EnjoyReading:) Shaira's POV "Ang ganda ganda pala talaga ng ex mo, Rhym." Sabi ko sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa waiting area dito sa mall. Ito ba 'yung nakita kong magandang babae sa larawan noon sa condo ni Rhym? Kanina kasi nung nasa bookstore kami, natulala siya kay Yxia hanggang sa mawala ito sa paningin namin kung hindi ko pa siya hihilain palabas tulala pa din siya. Mahal pa kaya niya si Yxia? Bakit sumakit 'yung puso ko pag iisipin 'yun. "Huh?" Sabi niya, hindi ata nakikinig sa akin. Napairap naman ako. "Sabi ko, mahal mo pa 'yung ex mo." Sabi ko at tumayo para umalis. Nagugutom ako at masakit ang puso ko. Alam kong pagkain lang ang makakapagpagaan ng loob ko. "Babe, wait!" Sigaw niya at tumabi sa akin. Naglalakad ako papuntang food court. "Hanapin mo na si Yxia. Ba

