Special Chapter HappyReading:) Shaira's POV "'Wag ka ng malungkot." Mahinhin na sabi sa akin ni Maria. Namamaga 'yung mga mata niya nung nagkita kami. Alam ko na 'yung resulta ng DNA test. Aalis na si Maria. "Mag iingat ka sa pupuntahan mo ah. Balitaan mo ko lagi. Pangako, walang nakakaalam kung nasaan ka kung 'di ako lang." Mahinang sabi ko at naiyak na. Kung hindi sila naghiwalay ni s*x, hindi naman siya mahihirapan ng ganito eh. Ayaw kong magsisi ng ibang tao pero sa lahat ng nangyayaring hirap kay Maria. Dahil 'yun kay s*x. Galit na galit ako sa kanya. "O-oo naman, magiingat ako lalo na magkakababy na ako." Sabi niya at humawak sa tyan niyang maliit pa. Hindi pa masyadong halata 'yung umbok kasi muka lang siyang busog. "Hindi ako makapaniwala na hindi ka pinili ni s*x ka

