Chapter 25

1089 Words
Zach's POV Umaga na naman. Isa na namang araw ng pagpasok. Pagod at pangungulit sa sarili ko kung bakit ba ang komplikado ng mga tao sa paligid ko. Pero sige, laban lang. Maaga akong nagising ngayon. Mas maaga pa kaysa sa usual. Siguro dahil hindi maganda ang tulog ko kagabi. Parang ang daming tumatakbo sa utak ko. Mostly tungkol kay Chendrix at sa kung ano mang kinuwento niya kahapon. Pero ayokong umamin na bothered ako. Hindi ako ganon. Pagkagising ko ay diretso ako sa kusina. Kumain muna ako ng breakfast. Simpleng hotdog, egg, at kanin. Hindi ko alam kung gutom lang ako o stress. Pero napadami ata yung kain ko. Pagkatapos ay naligo na ako. Ayoko namang pumasok sa school na parang bagong gising pa rin. Gusto ko fresh. Gusto ko yung presentable. Kahit pa hindi ko aminin ay gusto ko palaging maayos ang tingin ng mga tao sa akin. Pagkatapos kong maligo ay nagtuyo ako ng buhok, nagbihis, at nagsuot ng shoes. Habang nag-aayos ako ng bag. Napatingin si Chendrix sa akin. Gising na rin siya hawak hawak yung libro niyang lagi niyang binabasa. "Bro." Tawag ko. Kunwari chill lang. "Tanong ko lang. Saan ka nga pala pumunta nung isang araw? Yung sabi mong kumain ka sa labas?" Curious kong tanong. Tumingin siya sandali. "Sa Foodpanda Restaurant lang naman." Napatigil ako. Foodpanda Restaurant? That place? "Sino ang kasama mo?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit parang nabubuo sa tono ko yung inis kahit hindi ko naman intensyon. "Wala. Ako lang." Sagot niya. Simple pero siguradong totoo. Ganiyan kasi siya lagi. Hindi nagsisinungaling. Pero hindi pa doon natapos. Patuloy pa siyang nagsalita. Parang wala lang sa kaniya. "May nakausap akong staff. Si, Madelight." Tumayo siya. Parang may kumalabit sa dibdib ko. Si Madelight? Napalingon ako bigla sa kaniya. "Ha? Bakit ka naman nakipagusap doon kay, Madelight? Friends ba kayo?" Hindi ko alam kung bakit lumabas iyon. Hindi ko alam kung bakit masyado kong na-highlight yung pangalang iyon. Pero nung narinig kong sinabi niya si Madelight. Parang biglang nag-init ang mga tainga ko. Parang may kumurot sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko naman siya ka-close. Hindi rin kami magkaaway. Pero bakit ako affected? Si Chendrix hindi naman nag-react. Calm lang. As usual. Walang bahid ng inis o pagtataka sa boses niya kahit halata lahat ng sinabi niya. "Hindi kami friends." Sagot niya. Steady lang. "Nagkausap lang dahil dumaan ako sa restaurant." Nag-stretch siya ng katawan niya. "Okay." Sabi ko pero halatang hindi ako satisfied. Hindi rin ako convinced. Pero hindi ko alam kung bakit ako nagre-react. Hindi ko naman girlfriend si Madelight. Hindi ko rin crush. Hindi ko rin siya kaibigan. Parang wala naman dapat akong pakialam. Pero bakit parang meron? Bwisit. Tahimik lang si Chendrix. Hindi ko alam kung napansin niyang nag-iinit ang ulo ko. Pero knowing him siguradong alam niya. Hindi lang niya ipinapakita. Ganyan siya mahinahon lang. Kahit galit pa ako kaya niyang mag-stay calm. Minsan nakakainis rin siya. Naglakad na kami palabas ng dorm. Hindi ko siya kinakausap. Siya rin hindi nagsasalita. Pero hindi awkward. Sanay na kami sa ganitong vibe. Pagdating namin sa school. May mga estudyante nang naglalakad sa hallway. Yung iba chill lang, yung iba nagmamadali, at yung iba nakatunganga pa. Typical morning scene sa campus. Pagbukas