Chapter 27

1240 Words
Zach's POV Basketball League namin ngayon. At syempre ako ang Team Captain ng Elite International University. Hindi sa pagmamayabang pero expected na iyon. Mula high school pa lang ako na ang bumubuhat sa bawat team na sinalihan ko. Natural lang. Kasama iyon sa pagiging Watson ko. Pagkagising ko kaninang umaga. Ramdam ko agad ang adrenalin. Iba talaga ang pakiramdam kapag game day. Para bang may apoy sa katawan ko na gustong kumawala. Paglabas ko ng dorm ay sumabay na agad sa akin sina Danrel Del Mundo, Brixzain Fuentes Maximo, at syempre si Chendrix Agapito Marasigan. Na parang wala lang. Parang hindi man lang kinakabahan. Hawak pa rin yung libro niya habang naglalakad. Pati si Yan Eusebio Bossam na kaibigan ni Madelight. Oo narito siya kasama namin sa team. Ayaw ko man aminin pero solid yung laro ni Yan. Kahit best friend siya ng babaeng iyon. Hindi ko maikakaila na magaling siya sa court. Mabilis, mahusay pumasa, at may utak maglaro. Kaya naman kinuha ko siya sa team namin kahit medyo bad trip ako lagi sa presensya niya. Hindi lang ako nagpapahalata. Ang iba pa naming teammates ay mga taga-Elite International University rin pero hindi naman kilala. Hindi sila sikat, hindi sila gaya naming apat. Ang HIT4. Pero players pa rin. So respetado pa rin sa court. Habang nasa van kami papunta sa venue. Ramdam ko yung kaba at excitement ng lahat. Pero ako? Kalma lang. Ako si Zach Clifford Watson. Hindi ako kinakabahan. Hindi ako natitinag. Pero si Yan. Ayun tahimik pero nakatitig sa labas ng bintana. Minsan tinatamaan ko siya ng tingin para i-assess. Hindi ko alam pero may kung anong weird kapag naaalala ko si Madelight. Hindi ko rin alam kung ano pero nakakainis. "Ready ka na?" Tanong ni Danrel habang nag-aayos ng shoelaces niya. "Always." Sagot ko. "Putik, sana hindi ka mawalan ng composure kapag nakita mo yung best friend ng mortal enemy mo." Pang-aasar ni Brixzain. Pinagtripan ko siya ng slight shove. "Tarantado ka talaga." Umiling lang si Chendrix. Hindi man lang lumingon mula sa hawak niyang libro. "Focus sa laro. Hindi sa kung anong drama ni, Zach." "Tss. Akala mo kung sinong coach." Sagot ko pero deep inside alam kong tama siya. Pagdating sa venue. Dahil ang kalaban namin ay Star High University. Sa kanila ginanap ang laro today. Grabe, ang lawak ng gym nila. Puno ng ilaw, banners, fans, at cheerleaders. Maingay. Competitive. At ramdam mo agad na hindi sila basta-bastang school. Magaganda ang facilities nila. Hindi kasing ganda ng amin pero pwede na. At ang daming tao. Mga students nila na naka-blue shirts, sumisigaw, nagche-cheer, at nagpi-picture sa amin habang papasok kami. Syempre kilala ang HIT4 kahit sa ibang school. Sanay na ako sa tingin ng mga tao, yung iba may admiration, yung iba may halong yabang, at yung iba naman parang nag-aabang ng pagkatalo namin. Pero never kaming nagpapatalo. Huminga ako ng malalim. Inayos ang headband ko at naglakad papuntang bench. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na sinusundan kami ng tingin ng kung sino-sino. At minsan hindi ko alam kung naaalala ko ba si Madelight dahil sa inis o dahil sa ibang dahilan. Pero tinaboy ko agad ang idea. Hindi iyon ang oras para doon. Tip-off. Start ng first quarter. At doon nagsimula ang apoy. Mabilis ang Star High University. Magaling ang point guard nila. Mabilis pumasa at magaling mang-disrupt ng play. Pero hindi nila kaya ang bilis ko. Pagkapasa sa akin ni Yan. Agad akong dumiretso sa ring to dodge sa dalawang defender and jump shot. Swish. Unang puntos namin. Lumakas ang cheer ng crowd namin even though kaunti lang ang EIU students dito. Ang lakas pa rin ng presence namin. Si Chendrix kahit hindi siya yung sobrang athletic type, ang galing sa defensive reads. Siya