Chapter 11

873 Words
"G-gano'n ba? E pasensya ka na anak, dadalahin ko na lang diyan. Pasensya na talaga." Narinig kong paliwanag ni Aling Zetty sa kausap niya sa phone. "Nako pa'no na 'tong tindahan?" Bulong niya nang maibaba na ang tawag. Napakurap naman siya nang makitang nasa harapan pa rin ako ng bakery niya. "May problema po ba?" Napakamot siya sa ulo niya. "Eh kasi hija nagmamadaling umalis 'yung anak ko kanina, naiwan niya tuloy 'yung project niya pati 'yung hinanda ko sakaniyang baon sana." "Pinapadala niya po ba sa'yo?" Nahihiya naman siyang tumango. "Oo e. Kaya lang alam mong malakas ang pandesal ngayong umaga, sayang naman." "Gusto niyo po ba ako na lang magdala sakaniya?" Nanlaki ang mata niya bago napangiti. "Nako, hija! Napaka-laki talaga ng tulong mo sa'kin." "Hayaan mo bibigyan kita ng pagkain mamaya." "Hindi naman po kailangang tuwing magbibigay ako ng tulong e kailangan ng kapalit." Nanliit ang mata ko nang marealize na hindi ko kilala ang anak niya. "Salamat talaga ng marami." "Pero hindi ko nga po pala kilala anak niyo." Napakamot pa 'ko sa batok. "Ay oo nga 'no? Osige, hintayin mo 'ko. Kukuha ako ng litrato niya." Dali-dali niya akong tinalikuran atsaka pumasok sa bahay nila. "O ito siya hija!" Iniabot niya sa'kin ang picture ng anak niya. "Tapos ito naman 'yung project niya at syempre ang ginawa kong Corned Beef. Pakisabi na rin mag-aral siyang mabuti." Napangiti ako sa pagiging sweet niya sa anak. Sana lahat ng magulang ay ganito at sana lahat ng anak nila, hindi 'yon tinatake-advantage. "Ano pong pangalan niya? Atsaka section?" "Chloe. Chloe Bernardo. Puntahan mo na lang 'yung College building, hindi ko kasi alam ang section niya e." "Noted po." "Pa'no hija, ingat ka ha. Maraming salamat talaga." Ilang minuto lang ay narating ko na ang isa sa pinakasikat at malaki na school sa lugar namin. Ang balita ko pa nga bukas din 'to para sa mga scholar kaya halos lahat ng kabataan sa'min, dito nag-aaral. Ako kaya, kelan ulit makakapagsuot ng uniform? Natigilan ako sa paglalakad sa hallway nang mapagtanto na 'di ko pa pala nakikita ang mukha ng anak niya. Inilabas ko ang picture galing sa bulsa ko. "Impossible." Bulong ko sa sarili. "Excuse me???" Nakataas ang kilay at hindi maipinta ang mukha ng babaeng pangatlong beses ko na ngayong na-encounter. Napakaliit ng mundo! "Why are you holding my picture? And my...project?" Pahablot niya pang kinuha sa'kin 'yung project niya. "Pinabibigay kasi sa'kin 'yan ng mama mo. Pasensya na, ako nautusan niya kasi maraming bumibili ngayon sa bakery niyo." Iniabot ko pa sakaniya 'yung picture niya. "Ay pati ito pala. Corned Beef, luto niya 'yan. Mag-aral ka raw ng mabuti." Diri niyang tinignan ang eco bag na iniaabot ko sakaniya. "I don't like that. Kainin mo na lang." Cold niyang sabi bago ako nilagpasan. Napatingin naman sa'kin ang best friend niyang hindi nawawala sa tabi niya. "Bakery? Mama? I thought your 'mommy' is on abroad. She's businesswoman there, right?" Narinig kong pangungutya sakaniya ng isang babae. Dahan-dahan kong nilingon kung sino 'yon at... Si ateng 'mukhang anghel pero 'di pala.' "Mama because she's only my yaya. Duh, use your brain minsan ha." Umirap si Chloe bago tuluyang umalis. Napapikit naman ako sa mga nakita at narinig ko. Kaloka, too much information! "Ohhh, nandito rin pala si Miss Good Samaritan." Napalingon ako sa likuran ko at napa-irap dahil pati si kuyang magnanakaw ay nandito rin. Nagkunyari pa siyang nakatingin sa likuran niya at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. "Wait lang naman. Ang hilig mo talaga akong talikuran." Ngumiwi siya at mas nilakihan ang bawat hakbang. "Anong kailangan mo?" Ngayon ay magkasabay na kaming naglalakad sa gitna ng malaking oval. "Wala naman. Pero akala ko ba 'friends' na tayo?" Ngumuso pa siya. Tsk. "Ahh, oo nga. Pero busy ako kaya kung may kailangan ka–" "Kain tayo ng streetfoods." Hinigit niya pa ako lalo ngayon. Kaya hawak-hawak na niya ako sa bisig. "Umayos ka nga. Ang lagkit mo." Natawa naman siya at parang hindi na nagulat sa sinabi ko. "Eh pumayag ka muna." "Oo na. Bitiw!" Tatawa-tawa lang naman siya habang hinayaan na akong maunang maglakad. *~*~*~* "Anong ginawa mo sa school?" Tanong niya habang busy sa pag-nguya ng fishball. "Naghatid lang ng pag–" "Wait. Maupo muna tayo do'n." Turo niya isang poste bago ako hinigit papunta ro'n. "Ang bastos talaga." Mahina kong bulong. "Aray ko naman. Hindi ko na mabilang mga panlalait mo sa'kin ha." "So ayun na nga, bakit ka nando'n?" "Nautusan lang pong maghatid ng project at baon." Napatingin siya sa'kin nang may pagtataka bago natawa. "Wow 'po.' Nakakapanibago." "Pero uy? Hindi mo man lang ba ako tatanungin?" Napakunot ang noo ko sa makulit na lalaki na 'to. "Ano namang itatanong ko sa'yo?" Ipinatong niya 'yung baso ng fishball sa lapag tapos tumingin sa malayo. "Tulad ng, 'E ikaw Zion, anong ginagawa mo ro'n?' Tapos sasagot naman ako ng, 'Naghatid lang din po ng baon sa kapatid ko.'" Hindi ko malaman kung matatawa ba ako maiinis sa kalokohan niya. Pero teka... "Zion?" Natigilan siya sa pinaggagawa atsaka tumingin sa'kin. "Oo, ay? Hindi mo pala ako kilala 'no? At hindi rin kita kilala." Parang amaze na amaze pa siya sa nangyayari. "Tiri." Nanlaki ang mata niya atsaka tumawa ng malakas. "Tiri? Tiririt?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. At iiling-iling na sumubo ng kikiam. "Corny mo." Nilapit naman niya ang mukha niya sa mukha ko. Hala, anong gagawin nito? Subukan lang niya at nang masampolan ko siya! "Cute mo." Nakangiti niyang bulong bago pinunasan ang sauce sa gilid ng labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD