Pagkamulat ng mata ko ay bumugad na agad sa'kin ang isang malaking eco bag na nasa may tabi ko.
Pupungas-pungas ko pang tinignan ang laman nito. May bigas, anim na de lata, tatlong noodles, at tatlong balot ng uling.
Para sa'min kaya 'to? At kung oo, sino na naman ang nagbigay?
Nakakaloka na ha. Nang una, pansit tapos ngayon ito naman. Dapat matuwa ako sa blessings pero parang ang creepy na?
May pa-letter siya nang sa pansit. E ngayon kaya? O teka, baka naman ibang tao ang nagbigay ngayon?
Kinuha ko ulit ang eco bag at inisa-isang ilabas ang mga laman. Tinaktak ko pa ang eco bag pero walang lumabas na papel hanggang sa napadpad ang mata ko sa plastic ng bigas na medyo lumuwag sa pagkakatali at do'n ko na nakita ang mahiwagang papel na naman.
"Pasensya na, ito lang talaga kaya kong ibigay sa'yo ngayon. Basta promise, babawi ako. Mahal na mahal kita, mag-iingat kang palagi ha?"
Parang nagtaasan ang mga balahibo ko pagkatapos mabasa 'yung nakasulat do'n sa maliit na papel.
Para kay Nico 'yung letter no'ng nakaraan at ngayon, sure rin ako na para sakaniya 'to ulit. Tandang tanda ko pa ang penmanship ng kung sino mang secret admirer niya!
Ay tanga?!
Hindi kaya galing 'to sa mga magulang niya? Naguguilty na gano'n?
"Ate!" Gulat akong napatingin kay Nico na ngayon ay nasa likuran ko na pala.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi?"
"Ginabi na po si lola Flora sa pagtitinda kaya do'n niya na po ako pinatulog sakanila." Napatango na lang naman ako sa paliwanag niya.
"Auhm, ate? Ano 'yan?" Turo niya sa eco bag na nasa harapan ko.
"Nico kasi, may nagpapabigay sa'yo. Kilala mo ba kung kanino nanggaling 'yan?" Nanlaki ang mata ni Nico bago tinignan ang mga laman.
"Ate, may papel ba? Nasa'n po 'yung papel?" Dahan-dahan kong iniabot 'yon sakaniya. Disappointed naman siya pagkatapos niyang mabasa.
"Wala na namang pangalan." Yumuko pa siya atsaka nilukot ang papel.
"E Nico, hindi kaya galing 'yan sa magulang mo? Nakokonsensya na gano'n?" Nakabusangot siyang napa-iling.
"Impossible 'yon ate. Wala silang pake sa'kin atsaka napadaan ako ro'n kanina. Narinig kong nagrereklamo mga kapatid ko kasi wala silang makain." Buntong hininga na lang ang naisagot ko sakaniya.
"Ang mysterious pa rin niyan ha. Pero ganito lang, isipin na lang muna natin ngayon na binagsak 'yan ng langit para sa'tin." Natawa siya at napatingin sa itaas.
"Thank you, Lord." Sabay naming sabi at parehas na ngumiti.
*~*~*~*
"Hija!" Sigaw ni Aling Zetty nang matanaw niya akong naglalakad sa labas ng bakery niya.
Para naman akong binuhusan ng yelo at hindi maka-galaw dahil hindi ko pa talaga alam ang sasabihin sakaniya. Pa'no ko naman ikkwento ang kalokohan at mga pagpapanggap ng anak niya? Magsisinungaling ba ako o ano?
"Augh, Tiri?" Tawag niya pang ulit.
"Po?" Mabilis kong sagot atsaka lumapit sa bintana ng bakery niya.
"Salamat ha. Hindi ka na nagpakita sa'kin pagkagaling mo sa school." Napaiwas naman ako ng tingin.
"Sorry po. M-may dinaanan pa po kasi ako pagkatapos."
"Gano'n ba? Alam mo tuwang tuwa ako, nagustahan daw kasi ng anak ko 'yung niluto ko." Ngiting-ngiti niya pang sabi. Lalo tuloy akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong nagpanggap na naman ang anak niya.
"Sa sobrang sarap nga, nakalimutan niyang iuwi 'yung lunch box." Pigil na pigil naman ako sa sarili ko na mag-react dahil may halong pag-aalinlangan sa boses niya. Mas lalo tuloy akong namroblema dahil nasa'kin 'yon!
"Hayaan niyo po, pag nakita ko siya, ipapaala ko sakaniya." Palusot ko pa.
"Sige. Ito nga pala, singkwenta. Ayan na muna bayad ko sa utang ha." Nahihiya pa siyang tumawa. Iiling-iling ko namang 'di tinanggap 'yon.
Para saan? Bayad sa pagsisinunggaling ko sakaniya? Ako na nga kumain nung hinanda niyang lunch.
"Magagalit ako sa'yo pag 'di mo 'to tinanggap!" May pagbabanta sa boses niya at nanlaki pa ang mata. No choice tuloy ako kung hindi tanggapin 'yon.
