"Sorry, Maudie. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas para magkwento." "Grabe, Tiri. Sobrang nag-alala ako sa'yo. Imagine, naabutan na lang kita dito habang iyak nang iyak. One week 'yon, Tiri. Isang linggo mo 'kong 'di pinansin tapos 'di ka rin pumasok. Akala namin ni ate Cha, narape ka na o kung ano e!" Napangiti naman ako dahil sa pagiging concern nila sa'kin. "Sorry talaga. At thank you." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko. "Oo naman 'no. Pero grabe din pala 'yung story mo." Dugtong pa niya at medyo lumungkot pa ang mukha niya. "Hayaan mo na, matagal ng tapos 'yon." "Hep! Hep! Diyan ka nagkakamali. Hindi pa kaya. Pa'no na lang 'yung papá mo? At si..." Pang-asar pa niya sa'kin. Pero oo nga naman. Hindi ko pwedeng basta iwan na lang ang mga 'yon nang gano'n-gano'n lang. "Sa ngayon,

