Chapter 16

706 Words
Maaga akong nagpunta ngayon dito sa school para hanapin si Chloe. Inutasan ako ng nanay niya na ibalita ang nangyari, ilang araw na raw kasing hindi umuuwi at hindi ma-contact ang anak niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong magiging reaction nito pag nalaman ang lagay ng tatay niya. Ilang minuto na akong paikot-ikot sa loob ng campus pero ni hindi ko makita ang anino niya. Buti na lang talaga at open 'tong school sa kahit na sino kaya walang sumisita sa'kin. Talagang nag-ayos pa ako ng itsura para kahit papaano naman ay isipin nilang estudyante rin ako dito. Nanliit ang mata ko nang makita si Sharmaine na mabilis na naglalakad sa hallway. Lalapitan ko na sana siya kaya lang may isang prof na hingal na hingal siyang nahabol. Ilang distansya na lang ang layo ko sakanila kaya para 'di naman awkward, naupo na lang muna ako sa hagdan na hindi kita sa view nila. "Sir, ayoko na po. Tama na po." Malakas na sabi ni Sharmaine. Nanliit ang pares ng mga mata ko nang marealize kung ano nga bang nangyayari sakaniya, sana nga lang ay mali ang hinala ko. "Subukan mong mag-ingay at tuluyan kitang ibabagsak." May pagbabanta sa boses ng prof niya.  "Bakit Miss Gonzaga ha? Kung makapagyabang ka, akala mo may ibubuga ka sa klase ko. Sa kama ka lang magaling." Narinig kong ngumisi pa 'yung prof niya. "S-sir, maawa na po kayo please? B-babawi po ako sa klase niyo." Rinig ang bawat paghikbi ni Sharmaine. Nagpalinga-linga ako sa hagdan bago ko nakita ang bulletin board at do'n ko nakitang pang-SHS building pala 'to at wala silang klase ngayon. "Anong babawi? Sa tingin mo may oras ka pa?" "Ilang langit na lang ang ipaparanas mo sa'kin, ngayon ka pa titigil? Sasayangin mo pala lahat ng isinuko mo?" May lambing pa sa boses ng professor niya dahilan para tumaas ang mga balahibo ko. "Hayop ka! Demonyo ka! Ang sama-sama mo!!!" Galit na galit na sigaw ni Sharmaine. Wala ng pakialam kung may makarinig sakaniya. Hindi na ako nakapag-pigil at dumungaw na ako nang kaunti mula sa pinagtataguan. Nakita kong hinigit ng professor si Sharmaine papalapit sa mukha niya. Gusto ko mang umawat pero alam ko pa rin naman ang limitasyon ko. Lalo na't iba talaga ang tensyong nagaganap ngayon. Gano'n pa man, 'di pa rin maitatangging gwapo ang professor niya, kung titignan ay mukha itong kagalang-galang. "Bakit ako lang ba? 'Wag ka ngang umasta na para kang anghel ha? Akala mo ba hindi ako aware sa mga kalokohan at mga pagpapanggap niyo ni Chloe dito sa school? 'Yung mga harap-harapan niyong pambabastos sa mga co-teachers ko? Bakit Sharmaine, kasalanan ko bang hindi ka nakikinig at pumapasok sa klase ko? Una palang alam mo ng Trigo ang subject ko pero mas pinili mo pa rin ang mga kaartehan at kalokohan mo. Tinutulungan lang kita at choice mo ang pumayag. Pwede ka namang umulit di'ba? Ngayon ha? Sabihin mo nga sa'kin, sino ang demonyo? Ako ba?" Binitawan niya si Sharmaine dahilan para mapaupo ito sa sahig habang humahagulgol. Umalis naman agad ang professor niya at nang masiguro ko 'yon, dali-dali ko siyang niyakap nang mahigpit at yumakap din siya pabalik sa'kin. *~*~*~* "Mapangabuso siya!" Galit na galit pa ring bwelta ni Sharmaine. Magkakasama na kami ngayon sa public canteen at kasama na rin namin si Chloe. "Sana pala inenjoy ko 'yung buhay nang hindi nasisira 'yung future ko. Dapat pala talaga binigay ko na 'yung best ko una palang at hindi dapat ako naging dependent sa iba. Akala ko kasi malulusot ko lahat ng kalokohan ko e, akala ko basta-basta na lang. Hindi pala talaga pwedeng idaan na lang lahat sa illegal na paraan. Makakahanap at makakahanap ka ng katapat. 'Yang mga demonyo na 'yan, akala mo tinutulungan ka pero 'yung totoo, inaabuso lang talaga 'yung mga kahinaan mo." Nanggigil na untag ni Sharmaine habang mahigpit ang hawak sa tinidor. "You've learned. That's what matters, di'ba?" Maarteng singit ng bestfriend niyang si Chloe. Patago naman akong napairap, siya kaya kailan matatauhan? Ah, siguro kapag nalaman niya na 'yung nangyari sa– "And you, what are you doing here ba? Feeling concern, wherein fact, chismosa lang naman talaga." Duro niya pa sa'kin. E kung hypocrisy lang naman ang pag-uusapan, aba, nakakagulat ba kung mapapa-'Look who's talking?' ako? "Kailangan mo ng umuwi sainyo. May Leukemia ang tatay mo."     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD