi." Confident niyang sagot dahilan para mapataas ang kilay ko.
"Eh ba't ganiyan ang ngiti mo?" Pinisil niya ang matangos niyang ilong bago nagkibit-balikat.
"Alam mo namang assurance ang kailangan ko di'ba?" Tumigil siya at hinawakan ang magkabila kong braso. Tinitigan pa 'ko ng diretso sa mata. "At ngayon, nakuha ko na 'yon." Pagtili niya pa. Pinanlakihan ko naman agad siya ng mata dahil nagtinginan ang ilan na nakatambay ngayon dito sa park.
Patay malisya niya akong hinila sa isang wooden bench bago nagpatuloy sa pagkwento.
"Kaloka naman kasi siya, dami pang drama. Hindi na lang sinabing natagpuan pala 'tong long lost brother niya." Natawa naman ako sa pag-irap niya.
"Pero alam mo Tiri? Napagtanto naming parehas pa kaming mga bata. May oras pa kami sa bagay na 'yon kaya nagkasundo muna kaming ayusin muna 'yung mga future namin tapos pag wala ng epal, ayun happy ending na." Sumama ang tingin ko sakaniya kaya napakunot ang noo niya.
"Grabe ka! So epal ang tingin mo kay Nico?"
"H-hoy, hindi naman sa gano'n. Baliw!" Hinampas niya pa ang braso ko kaya parehas kaming natawa.
*~*~*~*
"Aling Zetty, kumusta na po?" Tanong ko agad sakaniya dahil matagal-tagal ko na siyang hindi nakikita at lagi pang sarado ang bakery niya.
"Hindi pa rin okay pero kailangan maging okay." Pinilit niyang ngumiti kahit sinisigaw naman ng mata niya ang totoo.
"Tama po. Fight lang nang fight!"
"Busy ka ba? Samahan mo naman ako mamaya sa ospital." Nanghihina niyang sabi. Nako, mukhang hindi na nga talaga siya natutulog kaya lang nasa'n na naman ang magaling niyang anak?
"Sige lang po. Anong oras po ba?"
"After 30 minutes lang sana. Mag-aayos lang ako sandali." Napatango naman ako sakaniya at nagpaalam na kailangan ko munang umalis pero babalik din naman agad.
Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad sa talipapa. Ibibili ko kahit konting prutas ang asawa ni Aling Zetty.
Isang piling ng saging, tatlong hinog na mangga, at tatlong mansanas lang ang kinaya ng pera ko. Sana ay okay na 'to.
"Dami naman niyan." Napairap naman ako nang marinig ang boses ni Zion mula sa likuran ko.
"Para kang kabute." Nagpanggap siyang nagulat atsaka humawak sa dibdib niya.
"Ang sakit mo talaga magsalita." Napababa ang tingin ko sakaniya at nakitang may hawak siyang bayong at punong puno 'yon ng mga hilaw na pagkain.
"Asensado ah." Kumunot ang noo niya pero narealize rin agad ang tinutukoy ko.
"Hindi 'to akin."
"Auhm, Tiri? May ikukwento sana ako sa'yo." Nanliit ang mata ko at napatingin sa hawak kong mga prutas.
"Zion kasi ano, ah basta may importante akong lakad ngayon. Pasensya ka na ha? Next time na lang, sige una na 'ko." Nagmamadali kong paalam pero bago ako makalayo narinig ko ang sinagot niya...
"Miss na miss na kita, Tiri."