"O ate? Bakit ka nakabusangot?"
Tanong nang kararating lang na si Nico.
"Bakit kasi sila ganiyan?" Tulala kong tanong sakaniya.
"Ha? Sino po?"
"Yung mga tao. Kanina sa park, may babaeng bumili ng milktea kahit ayaw talaga niya 'yon. Binili lang niya kasi uso atsaka para ipost sa social media. Tapos may isa namang nakakita ng picture ng isang babae sa Starbucks tapos nainggit siya. Wala ang sad lang. Kung titignan natin, madalas talaga na 'yung picture lang 'yung nakikita natin pero hindi 'yung istorya sa likod non. Kinaiinggitan agad kung anong nakikita, hindi man lang alamin kung ano ba 'yung totoo. Anong malay natin di'ba? Kung saan ba nila at kung paano nila naabot 'yon? Kung sa positive ba o sa negative na paraan." Napabuntong hininga naman si Nico sa bagay na pinoproblema ko.
"Alam mo natatawa nga ako sa sarili ko, ba't ko ba 'to iniisip pa di'ba?" Natawa rin ang bata. Napailing naman ulit ako.
"Kaya Nico, tandaan mo mas maswerte pa talaga tayo kung tutuusin. Tignan mo sila, halos na sakanila na lahat pero ang dami pa ring pinoproblema, kahit mga maliliit na bagay 'di pinalalagpas!" Nanliit ang mata ko bago inalala 'yung sikat na phrase na, "Less is more, Nico." Ngiti ko sakaniya.
*~*~*~*
"Hey!" Napatingin ako sa taong humawak sa balikat ko. Halos hindi naman agad ako nakapagsalita nang makilala ko kung sino 'yon.
"Ohhh, sabi ko na nga ba makikita pa kita ulit!!!" Masaya kong sabi. Napatalon-talon pa 'ko sa tuwa, 'di ako nagkamali.
"Yep. And thank you." Aye, thank you raw? Tapos ngiting ngiti pa siya? Nananaginip ba 'ko?
"Saan naman?"
"Sa mga pinagsasabi mo nang gabing nakita mo 'kong umiiyak." Nahihiya pa siyang tumawa bago nag-iwas ng tingin.
"Auhm, busy ka ba? If you don't mind kasi, kain sana tayo. My treat!" Malambing niyang sabi. Halos hindi ko naman matikom ang bibig ko dahil sa gulat na nadadagdagan na ang mga tao na mabait sa'kin at balak pa 'kong ilibre.
"Balak ko lang sanang matulog kahit mainit. Pero ngayong niyaya mo na 'ko, edi go." Inayos ko pa ang hawi ng buhok ko, nakakahiya naman kasi sa beauty niya!
Dinala niya 'ko sa isa sa mga kilalang kainan malapit sa park. Feeling ko kumikinang ang mata ko nang makapasok kami sa loob.
"Ang ganda pala talaga dito. Madalas ko lang kasi nadadaanan 'to pero ngayon nandito na 'ko sa loob!" Napapalakpak pa ako, humagikgik naman siya at inilibot pa ang mata pero pagkatapos ay lumungkot ulit.
"Anyway, anong order mo?" Inabutan niya 'ko ng menu. Hanep naman pala talaga dito, may pa-menu pa.
"Ang ma-mahal naman." Wala sa sarili kong bulong. Napatingin naman siya sa'kin atsaka umiling.
"No. Sige na, pili ka lang." Kapag pala nakilala mo 'yung tunay na si pink hair, malalaman mong ang sweet niya pala.
"I-ikaw na lang bahala. Thank you." Nahihiya kong ibinalik sakaniya ang menu.
Pero deep inside, sana carbonara o baked mac. Please. Please.
Pero baka lang naman. Hehe.
"You know what, favorite ko here 'yung Baked Mac. Pero best sellers naman nila 'yung Carbonara at Pesto." Pigil naman akong napatawa. Ito na ba? Answered prayer na ba agad?
"Ano? Nakapag-decide ka na?" Hindi ako makasagot dahil parang isa na ata 'to sa pinaka-mahirap na decision. Pero syempre, joke lang.
"Baked mac na lang din."
"Okay." Sandali pa siyang sumenyas sa waiter at agad din naman 'yong lumapit sa table namin.
"Thank you." Sabay naming sabi sa waiter nang inilapag nito ang tray ng pagkain.
"This was our favorite tambayan." Wala sa wisyo niyang sabi.
"Seryoso ka ba? Sasabihin mo sa'kin 'yang bagay na 'yan?" Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"I met him sa school last 2012. We were both freshmen. Regular student ako and he was scholar. Naging kami after five months. Everything was in smooth sailing not until one of my jealous suitor accused him of r****g me which is not true." Parang nabasag pa ang boses niya, inilapag niya ang hawak na tinidor atsaka nagpunas ng luha.
"Graduating students na kami no'n and because of that damn boy, hindi siya naka-graduate. Natanggal din siya sa pagiging scholar at galit na galit ang parents ko sakaniya." Kinuha ko ang extra tissue na nakalagay sa may plato ko at iniabot sakaniya 'yon. Nagpasalamat naman siya at nagpatuloy na ulit sa pagkukwento.
"Two years. Two years kaming nawalan ng communication. I never had boyfriends simula no'n, puro flings lang gan'on pero 'di ko na makayanan pumasok sa commitment kung hindi rin lang naman siya. But third year college came, nagpakita ulit siya. That time lumaban na siya kahit galit na galit pa rin ang parents ko. Hanggang sa napagod na rin parents ko, pumayag na sila. Tinanggap na nila. Pero alam mo 'yung masakit? Kung kelan akala ko okay na lahat, biglang ito siya nakipag-break sa'kin."
May mga customers ng tumitingin sa'min kaya lumapit ako sakaniya at niyakap para kahit papaano ay matakpan ang mukha niya.
"Sorry sa pagyakap. Ang baho ko pa ata." Sa pagitan ng pag-iyak niya, nagawa pa rin niyang matawa.
"I need closure. Hindi enough 'yung gabing 'yon. Basta napagod? Biglang umayaw? Bakit? E lagi namang may dahilan ang lahat ng bagay, di'ba? Kaya sana ayun ang gusto ko pang alamin." Inayos niya ang sarili at medyo ngumiti na.
"And thank you. Kasi nang gabing 'yon, I was so lost and thought as if killing my self was the only choice. Actually, 'di pa nag-sink in sa'kin 'yung mga sinabi mo not until morning when I woke up. Nakita ko lahat ng meron ako, 'yung mga bagay at tao na madalas ko lang itake advantage. I'm graduating student kaya naisip ko, mas better kung mag-focus ako sa studies ngayon di'ba? All I need is to have acceptance. While I also think of self-love and I'm choosing it this time." Nagpunas ulit siya ng luha pero may ngiti na sa labi niya, totoong ngiti.
In fairness naman sa babaeng 'to, palong palo ang love story. At another in fairness, mas madrama pala ang thoughts niya kaysa sa'kin, wew!
"And narealize ko ring tama ka na hindi siya ang everything ko." Nagulat ako naman ako bago napangiti dahil sa wakas, naisip niya 'yon.
"Sino pala?" Pang-asar kong tanong sakaniya. Proud naman siyang ngumiti at sumagot.
"Si God."
"S-sorry. Speechless talaga ako te. Nagulat ako sa'yo, promise!" Natatawa kong sabi nang mag-sink in na sa'kin lahat ng pinagsasabi niya.
"Naku, sorry din. Sa'yo pa 'ko nagsabi ng lahat. Ni hindi nga natin alam pangalan ng isa't isa. Funny right?" Nanlaki ang mata ko nang marealize 'yon at sabay kaming natawa.
"Ako si Tiri."
"Nice to meet you, I'm Flinch."