Zach's POV
Maaga akong nagising ngayon. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil may mandatory general assembly daw ang mga varsity players ngayong umaga. 9:00 A.M. sharp. Sa Elite International University. Kapag varsity ka, hindi puwedeng palya sa attendance. May mga coach, dean, at school administrators na nagmamatyag.
Pero honestly hindi ko naman talaga gusto yung mga ganitong assembly. Routine lang, attendance, speeches, announcements, tapos kunwari may pep talk tungkol sa sportsmanship. Wala namang bago. Kaya ang plano ko. Pumunta, magpakita, maglaro muna ng basketball at pagkatapos ay baka umalis na rin kung wala namang kwenta ang meeting.
I want to say na hindi pala natuloy kahapon itong event na ito. Kaya ngayong umaga pa lang matutuloy.
Pagpasok ko sa gym. Naroon na sina Chendrix, Danrel, at Brixzain. Pare-parehong naka-varsity uniform. Black and gold.
"Uy, akala ko absent ka, bro." Sabi ni Danrel habang naglalaro ng bola.
"Hindi naman." Sagot ko habang binibitbit ang gym bag ko. "Baka mamaya lang mawala ako kapag boring na itong assembly." Marahan kong ibinaba yung gym bag ko.
"Boring na naman? E baka may bagong cheerleaders na magpe-perform mamaya." Sabat ni Brixzain sabay ngisi.
"Hay naku, iyan lang lagi ang laman ng utak mo." Sabi ni Chendrix habang nag-aayos ng sapatos.
"E anong gusto mo, libro?" Ganting biro ni Danrel sabay hampas ng bola sa kanya.
Tawanan lang kami habang naglalaro ng three-on-three. Medyo maaga pa kaya wala pa masyadong tao. Ginawa na naming warm-up yung laro bago magsimula ang assembly.
Tumama ang bola sa ring. Sumalpok tapos sinalo ko agad. "Nice rebound, Zach!" Sigaw ni Chendrix.
"Of course." Sagot ko sabay bitaw ng perfect shot. Swish. Pasok.
Ngumiti ako nang bahagya. Hindi ko man sabihin nang malakas pero sa damdamin ko. Gusto ko talagang maramdaman na ako pa rin yung best sa court. Kasi kapag may bago o mas magaling. Dun ako naiirita. Hindi ko gustong may umaagaw ng spotlight ko.
"Still the same old, Zach." Sabi ni Danrel. "Laging gusto na ikaw ang bida." Maliit lang siyang tumawa.
"Natural. Ako naman talaga." Sagot ko sabay ngiti.
Nagpatuloy lang kami sa laro hanggang sa dumami na ang mga estudyanteng pumapasok sa gym. Maraming babae na nakaupo sa gilid. Sumisigaw ng go Zach! Habang may iba namang kumukuha ng video. Sanay na ako sa ganito. Popularity has always been part of my life whether gusto ko man o hindi.
Pero sa may isang sulok. May napansin akong babae. Nakaupo siya sa bleachers. Tahimik lang. Hawak ang phone niya. Hindi siya kagaya ng iba na sumisigaw o nagpi-picture. Parang obserbador lang. Nang tumama ang bola sa direksyon niya. Agad niyang nasalo iyon. Mabilis parang sanay.
Pagkakuha niya ng bola. Tumingin siya sa akin.
Fujikira.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Damn!" Bulong ko.
Si Fujikira Fiona Yamasaki. Ang ex-girlfriend ko.
Hindi ko siya nakita for almost a year. Last time bago siya lumipad papuntang USA para mag-aral ng sports management. Akala ko doon na siya magtatagal. Pero ayun siya ngayon. Bumalik. Still the same long brown hair, flawless skin, and those sharp eyes na palaging seryoso pero nakakaakit.
Yung kahapon nagkita kami dito sa school. Pero umiwas lang siya. Hindi niya ako kinausap. Hindi rin siya pumasok sa classroom kaya hindi na rin ako pumasok kasama ang barkada ko.
Siguro hindi pa kami handa kausapin ang isa't-isa. Pero ngayon parang okay na ang lahat.
"Bro, si, Fujikira, iyon hindi ba?" Bulong ni Chendrix.
"Yeah!" Sagot ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Uy, ex mo iyan!" Singit ni Danrel sabay tawa. "Mukhang balik-tanaw tayo a!" Siniko niya ako.
"Shut up." Sabi ko pero napangiti rin ako nang bahagya.
Pagkatapos ng laro ay nagpunta ako sa gilid ng court para magpahinga. Nakita kong lumapit si Fujikira. Bitbit niya yung bola na nasalo niya kanina.
"Still showing off, huh?" Sabi niya habang inaabot sa akin yung bola.
"Old habits never die." Sagot ko sabay tanggap ng bola.
Tahimik kami sandali. Yung mga tropa ko ay nagpaalam muna. "Bro, kami na muna sa cafeteria. Balikan ka namin later." Sabi ni Chendrix sabay kindat. Alam na!
"So, kailan ka pa bumalik?" Tanong ko habang nilalaro ang bola sa kamay ko.
"Just last week." Sagot niya. "Hindi ako nakapasok sa first and second day kasi may jetlag pa ako. You know! Adjustment from, USA, to, Philippines." Patuloy niya.
"Figures." Sagot ko. "Kaya pala kanina parang may reunion scene ulit sa hallway kagaya nung kahapon. Ikaw pala yung nakita ko." Nakangisi kong sambit.
She smiled. "I saw you too. Same old, Zach. Mayabang, confident, at palaging napapalibutan ng fans." Bumuntong hininga siya.
"I call it charm." Sabi ko sabay smirk.
"Charm ba o ego?" She shot back teasingly.
"Depende sa tingin mo." Sagot ko pero hindi ko maitago yung tawa. Ganon naman kami dati. Laging may asaran pero may lambing din.
"Anyway!" Sabi niya. "I am officially enrolled here again. Same course and same department. Baka magkasama ulit tayo sa mga events." Tinapik niya yung balikat ko.
"Good to know." Sagot ko. "Pero bakit ka bumalik? Akala ko tuloy-tuloy ka na sa USA?" Kunot-noo kong tanong.
Umiling siya. "Napagod ako sa pressure doon. At saka I realized something na hindi mo kailangang mag-stay sa ibang bansa para patunayan kung sino ka. Sometimes you just need to return where you started." Naghawi siya ng buhok.
Tahimik ako saglit.
Same Fujikira. Matalino. Alam kung paano magsalita ng may hugot.
Pero bago pa ako makasagot. Biglang dumating yung coach namin.
"Watson! Assembly na. Bring your team here."
"Yes, Coach!" Sagot ko agad.
"Later?" Tanong ni Fujikira.
"Sure." Sagot ko. "Let's catch up after this." Nag-thumbs up ako.
Ngumiti siya tapos tumalikod na.
Habang naglalakad ako pabalik sa grupo namin. Naramdaman kong may mga mata pa ring nakatingin sa amin kanina. Maraming estudyanteng bulungan nang bulungan.
"Si, Zach, at si, Fujikira, ulit?!"
"Back together na kaya sila?"
"Perfect couple iyan dati. Baka sila na ulit."
Kinuhanan nila kami ng pictures!
Sanay na ako sa tsismis. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko.
Pagkatapos ng assembly. Nagpunta kami ni Fujikira sa bleachers ulit. Wala masyadong tao kasi tapos na ang program.
"So!" Sabi niya habang nakatingin sa court. "Na-miss mo ba ako?" Inayos niya yung suot niyang damit.
Ngumiti ako. "Confident ka, ha."
"Hindi naman masama magtanong." Sagot niya sabay tawa.
Umiling ako. "Hindi ko alam kung anong sagot dyan, Fujikira. I mean we ended things for a reason."
"Yeah." She said softly. "Pero minsan hindi naman kailangan ng reason para mag-usap ulit." Tumaas ng kaunti yung tono ng pananalita niya.
Tahimik kami sandali. Yung mga ilaw sa gym medyo nagdi-dim na kasi tanghali na. Naririnig ko lang ‘
yung echo ng mga bola na tumatama sa sahig.
"Alam mo, Zach." Sabi niya. "You haven't changed much. Still the same guy I knew. Confident, competitive, pero may tinatago sa likod ng mga ngiti." Tinuro pa niya ako sa mukha.
Nag-angat ako ng tingin. "Anong tinatago?"
"Something softer." Sagot niya. "Something you don't show to people." Naghalukipkip siya ng mga braso niya.
Napatawa ako ng mahina. "Maybe you just imagined it."
"Or maybe." Sabi niya. "I just knew you too well." Dagdag niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Totoo naman. Sanay na akong ipakita sa mundo yung arrogant at untouchable na Zach Clifford Watson. Pero minsan may mga tao talagang nakakakita ng ibang side mo kahit hindi mo sabihin.
At si Fujikira isa siya roon.
"Anyway!" Sabi niya. "I have to go. May practice pa ako for volleyball. Same gym tomorrow?" Tumayo na siya.
"Yeah." Sagot ko. "See you." Kumaway lang ako sa kaniya.
Pag-alis niya ay nanatili akong nakaupo. Nilabas ko ang phone ko para i-check ang oras. 11:30 AM na.
Pagtingin ko sa gallery. Nakita ko yung mga recent photos sa hallway kanina. May nagtag pa sa akin sa social media. Doon ko nakita yung isang litrato. Ako ay nakatingin sa direksyon ng isang babae.
Hindi si Fujikira.
Siya yung babaeng nasa gitna namin kahapon bago ako tumitig kay Fujikira.
Yung Foodpanda girl.
Napahinto ako. Hindi ko alam kung bakit pero napatitig ako sa litrato nang matagal.
Sa unang tingin ordinaryo lang siya. Pero may kakaibang dating. May tapang sa mga mata niya kahit halata sa ekspresyon niya yung kaba.
"Foodpanda rider." Bulong ko sa sarili ko. "Interesting." Ngumisi ako.
Hindi ko alam kung bakit ako natawa. Maybe kasi nakakatuwang isipin na may estudyanteng rider dito sa Elite International University. Sa school na halos puro mayayaman lang ang nakakapasok.
Pero may kakaibang curiosity na nagsimula sa puso ko.
At hindi ko alam kung iyon ba ang simula ng isang bagong gulo o isang bagong kwento.