EnjoyReading:) Shaira's POV "Are you ready, babe?" Tanong ni Rhym. Kalalabas lang namin mula sa dorm ko. Sabay daw kaming manonood ng mga laban. Um-oo naman ako dahil gusto ko din naman siyang sumama. Naglalakad kami papuntang canteen kasi nga magaagahan muna daw kami kasi nga gutom siya. "What do you want for our breakfast?" Tanong niya sa akin. Kahit ano naman ayos lang sa akin. "Bahala kana babe." Malambing na sabi ko at naghanap nalang ng mauupuan namin, siya naman ay bumili na. Nakakita ako ng pangdalawahang upuan sa gilid. Katabi ang malaking salamin. Dun nalang ako umupo dahil ang ganda ng view sa labas. Mga ilang minuto lang ako naghintay ay dumating na si Rhym na may dalang mga tray na nandon 'yung kakainin namin. Wala din naman kasing masyadong tao dito sa canteen.