Wew, nakaka-guilty.
Paano kaya nagagawa ng iba na manloko nang sobra 'no?
*~*~*~*
Alas dos na ng hapon nang makarating ako ng school. Ibabalik ko na sana kay Chloe 'yung lunch box at buti na lang nandito lang siya sa labas kasama ang best friend forever niya.
"What?" Iritang tanong niya nang makita ako.
"Nagtataka 'yung mama mo, wala ka raw nauwing lunch box. Kaya ito na." Pahablot niyang kinuha 'yon bago ako iniripan.
Napupuno na talaga ako sa isang 'to!
"Bakit ka ganiyan?" Pinanliitan ko pa siya ng mata. Napataas naman ang kilay niya at hinatak ako sa may likurang puno.
"You! Kung ano man 'yung mga narinig at nakita mo, sa'yo na lang 'yon. Okay?" Gigil na gigil niyang banta.
"Hindi. Hindi ko magets eh. Bakit?"
"Hindi mo na kailangang magets." Napapikit pa siya sa sobrang inis.
"Bakit kailangan mo magpanggap? Bakit kailangan mo ikahiya 'yung nanay mo?" Napasabunot siya sa buhok at bumuntong hininga.
"Ang dali sa'yong magtanong ng ganiyan dahil magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. Hindi mo alam kung anong mundo ang meron kami rito." Padabog pa siyang naglakad papalayo sa'kin.
Napakurap pa ako ng ilang beses bago napairap sa kamalditahan niya.
"Gusto mong malaman kung anong klaseng mundo ang meron sila dito?" Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino na naman ang lalaking nagsalita sa likuran ko.
"Stalker ka ba ha?"
"Excuse me? Dami kayang chiks dito."
"Luh, ano connect?"
"Edi syempre marami akong choices kaya bakit naman ikaw ang iistalk ko ha?" Napairap ako sa sagot niya. Basag ako ro'n ah?
"Ayun pala e. Bakit ka epal nang epal sa'kin?" Narinig ko ang mahina niyang tawa bago pumunta sa harapan ko.
"Biro lang po. Di'ba dito nag-aaral 'yung kapatid ko? O kaya dito rin ako madalas tumambay."
"Sa ilalim ng puno?" Tumingin pa 'ko sa itaas.
"Oo, bakit? Pinapahalagahan ko 'to kasi kaunti na lang ang mga puno sa city natin sa panahon ngayon." Kibit-balikat pa niya.
"Wow, lalim no'n ah?" Ngumiti lang siya atsaka yumuko, kumuha ng maliit na bangko.
"Kasya naman siguro tayong dalawa rito?" Inayos niya pa ang pinagtutukuran at umiwas sa sikat ng araw.
"Ano na? Tabi tayo!" Napakurap ako at awkward na tumabi sakaniya. Masyadong malapit!
"So anong meron sa school na 'yan?" Napangisi naman siya at tumingin sa'kin.
"Hindi ka ba nag-aral?"
"Nag-aral."
"Eh bakit?"
"Duh? As if namang 'di ko gets 'yung tinutukoy ni Chloe. Wala lang, nagttry lang baka kasi may mas malalim na ganap sa school na 'yan." Napataas naman ang kilay niya.
"Tulad ng?"
"May mga nag-aalay ng kaluluwa?" Hindi niya napigilang matawa ng malakas habang iiling-iling.
"Ang corny mo ha." Habol-habol pa ang hininga niya.
"Corny raw. Pero grabe 'yung tawa." Napairap pa ako ulit. Bakit nga kaya napapadalas ang pag-irap at pagiging maldita ko kapag kasama ko ang isang 'to?
"De seryoso, 'yung kapatid ko, si Andrew, second year college. Scholar siya diyan. Magkakasama ang regular pati 'yung mayayaman talaga kaya 'yang si Chloe? Isa lang 'yan sa mga social climber sa school na 'yan." Ngisi niya pa.
"Peer pressure. Kawawa naman 'yung magulang nila. Kawawa naman si Aling Zetty." Lumungkot ang mukha niya atsaka tumango.
"Kung nagtataka ka kung sino 'yung babaeng buntot ni Chloe, siya naman si Sharmaine. Sharmaine Gonzaga. Matindi nilang karibal si Saskia Gutierrez." Natigilan ako sa sinabi niya. For sure, si Saskia 'yung babaeng mukhang anghel.
"In fairness sa'yo ha, chismoso ka." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Alam mo, ang ganda nga non ni Saskia." A-aggree na sana ako kaya lang naalala ko ang kamalditahan niya kaya napasimangot ako.
"O, bakit ka nakasimangot diyan? Selos ka 'no?" Hinampas ko ang braso niya sa inis. Sobrang hangin talaga ng isang 'to!
"Wag kang mag-alala, magkamukha kayo." Mahina niyang komento at pasimpleng ngumiti.