Chapter 24

1329 Words
Madelight's POV Ang guwapo talaga ni Chendrix. Honestly hindi ako maka-move on sa nangyari kahapon sa Foodpanda Restaurant kung saan ako nagta-trabaho. Hindi ko akalain na may pagkakataon pala na papasok siya doon, uupo sa isa sa mga mesa, tapos OMG makikita ko pa siyang ngumiti nang ganon kaguwapo habang uma-order ng pagkain. Hanggang ngayon hindi ko ma-process. Sino ba namang hindi magkakagusto sa ganon? At isa pa ang galang niya sa mga babae. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na parang wala lang manners kapag may in-approach na staff. Siya, grabe, parang may sariling aura ng pagiging gentleman. Parang may mahika. Pero ewan ko rin kung bakit nakasali iyon sa grupong HIT4. Ang gugulo ng mga iyon. Puro pasikat at puro katarayan. Tapos may isang Chendrix sa loob ng barkada nila na parang iba naman ang wavelength sa tatlo. Hindi ko alam kung bakit. Kinabukasan. Pagpasok ko sa school. Hindi ko maiwasang kabahan. Ewan ko ba. Para akong may mini heart attack sa bawat hakbang ko habang papunta sa room namin. Hindi ko alam kung dahil ba posibleng makita ko siya o dahil gusto lang talaga ng puso kong ma-stress. Pagbukas ko ng pinto ng classroom. Ayun siya. Nakaupo sa usual na upuan niya. Near the window kung saan tumatama ang araw sa mukha niya. Parang may natural filter na nagbibigay emphasis sa sharp na jawline niya. Ang unfair. Bakit may mga taong iyon ang default setting? Tahimik lang siya. Hindi gaya ng ibang lalaki na maingay agad kahit hindi pa nagsisimula ang klase. Si Chendrix ay tahimik na nagbabasa ng libro. At hindi lang basta libro ha. Yung tipo ng book na pang-matalino. Yung tipong bubuksan mo tapos immediately wala ka nang naiintindihan. Habang tinitingnan ko siya. Parang may kumikislap-kislap sa buong paligid niya. Para siyang main character ng anime na may dramatic sparkles sa background. Sobrang guwapo niya. Parang artista. Actually mas guwapo pa nga siya sa ilang artista. At aminin ko kahit na nakakainis dahil hindi ko naman siya crush. Kunwari na lang iyon. Kasi hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko. Napapanganga talaga ako. "Uy, Madelight." Bulong ng seatmate kong si Yan. "Bumalik ka dito sa Earth. Kanina ka pa nakatitig." Biro niya. Muntik na akong mapalunok ng laway ko. "Ha? Hindi a! Tiningnan ko lang yung… yung… ano… yung---" Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumingin sa akin. "Tiningnan mo lang? Dude, halos tumagos yung mga mata mo sa likod ng ulo niya." Tumawa siya ng maliit lang. "Grabe ka. Hindi naman." Pinalo ko yung balikat niya. Pero oo. Oo talaga. Kahit hindi ko aminin. Dumating na ang prof namin kaya huminto na ang usapan. Pero buong oras ng klase ay hindi ako maka-focus. I swear. Every time na napapatingin ako sa side niya ay napapa. "Ano ba ito." Ako. Puso ko? Mag-behave ka naman. Finally natapos ang klase namin. Hindi ko alam kung dapat ba akong gumaan ang pakiramdam o hindi. Kasi that part of me na gusto na lumayo para hindi ako ma-awkward pa lalo. Pero another part of me na parang gusto ko pang tumingin. Nakaka-asar. "Pupunta ako ng library." Sabi ko kay Yan. "Ay, hindi ka uuwi agad?" Akmang tanong niya. "Hindi. May gagawin pa ako." Umiling ako. At kahit ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero for some reason dinala talaga ng mga paa ko ang sarili ko doon. Pagpasok ko ng library. Sumalubong agad ang malamig na hangin mula sa aircon. Tahimik at peaceful. Isa ito sa mga lugar na kaya kong mag-pretend na productive ako kahit hindi naman talaga. Naglakad ako papunta sa section na madalas kong puntahan. Pero bago pa man ako makarating doon ay napahinto ako. Nandoon siya. Si Chendrix. Naupo siya sa isa sa mga mesa sa may bandang gilid. Nakayuko at nagbabasa pa rin. Nakasuot na naman siya ng earphones. Parang bida sa sariling Korean drama. At parang hindi niya alam na tinitingnan siya ng halos tatlong babaeng dumaan sa tapat niya. Ang talino naman niya. Bihira ka lang makakita ng lalaking ganito. Yung nag-aaral ng matino. Yung may sariling oras para umupo at magbasa nang hindi dahil napipilitan kundi dahil gusto niya talaga. Ibang level siya a. At with that dumagdag pa sa pogi points niya. Parang sinabuyan ng fairy dust. "Madel!" Bulong ko sa sarili ko. "Umayos ka." Kinurot ko yung pisngi ko. Nagkunwari akong maghahanap ng libro sa shelf malapit sa kanya. Para hindi halata. Kunwari focused ako. Kunwari hindi ako stalker. Kunwari hindi ako nare-retrieve ng radar ng mga librarian dahil ang ingay ng t***k ng puso ko. Pero habang umaabot ako ng libro. Hindi ko namalayang nakatingin pala siya. As in dere-derecho. Ang tahimik niya pero yung tingin niya parang straight to my soul. Nanigas ako. Literal na nanigas. Parang gusto kong sumigaw ng wala sa oras. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ilalapag ko ba yung librong kinuha ko? Itatago ko ba sa mukha ko? O tatalon ba ako sa bintana? "Hi!" He said. Hi. Hi? Hi?!?! Bakit siya nag-hi?! "Uh, H-hi, rin." Sagot ko halos pabulong kasi hindi ko mahanap ang boses ko. Ngumiti siya. Yung tipong hindi sobrang laki pero sapat na para magbago yung buong atmosphere sa paligid. "You're from my class, right?" Tanong niya. Parang hindi kami nagkita sa Foodpanda Restaurant a. "Uh, oo." Sagot ko. "Seat, uh, seat two rows behind you." Patuloy ko. Bakit ko pa dinetalye? Bakit ko pa sinabi? Ano ba. "A." Tumango siya. "Akala ko nakita na kita somewhere." Ngumisi siya. Kita mo? Parang hindi niya ako kilala. Si Chendrix ba talaga ito? Somewhere. Sa Foodpanda Restaurant Chendrix. Doon mo ako nakita habang halos nabulol ako sa pag-take ng order mo kasi masyado kang nakaka-distract. Pero hindi ko puwedeng sabihin iyon. Hindi ko kayang aminin na na-starstruck ako sa presence mo. "A, baka sa hallway." Palusot ko. Sana man lang believable. Ang mysterious niya! "Maybe." Sagot niya. Pero parang hindi siya kumbinsido. Parang alam niyang may tinatago ako. Pero hindi naman niya pinilit. Naglakad na ako papalayo pero bago pa ako makalayo ng tuluyan. Narinig ko siyang muling nagsalita. "Uh, Madelight, right?" Tumindig siya mula sa pagkakaupo. May topak ata siya. Panong bigla na lang niya akong nakalimutan? Napahinto ako. Paano niya alam yung pangalan ko? Hindi joke lang. Pati ako nalilito na rin. Lumingon ako. "Ha? Paano mo nalaman?" Ngumiti siya ulit. Yung tipong nakakawala ng logic ko. "Roll call. I remember." Roll call. Sinong nagle-level ng memory ng ganon?! "A, okay." Sagot ko pero halatang nagpa-panic ako. "I-I'll go na." Tumalikod na ako at naglakad paalis. Tumango siya. "Sure. Ingat." Ingat. Ingat? Sinabihan niya akong ingat? Habang naglalakad ako papunta sa kabilang mesa ay napaatras ako at muntik pang matalisod dahil sa isang upuang nakausli nang konti. Muntik. As in muntik na talaga. Buti na lang mabilis ang reflex niya. Bigla siyang tumayo at hinawakan ang braso ko para hindi ako tuluyang bumagsak. "Careful." Sabi niya halos nakahawak pa rin sa akin. OMG! Sinusundan ba niya ako? Ramdam ko yung init ng kamay niya sa balat ko. Ramdam ko yung t***k ng puso ko na parang gusto nang kumawala. Parang gusto kong sumigaw sa kaba at kilig. "Th-Thank you." Bulong ko. "No problem." Sagot niya ulit pero may konting tawa sa boses niya. Tawang alam mong nakita niyang sobrang awkward ko. At iyon na nga. Doon na natapos ang moment namin kasi umalis na ako bago ko pa magawa ang kahit anong mas nakakahiya. Pagkaupo ko sa isang mesa malayo sa kanya ay hindi ko mapigilang ilagay ang dalawang palad ko sa mukha ko. "Nakakahiya naman iyon." Bulong ko nang hindi ko namamalayan na medyo malakas. Napatingin sa akin ang dalawang estudyanteng nasa tapat ko. Sorry na po. Pero kahit ganon ay hindi ko maalis ang ngiti ko. Kasi kahit napahiya ako at kahit hindi ako handa. Hindi ko makalimutan ang titig, ngiti, at boses ni Chendrix. At lalo pa siyang gumuguwapo ngayon. Which is totally unfair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD