"E wala nga sabing Spanish Bread." Mataray na sigaw ni Chloe sa customer nila at nagmamadaling lumabas ng tindahan. Naka-uniform na siya habang basa pa ang buhok. Mukhang papasok na sa school.
"Bwiset. Panira ng umaga." Hindi naman na ako nabigla kung sino ang customer na nakita ko.
Ang babaeng bugnutin.
"Miss pwede ba tayo mag-usap?" Namewang naman ang babae sa'kin atsaka ako hinead to toe.
"Ikaw na naman." Umirap pa siya. "Ano namang pag-uusap natin?"
"Tungkol sa pagiging bugnutin mo." Ngiti-ngiti kong sagot. Para namang mas nag-highblood siya sa narinig niya.
"Ano bang problema mo?" Napalakas pa ang tanong niya sa'kin.
"Tignan mo 'to, di'ba ako dapat ang magtanong sa'yo niyan?"
"Wala ka na do'n."
"Okay. Pero gusto mo ng Spanish Bread di'ba? Tara, may alam pa akong bilihan non dito." Parang biglang nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko. At nakakagulat man, pero ngumiti siya.
"Talaga?"
"Oo nga. Ano sama ka ba?"
"Sige na nga."
*~*~*~*
"Pabili pa po ng limang piraso. Pahiwalay ng balot." Narinig kong sabi niya sa panadero.
"O, kunin mo na 'to." Natulala naman ako sa brown bag na iniiabot niya sa'kin.
"Thank you."
"Auhm, Miss? Pwede bang magtanong kung bakit gusto mong malaman kung bakit ako ganito?" Napatingin ako sakaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakikita ko ang soft side ng babaeng kaharap ko.
"Miss-miss ka diyan. Ako si Tiri." Natawa naman siya atsaka tumango.
"Grabe parang ang weird makitang tumawa ka." Nanlaki pa ang mata ko habang siya naman ay mas lumakas ang pagtawa. Aba, mababaw lang naman pala ang kaligayahan ng isang 'to e.
"Of course, tao naman ako 'no. And by the way, I'm Maudie." Iniabot niya ang kanang kamay sa'kin at nakipag-shake hands.
"Wow, ang pormal." Mahinang komento ko.
"Alam mo magiging mahabang usapan 'to, gusto mo do'n na muna tayo sa'min?" Alok niya pa ulit sa'kin.
"Hindi naman siguro tayo aabutin ng isang buong araw di'ba? Kailangan ko pang kumayod." Nako naman kasi, puro storya na ata ng ibang tao ang kinakain ko sa bawat araw pero ewan, ang interesting talaga!
O, di'ba nagmumukha na akong chismosa?
*~*~*~*
Kulay pink na bungalow, simple, at maliit lang ang bahay ni Maudie. Malinis at halos walang 'tong laman. Ang agaw pansin lang talaga ay ang malaking family portrait nila dito sa sala.
Lahat sila ay nakasuot ng white na damit at kahit formal picture 'yon, makikita mo pa rin 'yung saya sa mga mata nila. Ayun nga lang, napansin kong medyo bata pa si Maudie sa picture.
"Hot chocolate." Nabalik ang tingin ko kay Maudie na galing sa kusina. Inilapag niya ang dalawang tasa sa center table. "Sorry, hindi ako nagkakape." Nag-thumbs up naman ako bilang sagot.
"Spanish bread, my comfort food." Nakita kong lumungkot pa ang expression niya bago umupo sa tabi ko.
"Comfort food? So ibig sabihin, malungkot ka? Bakit?" Dire-diretso kong tanong sakaniya.
"Bakit ka ganiyan? Bakit mo gustong malaman?" Mahinahon pero puno ng curiosity niyang tanong.
"Alam mo naiinis na nga ako madalas sa sarili ko. Kasi naman ang hilig kong mangialam sa problema ng iba, imbis na pagkain ko na lang dapat ang isipin ko. Pero wala e, simula bata palang ako, ayoko ng may nakikitang malungkot. Gusto ko laging naka-ngiti 'yung mga tao." Pinanliitan niya ako ng mata at ngumiti, 'yung ngiting never ko pang nakita sakaniya.
