Madelight's POV Pagod na pagod ako habang naglalakad pauwi sa apartment. Ang bigat sa paa, ang bigat sa ulo, at ang bigat sa puso. lahat na lang mabigat. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang araw ko. Dapat sana simple lang. Trabaho, tulog, eskwela. Pero hindi. Kailangan pang guluhin ng mokong na Zach Clifford Watson ang buhay ko. Ginabi na ako ng uwi dahil sa kaniya. Literal. Dahil sa pagiging baliw niya. Pagpasok ko sa apartment ko. Naramdaman ko agad yung pagod na parang binagsakan ako ng isang drum ng tubig. Pag-akiyat ko sa hagdan ilang beses akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung pagod lang ba ako o dahil sa inis ko kay Zach. Pagpasok ko sa unit ko. Winelcome ako ng katahimikan. Tinanggal ko kaagad ang bag ko, binato sa kama, at napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa

