Special Chapter HappyReading:) Shaira's POV Kanina pa ako nandito sa library kasi tahimik dito at imposibleng magkita kami ni Rhym. Masama ang loob ko sa kanya. Ayaw ko siyang makita o makausap. Lahat pala ng nangyari planado niya. Pati ang pagpapaasa sa akin. "May balita naba kayo kay Maria?" Tanong sa akin ni Kim. Hinihintay niya din si Dave dito sa library. Masaya akong nagtiwala siya ulit kay Dave. Masaya akong nagsabi si Dave kay Kim kung ano bang plinano ni Rhym. Mahal na mahal talaga siya ni Dave. "Wala pa nga eh. Pati si Brix wala pang nababalitaan kung nasaan naba si Maria." Malungkot na sabi ko habang nagsusulat sa notebook ko. "Tinanong niyo na ba si Dominic? Baka alam niya kung nasaan na si Maria." Nag aalalang tanong padin ni Kim sa akin. Napabuntong hininga nalan

