Fujikira's POV
Nandito ako ngayon sa Diamond Mall. Isa sa pinakamalaking malls sa buong siyudad. At isa rin sa mga pag-aari ng pamilya namin. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing bad mood ako ay dito ako napapapunta. Parang automatic. Maybe because it reminds me na iba ako, na may status ako, at hindi ako basta-basta.
At ngayong araw ay sobrang inis na inis ako.
Pagpasok ko sa mall. Lahat ng tao ay respectful, nagbabati, at bow-bow pa sila dahil kilala nila ako. Syempre anak ako ng may-ari. Pero hindi ko sila pinansin masyado. I was walking straight toward the Female Fashion Section kung saan puro branded at high-end clothing ang mabibili.
Pagdating ko doon. Nakita ko agad si mommy Atashia. Nakasuot siya ng elegant blouse na kulay cream, may pearl earrings, at hawak-hawak yung isang luxury dress na parang sinusuri niya kung worth ba i-display. Just a literally my Mommy. A perfectionist sa lahat.
"Mommy." Tawag ko habang lumalapit.
Napalingon siya. Ngumiti nang konti. Yung tipong smile na reserved lang para sa mga taong close niya. "O, anak. Nandito ka na pala. Maaga ka yata. May kailangan ka?"
Huminga ako nang malalim. "Mommy, may ikukwento ako."
Tumingin siya sa akin nang seryoso. Alam niya kapag may pinagdadaanan ako. Nilapag niya yung dress na hawak niya at hinarap ako nang buo.
"Ano iyon?" Tanong niya. Elegant pa rin ang tono.
Nag-ikot ako ng mga mata at nagpakawala ng buntong-hininga. "Mommy, may ka-klase akong babae na sobrang inis na inis talaga ako. As in sobrang nakakairita siya. Ang pangalan niya ay, Madelight."
Nakita ko agad ang pagbabago ng expression ni Mommy. Yung dating calm and composed ay biglang naging sharp at judgemental.
"Madelight?" Ulit niya na parang naaamoy na niya agad ang problema. "Ano'ng klaseng babae iyan?"
"Yung tipo ng babaeng hindi ko talaga bet, Mommy." Sagot ko agad. "Yung pakialamera. Yung feeling close kay, Zach. Yung akala mo belong siya sa mga mayayaman kahit delivery girl rider lang siya sa Foodpanda Restaurant." Humalukipkip ako ng mga braso saka bumuntong hininga.
Nang marinig ni Mommy yung delivery girl rider ay halos automatic ang reaction. Nakita ko sa buong mukha niya yung disgust.
"A, isa palang low-class." Sabi niya na medyo may gigil pa sa tono. "Anak, hindi dapat ipinapapasok sa buhay natin ang mga ganoong babae. Kung hindi sila maninira, manghihila lang sila pababa. Baka hingan ka pa ng pera balang araw." Busy siya sa pag-aayos ng mga damit.
Napatingin ako sa kaniya. And I felt validated. "Tama ka, Mommy. Exactly! Iyon ang sinasabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang kapal ng mukha ng babaeng iyon. Feeling niya kung sino. Hinaharap niya pa ako. Walang takot!"
"Of course." Sagot ni Mommy habang tumatawa ng kaunti pero yung laugh na cold at condescending. "Mga babaeng ganon, anak, mahilig manggamit. Kapag nalaman niyang mayaman ka, didikit iyan sa'yo. Baka isipin niya pwede siyang makisingit sa circle ninyo." Inilalagay ni Mommy yung mga damit sa hanger.
Nag-crossed arms ako. "Ayun na nga, Mommy! Hindi ko talaga siya gusto. At bakit pa siya lumalapit kay, Zach? Hindi naman sila bagay. Hindi talaga."
"Zach." Ulit ni Mommy na parang iniisip pa niya. "Hindi ba siya yung anak ng may-ari ng school ninyo? Yung, HIT4, boy na sinasabi mo lagi?" Patuloy pa rin sa pag-hanger si Mommy sa mga damit.
Tumango ako. "Yes, Mommy, that's him."
"Hmp." Sabi niya habang inaayos ang hair niya. "Hindi talaga papasa sa isang tulad ni, Zach, ang babaeng katulad ng, Madelight, na iyon. Impossible. Ibang level ang pamilya nila. At ikaw, anak, mas mataas ka pa nga e." Humarap siya sa malaking salamin.
Napangiti ako ng konti. "Alam ko naman po iyon. Pero nakakainis lang kasi parang napapansin siya ni, Zach. Tapos sinusuntok-suntok pa niya?"
Nanlaki yung mga mata ni Mommy. "Ano?! Sinaktan niya si, Zach?"
"Yes." Sagot ko agad. "As in sinuntok talaga niya. Sa hallway. Sa harap ng maraming tao. Wala siyang takot." Tumayo ako mula sa pagkakaupo.
Halos malaglag yung hawak na bag ni Mommy. "Ay hindi pwede iyon, anak! Isang walang modo ang gumawa nun. Hindi nararapat na bigiyan ng pansin ng kahit sinong matinong lalaki ang babaeng iyon."
"Exactly!" Sagot ko. Satisfied na nag-a-agree si Mommy. "Pero ewan ko ba, Mommy. Parang pinaglalaruan ni, Zach, yung babaeng iyon. Pero bakit pa niya pinapansin? Nakakainis!" Umupo ako at sumimangot.
Inaayos ni Mommy ang bracelet niya bago nagsalita ulit.
"Anak, lalaki si, Zach. Minsan napapansin nila yung mga babaeng kakaiba. Hindi dahil gusto nila pero dahil curious sila sa asal. Pero hindi ibig sabihin na papatulan niya iyon. Zach, belongs to your class. Hindi doon sa... Ano nga ulit yung trabaho nung babae? Delivery girl rider?" Hinarap niya ako.
"Yes." Sagot ko. "Delivery girl rider sa Foodpanda Restaurant." Patuloy ko.
Umirap si Mommy. "See? Hindi talaga bagay. Huwag mong intindihin. Hindi papatol sa ganiyan si, Zach. At kung papatol man siya---" Huminto siya at nagbago bigla ang tono. Mas matalim. "---I will make sure hindi iyon magtatagal." Patuloy niya.
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. "Mommy, what do you mean?"
Nothing. She smiled sweetly pero alam kong may laman ang ngiting iyon. "Nothing, anak. I'm just saying. Sometimes people need reminders about where they belong."
Naglakad siya papunta sa rack ng mga bagong damit. Sinundan ko siya habang kinukuha niya yung isang limited edition coat.
"Come here." Sabi niya. "I want you to try this." Ibinigay niya sa akin ito.
Kinuha ko yung coat at tumingin sa salamin. "Ang mahal nito, Mommy."
"I know." Sagot niya. "Pero bagay sa'yo. And, anak---" Putol niya sa sasabihin niya.
Tumingin siya sa akin sa salamin. Diretso sa mga mata ko.
"People like, Madelight? Hindi sila part ng mundo mo. Don't let her get to you. Babae lang iyon. At hindi siya threat." Umupo si Mommy na nakahalukipkip.
Napatango ako. Pero kahit ganon hindi ko ma-deny na parang may lamang si Madelight sa akin.
May something sa loob ko na naiinis pa rin. Parang nakakabastos na may babaeng katulad ni Madelight na kahit delivery girl rider lang. Ang tapang niyang kumalaban sa HIT4. Hindi siya natatakot sa HIT4. At sa akin. Hindi siya natatakot kay Zach. Hindi siya natatakot kahit kanino.
At lalo lang akong naiinis doon.
Kasi bakit? Ano bang meron siya?
Bakit siya hindi natatakot?
And why does she keep getting everyone's attention?
Lalo na si Zach.
I clenched my jaw habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.
Hindi ko hahayaang mangyari iyon.
Hindi kailanman.