Chapter 9

748 Words
Masaya akong nagmumuni-muni sa daan. Katatapos ko lang kasi maligo, at may bago rin akong suot na damit ngayon na nabili ko sa ukay. Ang fresh lang sa pakiramdam at ang saya dahil maaga pa, hindi ko kinailangang makipag-unahan sa public rest room kanina at ngayon, malamig pa lang ang hangin. Nagsisimula palang kasing kumaway ang araw. Thank you, Lord. "Tiri!" Napatigil ako sa pagsipol nang tawagin ako ni Aling Zetty. Ang aga naman niya palang mamalengke. "Hello po. Long time no talk." Bati ko sakaniya. Kinurot naman niya ako sa tagiliran bago natawa. "Ikaw talaga. Ang tagal kitang 'di nakita tapos ngayon ang fresh-fresh mo pa." Nako naman 'to si Aling Zetty, tuwang tuwa na naman sa'kin. "Grabe ka naman ho sa'kin. Ibig niyo bang sabihin lagi akong dugyot?" Nawala ang ngiti niya at napakamot pa sa batok niya. Nako talaga! "Hindi gano'n, Tiri. Halika na nga, sumabay ka na sa'kin, sabay na tayo mag-almusal." Napangiti ako nang malapad sa alok niya. Hulog talaga 'to ng langit e. "Thank you po." Nauna siyang maglakad sa'kin at medyo dumistansya ako nang kaunti sakaniya. Napapikit ako at niramdaman ang hangin, ayun nga lang hindi ko na masabing fresh air dahil 'wag na tayo maglokohan, puro polusyon na talaga ang nalalanghap natin. Gano'n pa man, thankful pa rin ako kay God. Daming blessings! "Pan de Hotdog at Itlog. May kasama pang kape." Nilapag ko ang plato ng hotdog at itlog sa lamesa. Ako ang nag-volunteer na magprito para hindi naman masyadong nakakahiya di'ba? "Sige lang. Kain lang nang kain, Tiri." Natigilan ako sa pagkain nang marealize kong panay pala ang kain ko. Teka, naka-ilan na ba ako? "Ay hehe. Sorry po." Nilibot ko ang paningin sa bahay nila, maganda naman pala at malinis. Maliit nga lang. "Auhm, nasa'n po ang pamilya niyo ngayon?" Bigla kong narealize na ni hindi ko nga nakikita ang mga 'yon. Meron nga kaya siya? "Hay hindi mo pa pala alam, ang asawa kong si Menard, panadero sa ibang lugar. Si Chloe naman na anak namin, college student. Busy masyado e. Minsan na nga lang umuwi, ewan ko ba." Natulala naman siya sa hotdog sa harapan niya. "Pabili!" Masungit na tawag ng babae sa labas. Napataas naman ang kilay ko, sino ba 'yon? Ang angas, nakakasira ng araw. "Nako pasensya ka na hija, hindi pa ako nakakagawa ng Spanish bread." Pagpapaliwanag ni Aling Zetty. "Tsk. Walang kwenta." Padabog na umalis ang babae. Nagkatinginan kami ni Aling Zetty bago napailing. Nasa kabilang street na 'ko ng matandaan ko kung sino ang babaeng 'yon. Siya rin 'yung babaeng naubusan ng pandesal dati at tinarayan pa 'ko. Busangot kaya talaga 'yon o natatapat lang na may regla siya tuwing nagkikita kami? "Ay ano ba naman 'yan, lutang!" Buwelta ng babaeng nakabunggo sa'kin sa makipot na eskinita. "Sandali, ikaw na naman?" Natigilan siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Iniistalk mo ba 'ko?" Taas kilay niyang tanong. "Ang feeling mo naman, gorl." Natatawa kong sagot sakaniya, inirapan lang naman niya ako. "Sige, umirap ka ng umirap. Kapag ayan talaga nastuck sa tuktok, tirik mata ka forever!" Napanganga siya bago ako tinulak. "Paharang-harang!" Buwelta niya pa atsaka padabog na naglakad.   Alas singko na ng hapon nang matapos ako sa mga gawain kaya pumunta na lang ako rito sa park para magmuni-muni ulit. Wala naman kasi si Nico, dumalaw kay lola Flora. "Ohh, mahilig ka pala sa Taro Milktea." Bungad ng isang dalagita sa kararating lang na kaibigan. May hawak ito na large cup. "Hindi. It's ew." "Eh bakit ka bumili?" Tinignan pa siya nang masama ng kaibigan. "Sinubukan ko lang. Trending e." Napa-'ahh' na lang ang babae. Napangiwi naman ako, nagsasayang ng pera. "Eh anong gagawin mo diyan?" Tanong ulit ng kaibigan. Nakita ko namang papalapit sila sa bench na inuupuan ko at ito na nga, tumabi sila sa'kin. "Duh. Picture. Maybe for a new dp or insta?" Napangisi ang kaibigan atsaka umiling. "Do it for the gram pala." "Yeees, gorl." At sabay silang nagtawanan. Awkward naman ang itsura ko rito dahil mukha akong out of place sa kanilang dalawa. Ang hirap din pala talaga ng walang phone, walang lusot sa mga awkward moments. Aalis na sana ako nang ilabas ng babaeng katabi ko 'yung phone niya at do'n ko naalala na sila 'yung mahilig mag-picture at pina-delete pa nitong katabi ko 'yung picture niya kasi ang taba raw niya! Pasimple akong umalis sa tabi nila. Disappointed sa mga nangyayari sa mundo. Ba't gano'n? "Sana all, may pambili ng Starbucks." Narinig kong bulong ng isa pang babae na titig na titig sa phone niya, at do'n, makikita ang picture ng isang babae na nasa Starbucks. At tuluyan na nga akong nagba-bye sa park. Nakakaloka ang mga taong 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD