Nang dahil sa mga nalaman ay mas pinili na muna namin na tumambay sa mall para makapag-usap pa ng mabuti. Inutusan na lang din ni Saskia na pauwiin na lang muna si kuyang driver dahil sa ngayon ay nagdecide muna kami na itago na lang muna ang mga nalaman. "I still can't believe, Tiri. What a small world it is!" Ngiting ngiting sabi ni Saskia. Awkward naman akong napangiti. "Alam mo ako rin, sobrang nagulat. Ang gusto ko lang dapat malaman kung nasa'n si mamá o kung buhay pa nga ba talaga siya pero ayan nga, h-hindi na pala. Tapos nalaman ko pa ngayon na may half-sister ako at ikaw pa." Natatawa kong paliwanag. "Pero Saskia, g-gano'n na lang ba 'yun? I mean, lalo na sa sitwasyon mo. Nakwento mo na sa'kin na unwanted child ka at s-sabi mo, walang ibang minahal na anak 'yung mom kundi 'yung