yung utak sa depensa namin. Parang alam niya kung saan pupunta ang bola bago pa ipasa. Danrel at Brixzain naman? Sila yung dalawang comedian sa court pero pagdating sa game ay ibang klase ang intensity. Pero pinaka nagulat ang lahat? Si Yan. Yung best friend ni Madelight. Ang tahimik niya sa usual pero ngayon? Parang may sariling mundo. Ang bilis ng instincts. Parang alam niya agad kapag may free spot, kapag kailangan ng extra pass, at kapag kailangan ng steal. At gusto ko man o ayaw. nagsho-show off siya ngayon. Tumingin ako sa kaniya after ng isang maganda niyang assist. "Good." Sabi ko. Ngumiti lang siya ng maliit. "Focus lang, Captain." Captain. Hindi Zach. Hindi Clifford. At hindi Watson. Professional hindi ba? Ayos! Second quarter. Mas tumindi ang laban. Palitan ng puntos. Hindi kami pwedeng mag-relax. Fans nila ang ingay. Cheerleaders nila halos sumisigaw sa bawat basket nila. Pero hindi nila kami matitinag. Itinakbo ko ang bola pababa ng court, crossover, fake left and drive right. Bang! Layup. Two points. Dinig ko ang sigaw ng crowd. Ang ingay. Nakaka-adik. Nakakaganang lalo pang manalo. Pero naramdaman ko rin yung pagod. Pawis na pawis kami. Halos gusto ko nang uminom ng isang galon ng tubig. Pero hindi ako tumigil. Hindi ako pwedeng tumigil. Elite ako. HIT4 ako. Anak ako ni Watson. At higit sa lahat. Ayaw kong matalo sa harap ni Yan. Ayaw kong lumabas na mas magaling pa siya sa akin. Third quarter. Dito na nag-init ang Star High University. Umabot sila ng five-point lead. Uminit ang bench nila. Uminit ang crowd. Pero hindi kami pinanganak para magpa-pressure. "Zach." Sabi ni Chendrix habang nagtatali ng sapatos niya. "Relax. Hindi tayo matatalo kung nag-iisip ka." Mahina niyang hinimas yung likuran ko. Nainis ako saglit pero tumango. Tama siya. At pagbalik namin sa court. Nagpakitang-gilas kami lahat. Si Danrel naka three-pointer. Si Brixzain naka-steal. Si Yan naka-fast break. At ako? Naka two consecutive drives. Naging tie ang score. At doon ko naramdaman ang lakas ng buong team ko. Hindi lang sila mga kaibigan. Hindi lang sila barkada. Hindi lang sila HIT4. Kundi team kami. Fourth quarter. Final minute. Ito na ang pinakamalalang parte. Tie game. 20 seconds left. Ball namin. Hinawakan ko ang bola. Ramdam ko ang t***k ng puso ko na parang sasabog. Lahat nakatingin. Yung buong crowd. Yung buong Star High University. Yung buong Elite International University sa stands. Lalo na yung mga babae na sumisigaw ng pangalan ko. Pero hindi iyon ang importante. Ipinasa sa akin ni Yan. Tumakbo ako. Dodge sa defender. Pero na-trap ako ng dalawa. "Zach! Dito!" Sigaw ni Yan. Pero hindi ko siya pinasa agad. Hindi dahil hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Kundi dahil ako ang captain. Ako ang finisher. Isang malakas na pagtalon. Pero may sumulpot na defender. Blocked. Pero bago bumagsak ang bola sa sahig. Chendrix caught it. And shot it. Parang slow motion. Ang bola ay gumulong sa ring at pumasok. Buzzer. WIN! Kami ang panalo. Isang puntos lang ang lamang. Literal na isang puntos lang. Nagkagulo ang court. Sigawan. Tatalon-talon. Yung iba halos nagyakapan. Huminga ako nang malalim. Ang sarap sa pakiramdam. Panalo kami. Sa gilid ng mga mata ko. Nakita ko si Yan na ngumiti. Genuine. Sincere. "Good game, Captain." Sabi niya habang inaabot ang kamay niya. Tinanggap ko. "For once hindi ka pain in the ass." Sagot ko. Tumawa siya. At kahit ayaw kong aminin. Magaling siya. Pero bago pa ako masyadong matahimik. Pumasok sa isip ko ang isang pangalang matagal ko nang hindi gustong isipin. Madelight! Ano kaya ang reaksyon niya kung nakita niya yung panalo ko ngayon? Hindi ko alam kung bakit ko iyon naisip. At ayaw kong alamin kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD