Zach's POV
Pagkatapos ng klase namin ngayong araw. Wala na akong ganang makipag-hangout sa HIT4. Wala rin akong gana maglaro ng basketball. Ang weird kasi. Parang buong araw si Madelight lang yung naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling itong kagustuhan na pag-aksayahan ng oras ang babaeng iyon.
Pero ang sigurado ako. Ayoko siyang tigilan.
Pag-uwi ko sa mansion. Diretso ako sa room ko. Tinanggal ko yung necktie ko, binuksan ang butones ng polo uniform ko, at humiga saglit. Pero imbes na makapagpahinga. Lalo lang gumulo yung isip ko.
Hindi ko alam kung anong meron kay Madelight. Hindi naman siya kagaya ng mga babaeng nakakasama ko. Hindi siya takot sa akin. Hindi siya napapadala sa pera. Hindi siya impressed sa pagiging Zach Clifford Watson ko. At hindi ko alam kung bakit gusto kong makita kung hanggang saan yung tapang niya.
Napaupo ako sa kama, tumingin sa phone ko, at napaisip.
Then biglang may pumasok na idea.
Wild. Stupid. Overboard.
Pero gusto ko.
Tumayo ako at tinawagan ko sina Marlon at Jiggs. Dalawa sa pinaka-trusted na tauhan ko dito sa mansion. "Kunin niyo si, Madelight." Sabi ko. "Pero huwag niyong takutin. Ayusin niyo lang. Dalhin niyo dito. Gusto ko siyang pagandahin para sa dinner." Paliwanag ko sa phone.
"Sir, sure po ba kayo? Parang---" Inunahan ko na siyang magsalita.
"Sundin niyo na lang." Putol ko pa.
Kahit alam kong sobrang extra nito. Hindi ko mapigilang gawin. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung paano siya magre-react kapag nasa lugar ko siya. At kapag hindi siya makaiwas sa presence ko.
After five minutes ay nag-message na si Marlon.
Marlon: On the way na kami kay, Madelight.
Humiga ulit ako. And I swear habang hinihintay ko sila. Para akong high school na first time magkakaroon ng date. Nakakainis.
Ano bang nangyayari sa akin?
Maya-maya ay narinig ko yung ingay ng sasakiyan na pumarada sa front driveway. Tumayo ako at tumingin mula sa window. May dalawang tauhan akong bumaba at kasama nila si Madelight.
Nakita ko agad na nagtataka siya. Hindi siya mukhang takot. Mas mukha siyang galit. Nakapamaywang pa. As expected.
Pero hindi pa niya alam kung na saan siya.
Pinatuloy siya ng staff papunta sa entertainment room kung saan plano kong ipag-makeover siya. Kita ko sa CCTV monitor kung gaano siya ka-curious.
"Pwede paki-explain kung anong nangyayari?" Tanong niya. Halatang irritated.
Pero trained ang staff ko to keep their mouths shut.
"Ma'am, please relax. We were instructed to prepare you, po."
"Prepare? Para saan?" Mas lumaki yung mga mata niya.
Hindi sumagot yung staff. Imbis na sumagot ay inayos nila yung buhok niya, inayos yung suot niya, tinanggal yung dumi sa uniporme niya dahil galing siya sa trabaho. May nag-make up sa kanya. Light lang na parang pang-event. May nag-ayos pa ng kilay niya.
At habang pinapanood ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Madelight in a dress. Madelight na maayos ang buhok. Madelight na glowing kahit ayaw niya.
Hindi naman sa pangit siya. Hindi talaga. Pero ngayon parang mas lumabas yung natural niyang ganda.
Pero halatang nainis siya lalo.
"Bakit niyo ako inaayusan?! Sino ba yung nag-utos nito?! Pwede bang paalisin niyo na ako dito?! May trabaho pa ako bukas!" Sigaw niya.
Ayaw man nila at hindi nila sinabi. Strict orders ko yun. Kaya pagod na pagod na siya sa kakatanong nang biglang nagsalita yung head staff.
"Ma'am, nandito na po yung nag-utos." Biglang sabi ni Marlon.
And that's my cue.
Lumabas ako mula sa hallway. Nakasuot ako ng black polo, slightly unbuttoned, at may hawak pang wine glass kahit hindi naman ako umiinom ng wine. Trip ko lang. Para may dramatic entrance.
Nang makita niya ako. Para siyang naparalisa.
Nanlaki yung mga mata niya. Namilog yung bibig niya. At exactly how I imagined it. Nabigla siya.
"You---?!" Halos sigaw niya.
"Hi!" Sabi ko casually. "Welcome sa bahay namin." Nag-wave hand ako na may dating.
"Bahay?! As in bahay mo?!" Halos mawindang siya.
"Yup. Watson's mansion. Where else?" Ngumisi ako.
Hinila niya agad yung kumot na nakapatong sa legs niya. Tumayo bigla at tumuro sa akin.
"Ikaw lahat nang may pakana nito?!" Anas na sabi niya sabay tingin sa mga kasuotan niya.
"Yes." Lumapit ako sa kaniya. Hindi ko na idininay pa.
Parang sasabog ang ulo niya. "Zach, kabaliwan na ito! Hindi ako papayag na basta-basta mo lang akong dadalhin dito para ayusan. Ano bang akala mo sa sarili mo?!" Inirapan niya ako.
I took a step closer.
"Ako ang magiging boyfriend mo." Seryosong titig ko sa kaniya.
Boom!
Literal na nag-freeze siya. Literally na nanigas siya. Tapos dahan-dahan siyang napapikit na parang iniisip kung narinig ba niya ng tama yung mga sinabi ko.
Pagdilat niya.
"Ano?!" Halos sumabog ang boses niya.
"Boyfriend." Ulit ko. "Ako. Ikaw. Tayo." Tinuro ko pa siya sabay lagay ng transparent na magandang baso ng wine at ininom ko iyon.
"Ayoko." Deretso. Walang pagdadalawang-isip.
"Ayaw mo? Bakit?" Nakataas kilay ako.
"Kasi sino ka ba para utusan ako ng ganyan?" Buliyaw niya sabay buntong hininga.
Ako naman ang natahimik saglit. Hindi ko inaasahan iyon. Madalas kasi kapag sinabi ko sa isang babae na magugustuhan ko sila. Automatic yes. Pero siya?
Hindi!
Tumayo siya nang mas tuwid. Tumingin diretso sa mga mata ko.
"Tapos bakit mo ako kinuha? Anong tingin mo sa akin, trophy? Gagawin mo lang akong display?"
Napakamot ako sa batok. "Hindi naman ganon."
Pero hindi ko pa natatapos bigla niyang tinanggal yung isa niyang flat shoes.
At inihagis sa mukha ko.
Literal. As in binato niya sa akin.
"Aray ko, Madelight!" Napaatras ako.
"Hindi ako madaling mabili ng pera mo, Zach!" Sigaw niya. "Hindi porket mayaman ka ay makukuha mo na lahat ng gusto mo!" Humalukipkip siya ng mga braso niya.
"Hindi kita binibili!" Depensa ko.
"Then ano ito?!" Tinuro niya yung sarili niya. "Yung pagkuha mo sa akin? Yung pag-ayos ng mukha ko? At yung pang-aabala mo sa trabaho ko?!" Nilapitan niya ako sabay tadziyak sa mga paa ko.
Aray ko naman!
Hindi ako nakasagot.
Tama siya. Sobrang extra ko. And for what? Para lang marinig siyang mag-yes sa akin?
Nagpatuloy siya. "Kahit anong gawin mo, kahit ilang staff ang utusan mo, hindi mo ako magiging girlfriend! Tandaan mo iyan, Zach."
Then tumalikod siya. Tinanggal niya ang hair clips niya. Binura niya yung makeup gamit ang wiping tissue sa table. Parang wala siyang pake kung masira yung effort ng mga staff ko.
At hindi pa siya tapos.
"I'm leaving." Sabi niya. "At huwag mo na akong idadamay sa kung anumang trip mo." Ibinato niya sa akin yung wiping tissue na ginamit niya pantanggal sa makeup niya.
Palagi niya akong binabato a. Hindi na ito makatarungan.
Tumakbo siya palabas ng room.
Hindi ko napigilan ang sarili kong humabol ng isang hakbang.
"Madelight!" Tawag ko sa kaniya.
Pero hindi na siya lumingon.
Iniwan niya ako doon.
Ako ay naka-dress-down. Ako ay naka-handa ng dinner table. Ako na dapat paporma pa.
Ako na ngayon lang tinanggihan.
At hindi ko alam kung maiinis ako o maiintriga lalo.