Chendrix's POV
Kung iisa-isahin ko ang mga ginawa ni Zach nitong mga araw na ito baka maubos yung buong notebook ko. Para na silang teleserye ni Madelight pero yung tipo na ang pangit ng plot at puro away lang. Nakakapagod panoorin. Parang mga batang naglalaro ng habulan na hindi matapos-tapos.
At sa totoo lang naiinis na ako.
Hindi dahil kina Madelight o sa nangyayari. Naiinis ako kay Zach.
Siya ang mas dapat may alam kung kailan titigil.
Nasa dorm ako habang nakahiga sa kama. May hawak na librong sinusubukan kong basahin for the third time this morning but no use. Kasi yung ingay ni Danrel at Brixzain tungkol sa video ni Zach nung isang araw ay paulit-ulit lang.
"Bro, grabe yung suntok ni, Madelight! Idol ko na siya!" Tawa ni Danrel.
"Sana ako rin masuntok ng ganon para sumikat." Hirit pa ni Brixzain.
Ako naman ay tahimik lang.
Nagbabasa kunwari pero hindi pumapasok yung laman ng libro sa utak ko.
Si Zach naman ay nakahilata pa. Halatang masama ang loob pero hindi nagpapatalo.
"Umayos ka kasi." Sabi ko sa kanya kanina. "Hindi ka ba napapagod kakaisip ng pang-aapi sa kanya?" Binato ko siya ng unan.
Pero umirap lang siya. Of course.
Kaya nung nagpasya akong kumain sa labas. Hindi ko na sila isinama.
Ayoko muna sa kanila. Ayoko sa ingay.
Ayoko sa drama.
Gusto ko ng kahit isang oras na normal.
At sakto may naalala akong lugar na hindi ko pa nasusubukan.
Foodpanda Restaurant.
"Subukan ko nga." Bulong ko sa sarili ko paglabas ng dorm.
Hindi dahil gusto kong makita si Madelight. Okay, maybe partly. Pero mostly dahil gutom ako. At curious ako kung bakit halos lahat ng students at bumibili doon.
Pagdating ko sa lugar na iyon. Amoy fried chicken at beef ramen ang unang lumabas sa pinto. May line sa counter, may mga estudyanteng kumakain, may riders na papasok at labas. Pero sa dulo, sa mismong counter ng orders, nakita ko si Madelight.
Nakatalikod. Nag-aabot ng tray.
May suot na hairnet at apron.
Mukhang pagod pero focused lang siya.
Hindi ko alam pero bigla akong napaisip. Ito pala yung mga ginagawa niya habang inaapi siya ni Zach.
At bigla akong nahiya. Dahil kasali ako sa HIT4. Kasama ako sa grupong iyon. Kasama ako sa mga taong nakikita ng iba bilang masama.
Huminga ako ng malalim at pumila.
Nung turn ko na ay sumunod yung tingin ni Madelight sa akin.
Nagulat siya. Literal na nagulat.
"Chendrix?" Parang hindi siya sure kung ako nga.
Umayos ako ng tayo. "Hi."
Tumaas ang kilay niya pero hindi galit. More like confused lang. "Anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa ba? Baka mag-drawing lang ako sa gilid?" Biro ko. "Kakain. Gutom ako e." Hinawakan at hinaplos ko yung tiyan ko.
Hindi niya napigilang mapangiti.
Hindi ko alam kung bakit pero gumaan yung loob ko doon.
"A, Anong order mo?" Tanong niya. Shifting to work mode.
"Kung ano yung best seller dito." Tumingin ako sa food brochure nila sa itaas ng counter.
Napatingin naman siya saglit sa menu board. "Uhm, ramen or chicken bowl."
"Ramen." Itinuro ko iyon sa menu board.
Sinulat niya yung order ko at kinuha ang bayad ko. Tapos nagbigay ng resibo. Pero bago pa ako umalis.
"Chendrix." Tawag niya.
"Hmm?" Nilingonan ko siya ng marahan.
"Bakit ka talaga nandito?" May halong pagdududa. May halong kaba.
At may halong curiosity.
I sighed. "Kakain talaga ako. Pero gusto rin kitang makausap."
Tumigil siya. Parang nag-process pa yung utak niya.
"Kausap? Bakit?" Kunot-noo niyang tingin sa akin.
"I just wanna clear things out." Lumapit ako sa kaniya.
Nag-isip siya sandali bago tumango. "Okay. Break ko in ten minutes."
Umupo ako sa table sa sulok. Tahimik lang ako. Tahimik din yung paligid ko except for the usual kalansing ng kubyertos at tawag ng mga staff.
After a few minutes. Dumating si Madelight dala ang ramen ko.
"Tara." Sabi niya sabay upo sa harap ko.
Napansin ko agad. Iba aura niya kapag hindi inaaway ni Zach. Mas magaan. Mas totoo. At mas tao.
"So?" Tanong niya habang iniinuman yung water bottle niya. "Ano na?" Nagpunas siya ng kamay sa apron niya.
"Gusto kong malaman." Sabi ko. "Ano ba talaga yung tingin mo kay, Zach?" Panimula ko.
Napangusot yung mukha niya. "Ay sus. Huwag mo kong tanungin tungkol sa mokong na yun."
Napatawa ako. "Mokong talaga?"
"Mali ba?" Sabay bagsak niya ng ulo sa mesa. Parang napagod bigla. "Bakit ba kasi lagi niya akong ginaganon?" Marahan niyang inangat yung ulo niya pataas.
"Well." Sagot ko sabay sip ng ramen. "Kasi may topak siya." Tumawa ako.
Nagulat siya sa sagot ko. Tapos bigla rin siyang natawa. Yung tawa na hindi pilit. Yung medyo malakas.
Yung nakakahawa.
"Alam mo." Sabi niya. "Ngayon ko lang ata narinig na may umaamin na may topak si, Zach." Tinuro-turo pa niya ako habang tumatawa siya.
"Honesty is character." Sagot ko sabay turo rin sa sarili ko.
Tumawa siya ulit. At doon ko na notice na. Hindi siya mabigat kasama.
Hindi siya suplada. At hindi siya pabigat.
Mas simple siya kaysa sa tingin ni Zach.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpa-serious tone siya.
"Chendrix." Sabi niya. Tumingin sa akin ng diretso. "Bakit mo ako gustong kausapin?" Kumamot siya sa ulo habang suot-suot niya yung hairnet.
Huminga ako nang malalim. "Gusto kong maintindihan ka."
"Bakit?" Kunot-noo niyang tanong.
"Kasi hindi ka naman masamang tao."
Inangat ko yung kilay ko. "Hindi ka deserving sa treatment ni, Zach, o ng kahit sino sa HIT4." Pagkumbaba kong tinig.
Tahimik siya. Yung tipong hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa.
"Pero part ka ng HIT4." Mabagal niyang sabi.
"Alam ko." Napatingin ako sa mesa. "At siguro yun yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Kasi ayoko na yung nangyayari. Ayoko na yung ginagawa niya." Paliwanag ko habang bumubuntong hininga.
"E bakit hindi mo siya pigilan?" This time may tampo sa boses niya.
Hindi ako agad nakasagot.
"Chendrix, hindi ako tanga." Dagdag niya. "Kita ko naman na ikaw yung pinaka-mabait sa inyo. Pero hindi ko gets kung bakit hinahayaan mo si, Zach." Humalukipkip siya.
Pinikit ko saglit yung mga mata ko.
Kasi totoo yun. Iyan yung pinakaayaw kong tanong.
"Hindi madali yung pigilan si, Zach." Sagot ko. "Pero hindi ibig sabihin nun na tama ang ginagawa niya." Uminom ako ng sabaw ng ramen.
Tahimik siya. Pero iba yung tingin niya ngayon. Parang mas klaro.
Parang mas nauunawaan niya ako.
"Tingin ko." Dagdag ko pa. "Mas mabuti kung hindi kayo mag-away. Pero ano bang magagawa ko kung pareho kayong may pride?" Nag-facepalm ako.
"Hoy." Reklamo niya. "Hindi ako yung nagsimula nito." Galit yung tono ng pananalita niya.
"Totoo." Sagot ko. "Pero marunong ka rin gumanti." Inilapag ko yung dalawa kong siko sa lamesa at kinausap siya ng masinsinan.
Natawa siya. "Well, oo."
Hindi ko alam kung paano sasabihin pero gusto ko siyang maintindihan.
Gusto kong maakit ang tiwala niya.
Kahit hindi kami friends. Kahit hindi pa ngayon.
"Kahit hindi tayo magkaibigan." Sabi niya. "Okay lang akong makausap ka. Ang gaan ng vibes mo." Pinagpag niya yung lamesa ng konti lang.
Napatingin ako sa kanya. "Magaan?"
"Oo. Hindi ka toxic." Sagot niya sabay ngiti.
At para sa unang beses. Naramdaman kong may isang tao na hindi ako kinilala bilang part ng HIT4 kundi bilang ako. Si Chendrix.
Pag-uwi ko sa dorm mamaya ay siguradong magtatanong yung tatlo.
Pero sa ngayon gusto ko munang sulitin yung moment na ito.
Kasi minsan lang may taong tumingin sa akin nang hindi ako ikinukumpara sa kanila.
At yun ay si Madelight.