Special Chapter (s*x & MARIA) - - - - - Happy Reading:) Maria’s POV Nandito ako ngayon sa condo ni s*x nagbabakasakaling makakausap ko siya ngayong araw. Simula kasi nung gabi na nakita niya ulit 'yung mahal na mahal niyang babae. Si Kharil, hindi na niya ako pinansin. Syempre muka na naman akong tanga. Hinahabol ko talaga siya kasi baka naman mahal na niya ako. Oo, masakit dahil alam kong hinding hindi ko mapapalitan si Kharil sa buong buhay ni s*x. Anong laban ko? Mahal niya si Kharil. Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yun. Nakita ko si s*x. Hapong hapo 'yung muka niya para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Napatayo ako dahil hindi niya ako nakita dahil nakayuko siya. “S-sex.” Mahinang tawag ko sa kanya. Bored naman siyang napatingin sa akin. “What are you doing he

