Chapter 15

639 Words
"Ikaw?????" Napatakip ako ng bibig nang mahuli ko kung sino ang misteryosong taong nagbibigay ng tulong kay Nico. "M-magpapaliwanag ako." Numumutla niyang sagot sa'kin. Maingat akong tumayo sa kinahihigaan namin ni Nico. Mahirap na kasi at baka magising siya. Nang makalayo kami, tumigil siya at sumandal sa poso bago ako hinarap. "Kapatid ko siya." "Joke time ba 'to?" Napangsi siya at umiling. "Ampon lang ako ni tatay Benjamin." Hindi ko alam kung matatawa, magugulat, o kung ano ang mafefeel ko sa mga nangyayari ngayon. Ibang klase, feeling ko tuloy nasa isang drama ako. At grabe pa ang revelations! "Pinaampon ako ng totoo naming magulang nang malaman nilang buntis ulit si mama kay Nico. Two years old palang ako no'n pero grabe, ibang klaseng hirap talaga ang meron 'yung pamilya ko. Tapos sakto namang baog si nanay Cora, 'yung kumadronang nagpanganak sa'kin. Gustong gusto niya akong kunin kaya ayun, pinaampon ako sakaniya. Hindi man gano'n kaangat sila nanay Cora at tay Benjamin, mas ginusto ko naman na sa puder nila dahil do'n ko mas naramdaman na may pamilya ako. Si nay Cora rin ang nagpanganak kay Nico, binigay naman niya 'to sa kapatid niyang walang asawa, si nanay Flora." Tatango-tango naman akong napasagot. "So matagal mo ng alam kung nasa'n si Nico, eh bakit?" Napa-face palm siya bago tumango pero umiling din naman. Wew, ang gulo ha. "Nawala si lola Flora pati Nico. 'Yung araw na pinakilala mo sa'min si Nico sa junk shop, do'n ka na lang ulit nalaman." Napa-'ahh' ako sa paliwanag. Ngayon, naalala ko na ang pagkakasunod-sunod ng mga events. "Ikaw po ang kuya ko?" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses ni Nico. Punong puno ito ng pagtataka at syempre may halong saya. "At sa'yo rin po ba nanggaling 'to?" Nilabas niya ang maliit na papel sa bulsa niya. Ayun 'yung binigay na letter ng kuya niya no'ng birthday niya na tinago niya pa sa'kin! "Oo, Nico. Ako ang kuya Iverson mo." Mabilis na tumakbo si Nico papalapit sa kuya niya bago nagyakap nang mahigpit. In fairness dito kay Nico ah? Mukhang may happy ending na! *~*~*~* Pasipol-sipol akong naglalakad pabalik na sana sa tinutuluyan kong pwesto. Ang saya ko kasi wala lang? Isang normal na araw lang naman ngayon pero thankful pa rin ako sa maliliit na blessings na kadalasang hindi napapansin ng mga tao. Isipin niyo 'yun? Nakakakita pa rin ako ng mga creations ni God at syempre, nakikita ko pa rin ang mga kalokohan ng mga tao. Nakakapaglakad pa rin ako nang maayos. May boses pa akong nagagamit sa pangangalakal ko, at higit sa lahat, humihinga pa ako. Bonus pa siguro na may nakakain pa rin ako at maayos-ayos na ang buhay ni Nico! Natigilan ako sa pag-iisip nang mapadaan ako sa saradong tindahan ni Aling Zetty. Anong himala at nagsarado siya? Kibit-balikat ko na lang na nilagpasan at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. "Until our next transaction, Sharmaine." "Okay po, s-sir." Narinig kong pag-uusap ng dalawa sa likuran ko. Pinakiramdaman ko munang makaalis ang lalaki bago ko tinignan ang dalagitang nasa likuran ko. Busy siya sa pag-aayos ng lukot-lukot niyang uniform, inayos niya rin ang tali ng neck tie niya bago sinuklay nang kaunti ang buhok. Gulat siyang napatingin sa'kin pero nang mapagtanto niya kung sino ako, napangiti siya nang matamlay. Aba, e mas mabait naman pala ata 'to kaysa ro'n sa bestfriend niyang si Chloe! Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik ko na lang ang tingin sa nilalakaran ko. Mula sa 'di kalayuan, nakita kong makakasalubong ko si Aling Zetty. "Nakita mo ba si Chloe?" Nanghihina niyang tanong sa'kin. Napatulala naman ako habang pinagmamasdan ang itsura niya. Wala ang masiyahing Aling Zetty na kilala ko. Namamaga pa ang mata niya. "Hindi po e. Pero andito po 'yung bestfr–" Lumingon ako sa likuran ko at napatahimik nang makitang wala na ro'n si Sharmaine. Matamlay naman akong tinitigan ni Aling Zetty. "A-ano pong problema?" Bumuntong hininga siya atsaka nag-iwas ng tingin. "Galing ako sa ospital. May Leukemia ang asawa ko."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD