Ilang oras lang ang tulog ng dalaga at namamaga pa ang mga mata kaiiyak sa kalunos-lunos na nangyari sa masayang debut niya sana kagabi. Nabalik sa wisyo ang tulalang dalaga nang marinig niya ang pag-ring ng phone niya. "H-hello?" Kinakabahan niyang sagot dahil unregistered ang number. "Hello bes? This is Alison. I-i am sorry if..." Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaibigan mula sa kabilang linya. "I didn't make it." Napapikit ang dalaga dahil hindi siya sigurado kung handa na ba ulit siyang tumanggap ng paliwanag pero sa huli ay pinili pa rin niya ang makinig. "I am in the hospital. Inatake ako ng ulcer, 7 hours before your party. You know how I gave importance to my body figure. Most of the times, nalilipasan na 'ko ng gutom at na-overfatigue na rin ako kagi-gym. I am sorry. I