"Kaya lang 'di naman pwede 'yon. Lulungkot at lulungkot tayo." Dugtong niya.
"Oo nga kaya nag-promise na lang ako sa sarili ko na kapag hindi sila masaya, ako na lang 'yung magpapasaya. Ewan, ang saya-saya ko talaga makakita ng taong masaya." Kumagat ako sa Spanish bread na hawak ko para mabawasan naman ang awkwardness na nararamdaman ko ngayon.
"Ikaw palang 'yung kauna-unahang pumansin at nagtanong kung bakit ako ganito." Natigilan ako sa pag-nguya nang marinig 'yon at pasimpleng tumingin sakaniya. Nakita ko namang tumango siya at ngumiti nang kaunti.
"Anong nangyari? Atsaka, asan sila?" Turo ka pa sa family portrait. Napayuko siya at sandaling natahimik.
"Wala na sila." Hindi ako nakagalaw at napakurap lang dahil parang ayaw mag-sink in sa'kin.
Lahat sila, wala na? Ang tragic!
"At kasalanan ko." Dugtong pa niya.
Ngayon ko talaga napatunayan kung bakit gano'n ang ugali niya. May malalim talagang dinadala.
"Grabe, 8am. Ganito ang almusal natin." Natawa siya pero nakita ko ang pagpigil ng iyak niya.
"Pagkatapos ng nangyari, lumayo na 'ko sa lahat. Wala na rin akong napagsabihan. Ikaw palang." Bigla akong nahiya. Parang 'di ko naman ata deserve.
"Simple pero masaya lang ang pamilya namin no'n. Driver si papa sa isang kumpanya tapos si mama naman, domestic helper sa Hong Kong. Madalas nagkukwento sa'kin si mama na lagi silang nasa Disneyland nung alaga niya. Nang una, excitement lang nararamdaman ko pag nagkukwento siya hanggang sa 'di ko namalayan, naiinggit na pala ako. Nasabi ko sakanila na gusto ko ring makapunta ro'n kahit alam kong imposible, hindi ko alam ginawa pala nila lahat para matupad 'yon kaya lang 'di pa rin naging enough kaya pati 'yung naipon nila para sana pang-college ko, ginamit nila. Sabi pa nila, 'wag daw ako mag-alala, mababalik pa naman 'yon kasi may oras pa para makapag-ipon ulit." Disappointed niyang paliwanag. Kung sabagay, masakit naman talaga 'yon, akala niyo may oras pa pero wala na pala.
"Two days before my birthday, lumipad kami ni papa sa Hong Kong. Tuwang tuwa ako kasi mapupuntahan ko ang 'happiest place on earth'. 'Yung tampo at pagkukulang sa'kin ni mama na nararamdaman ko, nawala lahat 'yon nang makita ko siya. Mas nangibabaw pa rin talaga 'yung pagmamahal ko para sakaniya. Tapos ang bait pa ng amo niya, pinahiram kami ng kotse nila, kaya ayun si papa 'yung nag-drive. Malapit na kami sa Disneyland nang may nadaanan kaming jewelry shop, sobrang nagustuhan ko 'yung kwintas na naka-display pero 'di nila binili 'yon sa'kin kasi syempre wala naman kaming extra na pera pero ang tangina ko talaga!!! Nagmaktol pa rin ako nang sobra sa loob ng sasakyan, nadistract pati si papa na nagda-drive kaya ayun, sumalpok sa'min 'yung truck." Humagulgol niyang paliwanag. Makita ko palang siya ngayon sa sitwasyon niya, hindi na ako makahinga. Sobrang bigat na hindi maipaliwanag ang sinapit ng pamilya niya.
"Pero nabuhay ka." Mahina kong sagot.
"Oo, nabuhay ako para pagbayaran lahat ng ginawa ko." Panay ang punas niya sa luha niyang 'di tumitigil.
"Hindi 'no. 'Wag ka ngang mag-isip ng ganiyan, dapat maging thankful ka pa rin kasi binigyan ka pa ng second chance para itama 'yung mga pagkakamali mo. Atsaka for sure, may dahilan kung bakit nandito ka pa rin ngayon." Napangiti siya sa sinabi ko bago nag-ayos ng sarili.
"Salamat."