ko ng classroom door. Doon ko agad siya nakita. Si Madelight. Naupo na siya sa upuan niya. Tahimik lang. Parang walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Gaya ng usual niya na hindi namamansin. Parang may sariling mundo. At hindi ko alam kung bakit biglang sumikip yung dibdib ko. Parang may naramdaman ako pero hindi ko alam kung ano. Hindi ko rin alam bakit ko siya hinanap agad ng mga mata ko pagpasok ko. Hindi niya ako tiningnan. Ni hindi siya lumingon. Walang kahit anong acknowledgement. Para akong invisible. Ewan ko ba kung bakit ako na-offend. Wala naman kaming connection. Hinayaan ko na lang siya. Kunwari cool lang ako. Umupo ako sa upuan ko gaya ng normal. "Uy, Zach." Tawag ni Fujikira sa tabi ko. Ay heto na naman. Si Fujikira. Lagi itong may napapansin. "Tungkol sa inyo." Sabi niya bigla. Agad akong napalingon. "Sa amin? Sa amin ni sino?" Ngumisi siya. "Ni, Madelight." "Ano bang sinasabi mo?" Sagot ko agad. Halos defensive. Ang bilis. Parang may tumulak sa akin para sumagot nang ganon. "Ayun o." Sabay turo niya nang maliit pero halata. "Gumising ka, dude. Hindi mo ba napapansin? Lagi mong tinitingnan si, Madelight. Kanina pa." Umiling siya. Nag-init ang tainga ko. Literal. "Hindi ko siya tinitingnan." Sagot ko pero alam kong hindi convincing. Kahit ako ay hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Oo nga." Pang-aasar ni Fujikira. "Hindi ka titingin kasi gusto mo. Tingin ka ng tingin kasi curious ka. Gusto mo malaman kung anong meron sa kaniya. Bakit ganon siya. At---" Hindi ko pinakinggan yung susunod niyang sasabihin. "Tama na." Putol ko sa kanya. Natawa siya. "E hindi naman ako nagsasabi ng masama a. Pero halata. Kahit si, Chendrix, alam ko na nararamdaman niya." Napatingin ulit ako kay Fujikira. "Ano? Anong sinasabi mo?" "Wala." Sagot niya pero may knowing smile pa rin. "Pero kanina nung tinanong mo si, Chendrix, tungkol kay, Madelight. Iba yung reaksyon mo. Parang galit. Bakit?" Pang-iinsulto niyang mga tingin. Hindi ako sumagot. Kasi hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako na badtrip nung nabanggit niya si Madelight. Hindi ko alam bakit biglang nag-snap yung mood ko. Hindi ko alam kung bakit parang ayoko siyang kinakausap ni Chendrix. O ng kahit sino. Ewan. Nakakainis. "Wala akong pakialam." Sabi ko sa huli. "Hindi naman kami close. Hindi rin kami magkakilala." Bumuntong hininga ako. Ngumisi lang si Fujikira. Tingin pa lang niya alam kong hindi siya naniniwala. Pero hindi na siya nagtanong ulit. Tumahimik na siya pero hindi ako mapakali. Hindi ko mapigilang sumulyap kay Madelight. She was staring at her notebook writing something. Tahimik. Parang walang ibang tao sa paligid. Parang hindi affected sa kahit ano. At doon ako naiinis. Kasi bakit ako affected tapos siya hindi? Nakaka-insulto! Hanggang sa dumating ang prof namin para magsimula ang klase. Lahat kami natahimik. Pero ako? Wala ako sa mood. Wala ako sa focus. Hindi ko alam kung dahil kay Chendrix, kay Fujikira, o kay... Yes. Kay Madelight. Kahit umiiwas siya, kahit hindi siya tumitingin, at kahit wala siyang ginagawa. Ang lakas ng presence niya. At mas lalo ko tuloy gustong malaman. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko alam. Pero isang bagay ang natuklasan ko. Ayokong mauna siyang mapalapit sa iba. At hindi ko alam kung bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD