Special Chapter (Dave and Kim) Enjoy Reading:) Kim’s POV Nandito ako ngayon sa bahay namin sa makati. Wala 'yung parents ko dito kaya magisa lang ako. Ayaw ko muna sa university, ayaw kong makita si Dave. Masyado ng kumulit si Dave. Ayaw ko na ulit mahulog sa kanya. Nagulat ako ng tumunog 'yung phone ko. May tumatawag, alam ko na kung sino 'yun dahil sila lang naman ang tumatawag sa akin ngayon. Pinatayan ko siya ng tawag dahil ayaw ko naman siyang makausap. Ano na naman ba ang trip niya at ginugulo niya ako? “Sh*t ka talaga, Dave.” Naiinis na bulong ko. Ilang beses naman na tumunog 'yung phone ko. Text. Lumabas ako ng bahay na nakap*kp*k short 'yung talagang maikli dahil hindi naman ako lalayo. Lakad lakad lang ng kaunti. Iniisip ko palapit nang palapit ang distansiya ng grupo

