Chapter 13

564 Words
Alas dos na ng hapon nang makarating ako ng school. Ibabalik ko na sana kay Chloe 'yung lunch box at buti na lang nandito lang siya sa labas kasama ang best friend forever niya. "What?" Iritang tanong niya nang makita ako. "Nagtataka 'yung mama mo, wala ka raw nauwing lunch box. Kaya ito na." Pahablot niyang kinuha 'yon bago ako iniripan. Napupuno na talaga ako sa isang 'to! "Bakit ka ganiyan?" Pinanliitan ko pa siya ng mata. Napataas naman ang kilay niya at hinatak ako sa may likurang puno. "You! Kung ano man 'yung mga narinig at nakita mo, sa'yo na lang 'yon. Okay?" Gigil na gigil niyang banta. "Hindi. Hindi ko magets eh. Bakit?" "Hindi mo na kailangang magets." Napapikit pa siya sa sobrang inis. "Bakit kailangan mo magpanggap? Bakit kailangan mo ikahiya 'yung nanay mo?" Napasabunot siya sa buhok at bumuntong hininga. "Ang dali sa'yong magtanong ng ganiyan dahil magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. Hindi mo alam kung anong mundo ang meron kami rito." Padabog pa siyang naglakad papalayo sa'kin. "Gusto mong malaman kung anong klaseng mundo ang meron sila dito?" Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sio na naman ang lalaking nagsalita sa likuran ko. "Stalker ka ba ha?" "Excuse me? Dami kayang chiks dito." "Luh, ano connect?" "Edi syempre marami akong choices kaya bakit naman ikaw ang iistalk ko ha?" Napairap ako sa sagot niya. Basag ako ro'n ah? "Ayun pala e. Bakit ka epal nang epal sa'kin?" Narinig ko ang mahina niyang tawa bago pumunta sa harapan ko. "Biro lang po. Di'ba dito nag-aaral 'yung kapatid ko? O kaya dito rin ako madalas tumambay." "Sa ilalim ng puno?" Tumingin pa 'ko sa itaas. "Oo, bakit? Pinapahalagahan ko 'to kasi kaunti na lang ang mga puno sa city natin sa panahon ngayon." Kibit-balikat pa niya. "Wow, lalim no'n ah?" Ngumiti lang siya atsaka yumuko, kumuha ng maliit na bangko. "Kasya naman siguro tayong dalawa rito?" Inayos niya pa ang pinagtutukuran at umiwas sa sikat ng araw. "Ano na? Tabi tayo!" Napakurap ako at awkward na tumabi sakaniya. Masyadong malapit! "So anong meron sa school na 'yan?" Napangisi naman siya at tumingin sa'kin. "Hindi ka ba nag-aral?" "Nag-aral." "Eh bakit?" "Duh? As if namang 'di ko gets 'yung tinutukoy ni Chloe. Wala lang, nagttry lang baka kasi may mas malalim na ganap sa school na 'yan." Napataas naman ang kilay niya. "Tulad ng?" "May mga nag-aalay ng kaluluwa?" Hindi niya napigilang matawa ng malakas habang iiling-iling.  "Ang corny mo ha." Habol-habol pa ang hininga niya. "Corny raw. Pero grabe 'yung tawa." Napairap pa ako ulit. Bakit nga kaya napapadalas ang pag-irap at pagiging maldita ko kapag kasama ko ang isang 'to? "De seryoso, 'yung kapatid ko, si Andrew, second year college. Scholar siya diyan. Magkakasama ang regular pati 'yung mayayaman talaga kaya 'yang si Chloe? Isa lang 'yan sa mga social climber sa school na 'yan." Ngisi niya pa. "Peer pressure. Kawawa naman 'yung magulang nila. Kawawa naman si Aling Zetty." Lumungkot ang mukha niya atsaka tumango. "Kung nagtataka ka kung sino 'yung babaeng buntot ni Chloe, siya naman si Sharmaine. Sharmaine Gonzaga. Matindi nilang karibal si Saskia Gutierrez." Natigilan ako sa sinabi niya. For sure, si Saskia 'yung babaeng mukhang anghel. "In fairness sa'yo ha, chismoso ka." Sinamaan niya ako ng tingin. "Alam mo, ang ganda nga non ni Saskia." A-aggree na sana ako kaya lang naalala ko ang kamalditahan niya kaya napasimangot ako. "O, bakit ka nakasimangot diyan? Selos ka 'no?" Hinampas ko ang braso niya sa inis. Sobrang hangin talaga ng isang 'to! "Wag kang mag-alala, magkamukha kayo." Mahina niyang bulong at pasimpleng ngumiti.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD