"Ano? Sasama ka ba sa'kin magsimba ngayon?" Tanong ni Maudie sa'kin habang nagtatanghalian. "Next time na lang." "Anong himala?" Gulat na tanong niya lalo pa't alam niyang lagi akong present sa pagsisimba every Sunday. "May importante akong lakad." Natigilan naman sa pagkain si Maudie at pang-asar ako na tinignan. "Asus. Ayos na nga pala kayo ni Zion." Agad naman akong umiling. Sinasabi ko na nga ba! "Hindi ko siya kikitain, okay?" Pilit namang tumango si Maudie na kunyari naniwala sa sagot ko. Kainis. "Okay." *~*~*~* Pinili ko na muna ang dumaan sa simbahan kahit papaano bago ko ayusin ang kung ano mang mga lakarin ko. Kaya lang bago ako makapunta sa terminal ay napadaan muna ako sa saradong bakery ni Aling Zetty. Bigla tuloy akong nalungkot sa pag-alala sakanila. Kumusta na kaya

